ANG SABI-SABI
Mahal sabi mo ako lang
Pero bakit ka may babe, be, at hon
Hindi naman 'to game show na
pang One for All, All for OneMahal sabi mo ako lang
Pero bakit may iba ka pang "The One"
Wala namang shortage sa babae pero
bakit may reserbang kailanganMahal sabi mo tayo lang
Pero bakit ngayon ikaw na lang
Sabi mo sabay tayong maglalakbay
pero bakit ka nauna
bakit ka kumaliwaMahal sabi mo tayo lang
Pero bakit ngayon ako na lang
Sabi mo ako'y maghintay
pero bakit ka nawala
bakit 'di ka na nagpakitaPaano mo ba kasing gustong mahalin ka
Binigay ko naman ang lahat
bakit parang kulang pa
Mahal, sabihin mo, pakikinggan kita
kahit na hangal kaSabihin mo lang kung ayaw mo na
Handa ko namang itigil tapos
bibitawan ka na
Sabihin mo lang kung ayaw mo na
Handa ko namang tuldukan tapos
kalilimutan na kita
