Stacy's POV
Tuesday Morning. Putangina may bagyo daw. Aba't namumuro tong ulan saakin huh? Hindi ako magaling sa pagdadala ng payong, walang kaso saakin ang mabasa ng ulan pero araw-araw umuulan? Nakakabadtrip na iyon!
Makakatikim na talaga to sa akin! Actually hindi ko alam kung bakit ko sinasama ang weather sa daily routines ko. Normal pa ba ako?
Author's note: Her name is Stacy Lorainne Salcedo.
At your service!
Nasa harapan na ako ng Math Department buti nalang hindi mahaba ang pila kaya hindi na ako nag-abala pang pumila ng mahaba and simply because ayaw nilang kalabanin ang anak ng Dean.
Oo, walang pakilamanan ano?! Mag ri-reynahan ako sa labas ng Department, pwera sa loob.
Bitch friend:
Asan ka?
I replied:
Nasa dept. Bakit?
Nagreply naman ito ulit:
Underload ako. Mag-papa add ako laturr samahan mo ako! Ikaw?
Aba't wala talaga tong sariling buhay ang bitch na'to! Ganda lang ang puhunan ayaw gamitin ang confidence. Anak siya ng President ng University kaya nga wala na akong babayaran pang kahit ano eh! Hello, bitchfriend here, daughter of the Dean here.
I replied with annoyance.
Me:
K.
Nasa loob na ako ng Math Department nang hindi nahihirapan. 'Di ba nga, hindi ako pumila, reyna ako sa labas ng Department. I'm taking BS Math, talino ko no? Magpapadrop ako ng isang minor, pasakit lang iyan, bwesit sa buhay.
At ang nakakainis hindi namin pwedeng gamitin ang powers namin over the Chairman, di ba nga sabi ko sa labas ng department lang akong reyna? Sa loob tahimik, inosente, hindi bitch, puro UTAK, puro GANDA.
"Yes?" 'yan ang intrada ng mataray naming chairman. Bwesit din 'to sa buhay eh! Ayaw yata akong i-acknowledge ng matandang ito.
"Magpapapirma lang po, dropping English41 and adding Math11," magalang kong sabi. Siyempre bawal ipasok ang pagkabitch ko dito, baka iexpell pa ako.
Third year na ako at masakit sa pride ko ang expulsion. Kahit na anak ako ng Dean, diba sa labas lang ako ng department reyna? HAHAHAHA naiinis kayo? Paulit-ulit? Pakialam ko?
Tinaasan niya ako ng kilay at kinuha ang papel marami siyang mga 'kyaw kyaw' sa buhay wala akong pakialam.
Ngumiti lang ako ng sarcastis sa kaniya. Bwesit ka, pag ako grumaduate papalitan kita!
"Upo ka," nagulat ako ng may nagsalita sa gilid ko.
Sir Brett Lucero.
Ang pinakagwapo at pinakagentleman sa lahat ng professor dito. Lahat ng girl studs ay crush na crush siya. He's very approachable, mabait at palabiro. Who wouldn't fall?
He's so damn hot and fucking sexy! He's perfect. I wonder what's his doing in the SA's (Student Assistant) table?
"T-thanks sir," I smiled.
He smiled back and then returned to what he is doing. Umupo ako sa likuran niya. Busy siya sa adding and dropping ng iba pang studs.