Chapter 2:Patay ako neto!

33 0 0
                                    

Hay! Salamat nakarating din. Time check- juice ko! Late na late na late na talaga ako. At kung tatanungin niyo kung anong nangyari kay Mavaho aba'y ewan ko noh! Buti nga nakapagtimpi pa ako at kung hindi ay nasalvage ko yun ng di oras.

*Dug- dug* *Dug-dug*

Yung puso ko humuhurintado hindi dahil sa kilig kundi sa kaba dahil maririnig ko na naman ang sermon ng napaka-BAIT  kong boss at maririnig ko naman ang napakaganda kong pangalan, and thanks to him. (insert the sarcasm -_-)

"DIANAAA!!!" Oh! Hanep diba!.
"YOUR LATE AGAIN!!" Oo late again, araw-araw naman eh! Pero wait, ako na  naman ang bida dahil lahat sila as in lahat talaga sila nakatingin sa  saakin.Natigil pa nga yung iba sa ginagawa nila para lang tignan ako, naku po! Lahat ng santo tinatawagan ko at dinadalangin na sana kainin na ako ng lupa  ngayon na, ngayon na talaga!! Now naa!!! dahil sa kahihiyan, sa lakas ba naman kasi ng pagkakasigaw ng pangalan ko at pagbanggit ng late again ni ser eh! Ako na naman ang main topic at main attraction ngayong araw ng mga co-office mate ko.

"Tsk. Tsk. Tsk. Patay ka na naman Diana. Hahaha!! *cough* *cough* *cough*"
Yan kasi patawa tawa pa na-ubo tuloy. Yan nga pala si Mrs. Mirriam  EFAL-AKO.oh! Dba parang epal ako lang ang peg!.

"Hahaha bilis talaga ng karma". Yan naman ang bestfriend  ko si Eva Cia, siya lang ang bestfriend ko dito sa opisina.

"He-he-he s-sir?!" Nangangatog na ang tuhod ko  niyan!.

"You are 28 minutes and  10 seconds late" Ay! Grabi siya oh! Alam na alam kung ilang  segundo at minuto akong late, kung hindi lang siguro niya ako laging binubulyawan ay masasabi kung gusto niya ako eh! Char!!..
pano ba naman alam na alam, bilang na bilang eh noh! Naku! Hindi naman sana ako mala-late ng ganito katagal kung hindi ako kinausap ng Mavaho na yon eh! Kasalanan niya to eh! Naku talaga pag nakita ko yun tutuluyan at kikitilin ko ang buhay ng babaeng  yon!.

"Sir a-advance lang po n-ng 28 minutes y-yung orasan n-niyo" tinignan lang naman ako ni sir...tinignan ng masamang masama, kung nakamamatay lang ang tingin kanina pa ako nilibing.

"Go to my office now!!" Bulyaw na naman ni sir, hilig talaga nito mambulyaw, oo nga pala i'd like to introduce to you one of my boss, sir Uno. Lalaking lalaki ang pangalan ano!

"Oh ano! Tatanga nalang diyan?!" Natauhan ako sa pag-iisip ko nang marinig ang boses ng bestfriend ko.

"Huh?!"takang tanong ko.

"Hay nakoo!, sumunod ka daw kay sir"

Ay! Oo nga pala! Muntik ko nang makimutan.

"Ganun ba?! Sige!" Kumaripas na ako ng takbo papuntang office ni sir baka kasi madoble na naman ang galit ni sir Uno saakin.

*tok* *tok*

"Come in" malamig na wika ni sir Uno. Kakatakot talaga boses niya nakaka tindig balahibo.

"M-M-Morning sir!" Kinakabahan talaga ako, namamawis ang palad at noo ko kahit na aircon naman ang office ni sir pati din kilikili ko namamawis na din.

"Why are you late again?" Walang emosyon at malamig na sambit ni sir.

"K-kasi sir ano k-kas--" hindi
Ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sumingit si sir, aba! Bastos to ah! Nagsasalita pa ako eh!.

"Don't tell me, it's traffic again, lumang palusot na yan" pataray na sabi ni sir Uno.

" Hindi sir! Ang totoo niyan kaya ako nala--" hindi ko na naman natuloy dahil nakisingit na naman siya, aba! Bastos talaga toh!

"I am not interested" aba! Tinatanong ako kung bakit ako late tapos pag sasabihin, sasabihing hindi siya intirisado, aba! Matinde ang isang toh! "By the way, asan na yung pinapagawa ko?" pinapagawa?

"Sir ano po yun?" Takang tanong ko.

"Tss. Where are the papers that I asked you to do and mandated to you?"

Napatampal na lang ako sa noo ko nang naalala kong naiwan ko pala yung mga papeles sa apartment ko dahil sa kamamadali ko.

"He-he-he"

"Don't tell me you forgot?!"

"Hehehe sir pano niyo nalaman?" Ackward na tanong ko kay sir.

"Tss" sungit talaga neto!

"Uhh! Sir pwedeng balikan?" Nahihiyang tanong ko.

"Nevermind"

"Talaga sir?!" Hindi makapaniwalang tanong ko..yeeess!

"Yes!...... Because you forgot, i have something for you to do, just for you"

*lunok laway*

"A-ano yun sir?" Kinakabahang tanong ko. Ano naman kaya yon?! Naku  kinakabahan na ako ngayon pa nga lang  na hindi ko pa  alam kung ano yun  sobrang kabado na ako  pano pa kaya kung alam ko na kung anong ipapagawa sa akin diba?.

"Madali lang naman ang ipapagawa ko" with his signature smirk na maka tindig balahibo. " So don't worry" nakakakilabot talaga, hindi daw kabahan eh! Yun ngang  ka office mate ko dati pinapunta ba naman sa baba as in sa baba sa labas ng building  dala ang madaming papeles  at doon nagtrababo ng one week  nang dahil daw sa pilosopong pagsagot nito kay sir. Yun nga lagi akong late kaya araw-araw din akong over time sa trabaho dahil sa paggawa ng paper works yun ang punishment ko, buti nga hindi malala gaya ng parusa ng iba kong ka co-worker.

"What is it sir?" Ayan! Napa- english tuloy ako.

"You'll see" pasuspence pa si sir oh! Naman eh! Kinakabahan na ako hindi palang sabihin ngayon.

"Uhmm! Sir pwede ngayon na?"

"Are you commanding me what to do?" Naku po! Galit na ang dragon with matching taas kilay pa yan ha!

"No sir! I'm just asking a question".

"Tss, go and wait for my instruction"

"Y-yes sir" nagbow ako pag galang sakanya. Aba! Kahit napahiya ako,Dapat  parin natin igalang ang nakatataas aba! Mahirap na pano kung masesante ka?! Mahirap pa naman ngayon maghanap ng trabaho.

"Ayos ka lang friend?" tanong ng bestfriend ko. Ngumiti nalang ako ng peke para hindi na siya mag alala pa.

"Oo naman"

"You sure?" Yan naman ang boyfriend ng bestfriend ko si Adan (Eyden ang pronunciation) hanep diba Adan at Eba ang peg. Pauso din kasi nitong si miss author eh noh!.

"Diana, tawag ka ni sir"

"Ah! Sige salamat." Saba'y ngiti.

"Ayan na! Pinapatawag ka na. Ipagdasal ka na lang namin ha!" Biro sa akin ng ugok na si Adan at napatawa na lang kami para kahit papano mabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"Hahaha oh sige!..pasok na ako dun sa lungga ng dragon." pertaining sa office ni sir. Habang papunta  at palapit ng palapit sa office ni sir, hindi ko talaga maiwasan ang kabahan ano naman kaya ang i-uutos niya at may pa you'll see you'll see pa siyang nalalaman. Juice ko! Layuan mo akoo!

( Tukso yon! Shunga!) Sabi ng isip ko..edi wow!.

(Sorry sabaw yung chapter 2)
-private

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Huli Na Ba Talaga?Where stories live. Discover now