Wait!!! Bago ko makalimutan, eto nga pala yung mga cast:
Kathryn Bernardo as Shaine Panaligan
Daniel Padilla as Dwane Carreon
Nadine Lustre as Arabella Mirandilla
James Reid as Joshua Besana
Julia Montes as Shakira Mae Abejar
Albie
Dominic Roque as Jordan Orfano__________________________________________________________________________________________________
Shaine's POV
*kring kring*
"Ano bayan!!! Kakatulog ko lang ah?! Gising agad! Di ba pwedeng 3 hours pa?!" sabi ko habang kausap yung alarm clock ko.
"Hoyyyy!!!" Sigaw sakin ni mama nang marinig nya na nagalit ako sa alarm clock. "Para kang tanga dyan! Pati yang alarm clock, pinapagalitan mo! Bumangon ka na at male-late ka na!"
Tumingin agad ako sa orasan.
0_0
PAKSHET!!! 4:30 na! 5:40 kase start ng flag ceremony. Sasaraduhan ka kaagad ng gate pag nalate ka. Malayo pa nmn bahay namen sa school.
"Lintek kase yang batas nayan!" Bulalaw ko habang nababa sa hagdanan. "Sino ba kaseng nag pauso nyang morning classes eh! Pag nakita ko talaga yun! NAKUUU!!! Baka di ako makapag pigil! Kinanin ko na agad yung pagkain na nasa mesa at dali daling pumunta ng banyo at naligo.
Paakyat na ako sa hagdanan nang biglang..."IPIS!!!!!!!" Napasigaw talaga ako sa sobrang takot. "Arggghhhhhhhhhh... yakkkk... kadiri!!!"
Naglakas loob akong paluin yon.
"Hhmmppp... tatakas ka pa ahhh... huli ka Antonio! Ayyy nakatakas! Teka! Uyyyy... ano ba... ayun! Wala na!"
Umakyat na ako at nagbihis agad agad!
Nagsusuklay na ako sabay tinali ko na yung buhok ko kahit basa pa.
Kulot kase buhok ko. Ayoko lang sumabog kaya iniipitan ko agad.
Yung style ng buhok ko is naka pony ng mataas tapos naka tirintas. Hanep dba?Aaminin ko, boyish ako. Malapit ako sa mga lalake.
Pero di ibig sabihin nun na kaladkarin ako or malandi! Ganun lang talaga ako. BOYISH NGA DIBA? Wag masyadong judgemental!!!
Nagto-toothbrush na ako. Handa na ako!
Kinuha ko na yung bag ko at pumunta sa tricycle.
Tumingin ako sa relo ko.
Buti nmn 5:20 palang.
"Ano ba naman yang trapik na yan oh!" Sigaw ko sa tricycle. "Bakit kase ngayon pa eh! Male-late na ako!"
*moments later*
Nakarating na ako sa school. 5:30 palang pero binuksan na agad yung gate.
Pumila na agad ako sa pila namin. Oo nga pala, hindi naman sa pagmamayabang noh? Kasali ako sa STAR SECTION.
Astig dba? Mainggit kayo please! Hahahahahaha.
Yun, nasa school ground kame. Nilagay ko na yung bag ko. Kailangan kase pati yung bag naka fall in line? Daming chorva!
"Shaine!" Nagulat ako nang may tumawag saken.
S-si Dwane! Yes! Sya yung crush ko since grade 4. Cute sya, gwapo, di gaanong matalino pero kaklase ko, mabait, di masyadong matangkad at member sya ng The Breakers.

BINABASA MO ANG
Buhay Estudyante
Teen FictionNakakapagod maging estudyanto noh!? Well, Grade Six palang ako yan na agad iniisip eh noh?! Lalo na kaya pag nag high school na ako.! Aaaahhhhhhh... ang hirap mag isip, nakaka stress! Hahahahahahaha! Sana magustuhan nyo! (Based on a true story ito n...