Chapter 31: WEIRD

60 11 2
                                    

Jeriana's Pov
Nandito kami ngayon sa clinic,
Binabantayan si Liana.
Hindi parin talaga ako makapaniwala na kabilang si ORACLE sa mga killer.



Nang bumukas ang pinto.
"Hi. Guys! Lahat kayo tulala ah, ano iniisip niyo?."- shane

"Ah... wala." Tanging nasabi ko.
Alam na rin nila ang tungkol sa nangyari saamin.
Pareho lang ang reaction nila.
GULAT. Nang malaman nila na kabilang si Oracle sa mga killer.
Napaiyak pa nga si Shane eh, kasi daw crush na crush daw niya si Oracle.



At nitong nakaraang mga linggo.
Nagbago si Shane.
Nagigig close na namin siya, at ang bait bait niya pa.





At lumabas na ako ng clinic.
"Jeriana. Saan ka pupunta?."-Jairo
"Ahh.. dito lang. Magpapahangin."
Sabi ko.



"Samahan na kita."- shane



Tumango Lang ako sa kanya.
simula nung nangyari kay liana, tahimik nalang palagi si mark... minsan nalang din siya magsalita.
At palagi siyang nasa clinic nagbabantay kay liana. Minsan, nakakahalata narin ako kay mark eh.




Habang naglalakad kami.
May tumawag kay shane.


Nakatagilid lang yung babae, at parang ayaw niya ipakita yung mukha niya saakin.



"Shane. Sino yun?."
Tanong ko.



"Wala. New friend ko."
Ang weird nila.
Bago umalis si Shane. May binulong siya saakin na ikinataka ko.



"Minsan, kung sino pa ang taong akala mo ay mabuti, siya pa ang gumagawa ng masama sainyo."
Magtatanong pa sana ako ng umalis na siya.

Sa isang iglap nawala na sila sa paningin ko.




Weird.






Habang nagpapahangin ako sa damuhan at nag-iisip ng kung ano ano.


Ay may taong tumabi saakin.


Ang amoy niya.




JAIRO



"Hi. Mukhang malalim iniisip ah."
Sabi niya


"Wala toh. Hahaha."
Tanging naisip kong sabihin.


"Alam mo. Kapag natapos na ang kalbaryo na toh sa buhay nating First Class.
Sisiguraduhin kong magtatapat na ako sa babaeng gusto ko."
Nakangiti niyang sambit.
May kumirot naman na kung ano sa dibdib ko.
Pero itinago ko muna iyon.

Baka kasi mapansin niya.
Pilit naman akong ngumiti sa kanya.



"Who's the Lucky Girl?."
Sabi ko.




"Secret walang clue. Hehehhe."
Sabi niya.


Pero maya maya, isang tili ang umagaw ng atensyon namin.
Nanggagaling sa Room!


To Be continued:)





_________________________________________________

First Section (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon