Rusty's Time

9 0 0
                                    

Kakatapos lang ng misa ng lapotan ni Rusty si Azechea. Hindi na siya nagulat kung nandoon si Rusty at talagang hinintay siya nito.

"Hi" bati ni Rusty

"Good morning. Buti at nalasimba ka? Nakahabol ka ba sa misa?"

"Oo. Actually lalapitan sana kita kanina laso nagsimula na eh. Ayaw mo pa namang magpaabala"

Ngumiti lang siya. "Kumain ka na ba? Baka hindi ka nag-almusal kanina" nag-aalalang tanong niya

"Um. Gusto ko kasing makaabot sa misa. Tsaka male-late ako kapag nag-almusal pa ako"

"Hmm? Ano na naman kaya ang ginawa mo kagabi? O siya, mabuti pa maghanap na lang tayo ng kainan. Let's go?"

"Um, ayos lang ba sa iyo na umangkas sa motor? Wala kasi akong kotse na gaya nila Trevor at Brennan. Sorry.." napayuko lang ito

Napangiti lang si Azechea sa insecurity ni Rusty. "It's okay. Sanay na ako. Yan kaya yung ginagamit natin nung nagdedate tayo noon. Basta wag ka lang mabilis. Uupakan talaga kita"

Lumiwanag naman ang mukha ni Rusty. "Halika na. Mukhang gutom na talaga ako"

Inalalayan naman ni Rusty si Azechea na sumakay sa motor. Sinuotan na rin niya ito ng helmet. Sumampa na rin siya sa motor at pinaandar ito. Napakapit naman ng mahigpit si Azechea sa beywang ni Rusty.

Huminto sila sa isang carenderia na minsang kinakainan nilang dalawa. Naalala niya tuloy na halos gawin siyang baboy ni Rusty noon sa dami ng inorder nito para sa kanya.

Nang makaorder na sila ay agad silang kumain. Napangiti naman si Azechea dahil halos mabilaukan na si Rusty sa dami ng pagkain sa bibig nito.

"Rusty, hinay-hinay lang. Hindi naman tatakbo yang mga pagkain" natatawa niyang sabi

Lumunok muna si Rusty bago sumagot. "Sorry, hindi ko napigilan ang gutom ko"

"Pero maghinay-hinay ka naman. Baka mabilaukan ka"

"Opo. O, bakit yan lang kinakain? Kumain ka pa, ano pang gusto mo?"

"Ayos lang ako Rusty. Nakapaggatas naman ako kanina. So lite meal is enough for me"

"Sigurado ka? Magsabi ka la-----"

"Rusty, okay lang. Sige na, tapusin mo na yan. Hindi ka dapat nagpapagutom eh" inilapit niya ang mga ulam kay Rusty

Napansin naman ni Azechea na hindi ginagalaw ni Rusty ang pagkain niya. "Is there something wrong?"

Umiling lang siya. "Namiss ko 'to? Yung inaasikaso mo ang pagkain ko"

"Um, normal lang naman sa mga girlfriend ang maging maalaga. At kahit hindi na tayo, I still serve you" sagot niya sabay ngiti

"Hindi naman lahat kagaya mo" bulong nito

"Hmm? Ano yun?"

"Kung hindi lang sana ako nakabuntis, sana tayo pa rin ngayon"

"Rusty.."

Ngumiti ito ng tipid. "Nung nalaman ko na buntis si Helena, pakiramdam ko parang katapusan na ng mundo. Bumuo na ako ng plano eh. Nagsikap akong maghanap ng trabaho para lang makapag-ipon. Para sana sa kasal natin. Pero, ayun nabulilyaso. Tanga ko kasi eh" tumawa ito at nagpatuloy sa pagkain

Huminga ng malalim si Azechea bago siya nagsalita. "Hindi ko alam kong anong tamang salita na maiibibigay ko. But, I thank you dahil naging importante ako sayo"

"Ang makilala ka ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko Kaye. At pinakapinanghihinayang ko rin dahil napakawalan kita. Hindi ko alam kong bakit pa ako nanghihingi sayo ng second chance pero naglakas-loob pa rin ako na magkaroon tayo ng second chance"

"You deserve a chance. You all deserve a second chance. Pero.... I think I don't deserve your love. You all amazing. Pero I still have goals to achieve. At yun ang sumaya kayo na hindi ako ang dahilan kundi ang destiny niyo. I'm sorry kung ang masusukli ko lang sa inyo ay pagkakaibigan. Siguro nga, ito na ang fate ko. Ang makatulong sa inyo"

"Ouch! Kasisimula ko pa nga lang manligaw, friendzone na agad"

Natawa na lang siya sa reaksyon ni Rusty. "But seriously. I can help you to wait for her kung sino man yang soulmate mo. Malay mo, nasa paligid lang o kaya nasa kabilang carenderia di ba?" ngumiti siya

"Wala na ba talaga? Kahit konting pag-asa? Saka malay mo rin tayo lang pala di ba?"

"I don't tolerate one sided love. Ayoko na dahil lang sa awa kaya kita binigyan ng chance. I already accept the fact that I can't have you. Pinagpi-pray ko pa yan kay God"

"Oo na. At hinay-hinay lang sa pag-eenglish. Hindi ako makasunod sayo eh" napakamot siya sa ulo

Natawa nalang si Azechea. "So, friends?" inilahad niya ang kamay niya

"Friends na lang. Wala akong magagawa" tinanggap niya ang lamay ni Azechea at nakipagshake hands

"Kwentuhan mo naman ako sa baby mo. How old is he or she?"

"Babae siya. Magwa-one year old na yun ngayon buwan"

"Talaga? What's her name?"

"Keia"

Napataas naman ang kilay niya. "You name her after me?"

Tumango ito. "Wala na akong pwedeng maisip na pangalan nung mga panahon na yun. Isusulat ko nga sana ang pangalan mo pero yung sa huli ko na lang ang kinuha ko. Bigla kasing sumingit sa isipan ko si Helena"

"At talagang nakakabastos if isinunod mo sa pangalan ko ang anak niyo. You can hurt her feelings, Rusty"

"Sorry. Hindi ko lang matanggap na hindi ikaw ang naging ina niya nung mga oras na yun. Kaya nga plano ko siyang ipangalan sayo"

"Alam mo naman na ayaw ko ng gulo"

"Don't worry... makakalbo ka lang naman"

Hinampas niya ito. "Ang sama mo"

Tumawa naman si Rusty. "Di, binibiro lang kita. Sinigurado ko na hindi ka niya malalapitan. Subukan lang niya, makikita niya ang inaasahan niya"

"Hoy! Baka hinaharass mo na yang girlfriend mo. Hindi na talaga kita kakausapin"

"Uy! Hindi no! Ang bait ko kaya. Tsaka, alam kong magagalit ka kapag sinaktan ko siya so, hindi talaga"

"Gawin mo yan dahil yan ang tama not because of me. Promise me"

"Oo na, cross my heart pa"

"Aasahan ko yan"

Tumango nalang si Rusty. Ramdam ni Azechea na tinatago lang nito ang tunay na nararamdaman. Sana nga lang ay makalimutan na siya nito.

Nang makauwi siya sa bahay niya, agad naman siyang naghanda sa pagtulog. Nagdasal na rin siya para kay Brennan. She pray na matanggap rin nito ang desisyon niya.

Temporary Girfriend: At Your ServiceWhere stories live. Discover now