Nigh

9 0 0
                                    

Matapos niyang kausapin si Sofia, nagdesisyon na rin siyang kausapin sina Helena at Althea.

Dahil na rin siguro sa pangungulit niya sa mga ito ay naging kaibigan na niya ang mga ito. Mas naging close siya kay Helena. She always requesting to visit Helena just to see her and the baby.

Lagi pa ring nakagwardya sa kanya si Brennan dahil nalaman rin nito na pumunta siya kay Sofia. Nalaman pa niyang pinagilatan nito si Sofia kaya hindi niya ito kinausap ng isang linggo.

No choice si Brennan kundi ang humingi ng patawad kay Sofia lalo na't close ang mga ito.

Naisipan naman ni Azechea na mag-out of town. Gusto niyang makasama ang nga ito. She wants to have an unforgettable memories na madadala niya sa kabilang buhay.

Pinagpapatuloy nila ang panggagamot niya ngunit hindi ang operasyon dahil may posiblidad na mapapaaga ang pagkamatay niya.

Sa isang sikat na resort sila sa subic pumunta. Nagvan na rin sila para nasa isang sasakyan lang sila magkakakasama. Si Brennan na ang nagmaneho ng van at katabi naman nito si Trevor. Nasa ikalawang upuan naman sina Helena at Rusty na kasalukuyang nilalaro ang anak nila. Sina Azechea, Sofia at Althea naman ang nasa likod. Pinagitnaan na ng dalawa si Azechea for safety purposes daw sabi ng tatlong lalaki.

Pagdating nila ay agad pinagpahinga ng mga lalaki si Azechea. Pero nag-insist si Sofia na isama si Azechea sa pamamasyal.

"Hindi siya pwedeng mapagod. Azechea, magpahinga ka muna" utos ni Brennan.

"Pwede ba, your not her boyfriend so stop acting like one" inis na sabi ni Sofia.

"Hey, hey, tama na. Baka magkasakitan kayo. Bren, sandali lang naman kami eh. Tsaka hindi naman nila ako papabayaan. Sige na, please.." pangungumbinse ni Azechea.

"Fine, just don't do any dangerous act"

"As if naman ipapatumbling namin siya" parinig ni Sofia habang nakatingin sa dagat.

"May sinasabi ka?" matigas na sabi ni Brennan.

"Bren, Sofia, stop it. I will be fine okay. Hindi niyo kailangang magtalo. C'mon girls" agad naglakad si Azechea.

Matalim namang nagtitigan sina Sofia at Brennan. Sumunod naman si Sofia kay Azechea. Nag-excuse naman sila Althea at Helena.

"You've got a fierce fiancee huh?" biro ni Trevor.

"She's not my fiancee. She will never be" sagot ni Brennan saka nagwalk-out.

Napailing nalang sina Trevor at Rusty. Samantala, napunta naman ang mga girls sa isang souvenir shop.

"Girls, look at this. Isn't cute?" turan ni Althea.

"Yes, cute siya. Bibilhin mo para kay Trevor?" tanong ni Azechea.

"Tsk! Hindi rin naman niya maa-appreciate. Bibilhin ko ito dahil gusto ko"

Napailing naman si Azechea. Hinanap naman niya sina Sofia at Helena. Napansin niyang may katawag si Sofia kaya si Helena nalang kanyang nilapin na kasalukuyang tumitingin sa mga tinda.

"You like that one?" tanong niya na ikinagulat nito.

"Um, wala rin naman akong dalang extra money--"

"I plan this vacation. Kaya naman, ibibili kita kung anong matipuhan mo diyan. Ay! May nakita akong stuff toy doon, hindi ba allergic si Keia?"

"Naku, hindi na, nakakahiya sayo---"

"Helena, kahit ito lang ang pagbawi ko sayo. Please.."

"Hindi mo naman kailangang bumawi sa akin. Sa totoo niyan nahihiya ako dahil nagawa ko pa ring makipagkaibigan sayo kahit na may connection tayong dalawa kay Rusty" nakayukong tugon niya.

Napangiti naman si Azechea saka hinawakan ang kamay ni Helena. "Remember this, makikita mo rin ang para sayo. Hindi kita itutulak kay Rusty. Pero kung maging kayo man, ako na ang pinakamasayang kaibigan kapag nangyari yun"

"Kaya nga ako nahihiya sayo dahil masyado kang mabait. Pakiramdam ko ako ang laki talaga ng kasalanan ko sayo. Kung hindi lang kami dumating sa buhay ni Rusty, masaya siya ngayon sa piling mo"

"Ano ka ba? Di ba nga, everything happens for a reason. So don't you ever blame yourself okay. Hindi lang talaga meant to be sa kahit sino man sa kanila. Actually, ang saya-saya ko ngayon dahil nakasama ko kayong lahat dito. Hiniling ko na to dati eh. Isa na lang ang hindi pa natutupad"

"May maiitutulong ba ako?"

Umiling si Azechea. "Let's wait for the right time to happen. Alam ko, I can feel it. Malapit na siyang matupad"

Napangiti na rin si Helena. Hinila naman ni Azechea si Helena sa tindahan ng mga stuff toy.

Mag-iisang oras na silang namasyal ng magpasya si Azechea na magpahinga. Agad naman siyang sinamahan ni Helena. Sina Sofia at Althea naman ay nagkayayaang magswimming sa dagat.

Nagsuggest pa si Azechea na maging sexy silang dalawa para makaattract sila ng good vibes. Malay nga naman di ba? Doon pa nila makita ang swerte nila. Kung hindi sila napapansin ng mga lalaking mahal nila, then it's time for them to open up for the others.

Naging maganda ang araw nila sa beach resort. Minsan nagbabangayan sina Brennan at Sofia na nauuwi rin sa tuksuhan. Sina Althea at Trevor naman ay parang hindi magkakilala. Habang si Helena at Rusty ay minsan ay nagkukulitan. Buti pa ang dalawa may closure na nangyari. Dahil na rin siguro sa may anak sila. Hiling ni Azechea na makamit na ng bawat isa ang inaasam na pag-ibig.

Temporary Girfriend: At Your ServiceWhere stories live. Discover now