[JINYEON'S POV]
Kanina pa nanginginig yung kamay ko habang hinihintay si Jungkook na lumabas ng changing room. At kanina pa 'ko kinakausap ng ibang stylists dito, pero 'di ko sila nasasagot ng maayos kasi hinihintay ko talagang lumabas si Jungkook eh.
Jusko. Feeling ko anytime aatakihin ako. Baka kasi 'di tumugma sa dress coding. Tapos 'di pa din nalalagyan ng make up si Jungkook kasi nakakailang palit siya kasi walang mag-kasya sakan'yang damit. Taba kasi ng ano.
Ng ilong. Hehehehe.
Ay anong connect.
Okay back to the topic. Shems. Ngayon lang ako naging seryoso ng ganito sa tanang buhay ko. As in.
Ayoko kasing pumalpak. Lalong lalo na mapahiya. Huhuhuhu ayaw ko.
Bangtan na 'to e. Magiging bato pa ba?
"Hays. Tangina." bulong ko habang minamasahe yung kaliwang kamay ko. Kasi nga 'di ba nanlalamig yung kamay ko tapos nanginginig dahil sa sobrang kaba. 'Di ko alam kung matatae ba 'ko o ano e.
Mas malala yung kaba ko ngayon. Eto na 'yun eh.
Nakaalis na din si Lysha-Eonni kanina pa bago mag-lunch time, kaya medyo napepressure ako.
Mabuti mabait naman yung mga stylists, kaso kasi yung iba...iba yung tingin sa'kin eh.
Para bang gusto 'kong tagain.
Yun. Yung mga ganung tinginan. Oh diba nakakatakot 'yun.
Pero tangina talaga eh. Jeon Jungkook, please bear with meㅡ
"Huy!"
"AY KABAYONG MALAKI ILONG!" Napahawak ako sa dibdib ko at napalingon ako sa likod ko. Ay puㅡ
"Hoseok naman eh." inis na sabi ko at tumingin ulit ako sa pintuan ng changing area na saan naka-pwesto si Jungkook.
"Why so serious?" nakakalokong tanong niya sa'kin.
"Wala. Si Jungkook kasi baka malate. Tagal-tagal mag-bihis. Nakakagago." iritadong saad ko at napahawak ako sa dalawang braso ko. Nakaka-goose bumps.
"Hmm.. Masyado kang nakatutok kay Kookie, noona. Kaya ka naiistress."
"Eh kesa naman hindi tutukan. Ang kulit-kulit. Isip bata." sabi ko at napatingin ako sakan'ya.
"Wow. Tapos na ayusan. Nicenicenice. Keep it up. Galing Heya ah." sambit ko at tinignan yung isang stylist at nag-'thank you' naman siya kaagad.
"'Di ba mas matanda ka sa'kin? Isang buwan?" tumango agad ako dahil sa tanong niya.
"Noona pa din kita. *pouts* Sayang naman." nakangusong sabi niya kaya napakamot ako ng ulo ko.
Eh?
"Gusto pa naman kita tawaging babeㅡ"
"Jinyeon-noona." hindi ko narinig yung huling sinabi ni Hoseok kasi napalapit agad ako kay Jungkook nung pagkalabas na pagkalabas niya ng changing area.
"HAY THANK YOU LORD. PRAISE THE LORD. AMEN. ANG TAGAL MO NAMANG NAG-BIHIS." reklamo ko at inayos yung suot niyang polo.
As usual, white polo.
"Sa dami nang sinuot mo Jungkook, diyan pa din yung bagsak ng style mo?" tanong ni Namjoon mula sa likod ko. Ako naman inaayos ko yung pagkaka-butones.
BINABASA MO ANG
His Stylist Noona [BTS FF] (WILL EDIT)
FanfictionFrom a fangirl to His Stylist Noona real quick. Keri niya ba 'to? Let's see. [NO PLAGIARISM #parangawa] COPYRIGHTS 2016-2017 ✔ Written by: vitaminbts ▥ NOONA SERIES • BOOK 2 ▥