Airene's Pov
'' so? Bakit? ''
'' Ahm, I.......I just want to say...... Sorry ''
'' okay. Bayaan mo na yun. Nangyari na. ''
'' ah, salamat. ''
'' yun lang ba sasabihin mo? Uuwi na ko ''
Tumalikod na ako at nag- umpisa ng maglakad'' hatid kita! Pwede ba? ''
Bigla syang tumabi sakin.Hindi ko sya pinansin at naglakad na lang ako.
'' I miss the old you ''
Napatingin naman ako sa kanya.'' ha? What did you say? ''
'' wa......wala. Sige na. Maglakad ka na. ''
I miss the old you? Anung ibig nyang sabihin?
Nakarating kami sa bahay ko ng hindi kami nag- uusap.
'' dito na ko. Salamat. ''
Sabi ko sabay pasok sa tarangkahan namin.'' Ahm, sige. ''
Sabi nya sabay talikod.Maya maya ay humarap ulit sya.
'' uhm? ''
'' yes? ''
'' can I got your number? ''
Nagulat naman ako sa sinabi nya.
'' ah. Kasi...... ''
'' sige, okay lang kung ayaw mong ibigay. Sige, una na ko. ''
Ngumiti sya sakin ng mapait at umalis na.Umiling iling nalang ako at pumasok na ng bahay.
Kinabukasan...
Hunyeta! Sabado! May pasok! Nakareceive ako sa mga ka schoolmate ko ng text brigade na may pasok daw. Kaya eto! Kaylangan pumasok.
'' Ma! Salamat sa breakfast! Nabusog po talaga ako. Sobra. ''
'' ulol! Sige na, pumasok ka na. ''
'' sya na ngang pinupuri! Ayaw pa! Mama talaga! ''
'' haha! Nambubola ka pa! Sige na. ''
'' okay po Ma, bye. ''
Lumabas na ako ng bahay, at pagkalabas ko ng tarangkahan....
'' hi! ''
Aldred? Anung ginagawa nya dito?'' teka? Bakit ka nandito? ''
'' wa..wa..wala, masama bang..........sunduin ka? ''
Sunduin? Ewan ko sayo.
Nag- umpisa na akong maglakad kaya sumunod agad sya.
'' hey! Wala man lang ni ' hi ' ni ' ho ' ? ''
Humarap ako sa kanya.
'' anong problema mo? ''
'' problema? Wala? ''
'' tsk. ''
Naglakad na ulit ako.
'' teka nga. Ikaw ata ang may problema eh. ''
'' wala akong problema. ''
'' wala? Eh ayaw mo kong pansinin? ''
'' hindi pa ba pagpansin ang pagkausap ko sayo? ''
Sa totoo lang, para kaming nag- aaway na magjowa. Haha.
'' tsk. Pwedeng saglit. ''
Sabi nya sabay harang sa dadaanan ko.
BINABASA MO ANG
My Crush And I [ Completed ]
Teen FictionNagkaroon ka na ba ng Ultimate Crush katulad ni Airene? Yung kayang gawin ang lahat para mapansin lang sya? Meet Airene, ang Ms. Papansin. *Nagpakadapa *Nagpahabol sa Aso *Nakipagbungan Para lang mapansin sya ng Ultimate Crush nyang si Aldred. Simul...