Nandito na ako sa classroom kasama ko lang ang mga kaibigan ko. Syempre mga babae dito sa room namin ay kanya kanya papansin. Bakit ba bawat oras kailangan maglagay ng foundation? Mukha ng espasol at ang mga labi kala mo sinapak sa sobrang pula samahan mo pa ng mga mata na may …. Eyeliner ba tawag dun? Ayun oo, mukha ng panda sa itim ng mata.
“Dude, tignan mo yung isang babae na yun kanina ka pa kinikindatan”
Tinignan ko yung babae. Nakakabwisit yung mukha! Wala nga make up pero ang oily naman nya. Namumula sya. Siguro kinilig malamang eh tinignan ko eh.
“NAAAAAAANDYAAAAN NA SI MAAAAAAAAA’AAAAAAAM!”
Umayos na lang ako ng pagkakaupo ko. Hehe excited na ako sa inaannounce na mga Top 10 sa buong 4th year level. I’m sure na kasama ako duon. Ang talino ko kaya! Dba readers?
“Para sa ating 10th place tinatawag ko si …”
Haaay. Habang pang 10th pa naman ay makikinig muna ako sa IPhone Gold ko ng mga music. Katamad eh. Tagal pa mag 1st.
9th
8th
7th
6th
5th
4th
3rd
Oooops. Dali dali ko inalis ang earphone ko at inayos ko na ang sarili ko.
“Para sa 1st place, tawagin na natin si Rocky! Congrats Rocky road.”
Tumayo ako sa harap at nag smile ng konti lang, tilian naman ang mga girls. Aba! May banner pa yung isa dun. Ano nakalagay?
“Mh4riey m3 Rocky!”
Haaaaaaaaah? Ano daw? MARRY ME ROCKY?
Hell no. Aish, makaupo na nga lang sa upuan. Imbis na matuwa ako nainis pa ko.
Krrrrrrrring ! ~
Yun oh breaktime na. Saan kaya pwede kumaen?
JCO o YELLLOW CAB?
Hirap naman magdecide pa gang dami mo pera. Tulungan nyo nga ako.
Sa JCO? Sige duon na lang.
Badtrip ang traffic naman. Nagugutom na ako sana sa school na lang pala ako kumaen. Kaso ang dami talaga PAMPAM duon hindi ko matake tignan eh. Pasensya naman hahaha.
After 123456789 years. Finally, nandito na din ako. Oorder na sana ako kaso pinigilan ako ng isang crew.
“Sir, wag ka na po umorder may naka reserved na po na meal para sa inyo.”
“Hah? Bakit? Sino nag order nito para sa akin?”
“Ayaw nya po sabihin kung sino sya eh. Pero babae po sya baka po may CRUSH sa inyo. Hihihihi.”
“Ah sge salamat. Sayo na lang oorder na lang ako ng iba mamaya may gayuma pa yan eh.”
“Okay sir.”
Sabi ko na nga ba babae nanaman! Sumasakit na ulo ko sa dami ng nagpapansin. Isang box pa binili nya para sakin kung kinaen nya na lang yun baka nabusog pa sya. Hirap sa mga babae masyado bigay todo sa mga lalaki. Ayaw magpa choosy effect. Aish -____-
*beep …. Beep*
One message received
12:30nn
H! n46Lh4nch k4 ne ba? W4g k4 pfough sk!p.
[Hi! Naglunch ka na ba? Wag ka po skip.]
Nabuga ko tuloy iniinom ko si Jeje nagtext. Delete ko na nga lang!
*beep …. Beep*
Three messages received
12:35nn
Vh4k!t y4w nyoW pfough mw46R3pzx?
Vh4k!t y4w nyoW pfough mw46R3pzx?
Vh4k!t y4w nyoW pfough mw46R3pzx?
[Bakit yaw nyo po magreps?]
P!@#$%^&INAAAA. Ayaw ko sa lahat tinatadtad ako nababasa ko naman hindi ako bulag. Kayo mga readers ah wag kayo gagaya sa Jeje na to.
Okay magrereply ako.
May crush ka ba sakin?
Message sent.
Hahahaha. Sigurado naman na hindi na sya mangugulit nag blush na yun at nahimatay sa kilig. Dba ganun naman mga girls? :D
Hindi na nga sya nagreply. Mabuti naman.
*beep …. Beep*
One message received
12:51nn
Vh4kit p46 cs!n3bie quoh bua Mh4y m46Vh4vha6Oe?
[Bakit pag sinabi ko ba may magbabago?]
Nagulat ako sa reply nya na yun. Hindi ko expected yun ah. Yaan ko na nga lang.