Prologue

47 1 2
                                    

-*-PROLOGUE-*-

Hello! Halika pasok ka. Hindi naman ako nangangagat. Ganito ah. Ayaw kitang pilitin makinig sa kwento ko. Kung ayaw mo, di wag. Wala naman pumipilit sayo eh. Kung gusto mo, hay naku, wag kang mahiya at makinig ka na lang.

Matagal ko na kasing tinitimpi at tinatago ang mga masasakit na nararamdaman ko. Pero siyempre, marami naman din magaganda at masasaya. Yun nga lang. Masakit talaga.

Kaya natutuwa ako sa iyo at nakikinig ka. Wala na akong pinapaniwalaang tao. Lahat sila, manloloko. Lalaki man o babae, bata man o matanda. Parehas parehas lang.

Kung meron pa, ang mama, at mga kuya ko na lang iyon. Pero, busy sila at wala ng time para makinig pa sa buong kwento.

May isa pa pala! Ikaw! Oo. Best friend na tayo ah. Alam ko naman na trusted ka. Kahit ngayon lang.

Alam mo kasi mahirap na eh. Lahat na lang sila. Niloloko ako. Hindi lang sa love life ko. They're taking advantage of weaknesses. Pati ang strengths ko, inaabuso nila.

Alam nila na matalino ako. Kaya ang iba, nakikipagkaibigan lang para makakopya ng homeworks ko. Hindi nga lang sa tests.

Alam nila na mayaman ako. Kaya ang iba, nakikipagkaibigan lang para sa libreng pagkain o kaya gamit. Pati na din sa mall.

Alam nila na maganda ako. Kaya ang iba, nakikipagkaibigan lang para maging kami. Asa naman sila noh.

Pero, kahit isa man lang sa lahat, walang gustong tumabi sa akin para punasan ang luha ko. Wala sa kanila ang nagcomfort sa akin. Wala isa sa kanila ang minahal ako ng tunay. Wala sa kanila ang bumawi. Wala sa kanila ang nanatili sa tabi ko. WALA.

Maliban nga lang sa isa..

Pero, katulad lang din siya sa iba. Kaya wala na. Walang wala na tagala akong magiging kaibigan o kaya lalaking siseryoso sa akin.

Dahil sa kanya, iba na ako.

Para saan pa nga ba ang talino ko kung hindi ko naman ito ginagamit diba?

Hay. Sorry ah. Intro ko naman lang ito. Kung ayaw mo eh, okay lang. Gusto ko naman talagang ilabas lahat eh. Hindi ko lang alam paano.

Kaya naisip ko ito.

Marami ang nangyari sa akin. Marami na akong heartaches at luha na ilabas. Hindi ako weak at gullible. O kaya naman easy to get. Kasi, may isa silang hindi alam.

Ang tapang ko. Kailangan na ng payback.

Kasi...

I'm Just Very Wise.

Wag niyo na iyon questionin. Basahin niyo na lang please?

Hep! Hindi pa ako tapos.

Nag-iba nga ako. Pero may tatlo na  namang lalaki ang dumaan sa buhay ko. Naging malaking parte sila sa life pie chart ko.

Tatlo sila oo. Naniwala ako sa kanila. Yun nga ang masakit eh. Tatlo sila - Childhood Friend, Mortal Enemy, at si Bad Boy Rockstar.

Sounds familiar?

Ang kwento ko ay hindi cliche. Dahil totoo na to. Reality na. Hindi na siya katulad ng movies, teleseryes, o kaya mga libro na mga imahinasyon ng writers.

Kasi itong kwento ko, ay galing sa experience at sa puso ko na din.

Isa lang talaga ang nagpatibok ng puso ko, kahit sinaktan niya ito  ng sobra-sobra.

Pinag-isipan ko na lahat. Ikuwento ko na lang.

Very wise nga ako diba?

I'm Just Very WiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon