Minsan ba nakaramdam ka ng kapaguran? O napagod ka na ba? Napagod ka na ba sa mga bagay na nakasanayan mo na? Napagod ka na bang mahalin ang mahal mo? Pero ang alam ko hindi napapagod ang pagmamahal. kaya impossible na mapagod ang isang tao. Pero Ewan ko ba kung bakit feeling ko pagod na pagod na ko lalo na kung yung taong mahal ko pinaparamdam na pagod na sya.
Pero kung ako? kung ako ang tatanongin nyo, ang masasagot ko lang ay pagod na pagod na ko. Ayoko ng maging ako. nakakasawa. Nakakapagod. Pero hanggat kaya ko pa ipaglalaban pa kita.
Pero alam mo ba? Nakakapagod kang suyuin. ang dali mong magtampo. maliit na bagay nagagalit ka na. Mahal kita pero sobra na.
Hindi mo ba alam na ang sakit sakit na? o sadyang ang manhid mo lang? so Napaka manhid mo pala! Dahil Hindi mo makita yung mga bagay na ginagawa ko para sayo.
Ang dami Kong nasaktan maipaglaban ka lang. Sa pamilya ko, sa kaibigan ko, sa mga tao sa paligid ko. Pero putanginang pagibig na yan! Ako na lang ba? Ako na lang ba ang nakakapit sa relasyong ito? Ang sakit palang mahalin ka.Bumitaw ka na ba agad? Di ba nangako ka na walang iwanan. pero bakit pakiramdam ko iniwan mo na ko.
Hindi ka ba lalaban para satin? tae ka naman e.
Kung kelan mahal na mahal na kita tyaka mo pa naisipang gawin sakin to. Di ba sabi mo mahal mo ko? ano yun na out of love ka? talkshit ka pala e.
Sana di na kita nakilala. Sana di ka nadumating sa buhay ko. dadaan ka lang palang Leche ka!
Sabi ng iba pagmahal mo di kaiiwan. Pero bakit ikaw ang Dali mo lang akong iwan?
Pero kahit ganon mahal pa rin kita.
Dumaan nga pala ako sa inyo. sabi ng mama mo wala ka daw. saan ka naman kaya pumunta? pero dahil tanga ako sayo.
Hinanap kita sa kung saan saan.
Pero alam mo kung anong nakita ko? nahanap kita kaya lang hindi ka nagiisa. may kasama kang babae. Okay lang naman kung kasama mo lang e.
Pero hindi!! ka-holding hands mo pa. Ang sakit palang makita ng dalawang Mata ko na may kasama kang iba.Nakakatawa! para akong sinampal ng katotohanan na wala na talaga.
Na hindi na ako yung priority mo.
Na hindi na ako ang ngingitian mo.
Na hindi na ako yung nagpapangiti sayo at lalong hindi na ako ang dahilan into.Ang sakit!
Ang sakit pala talaga. Parang pinipiga yung puso ko, nanggigilid na yung luha ko pero pinipigilan Kong pumatak. syepre kasi dapat ipakita kong malakas ako, na matatag ako, na hindi ako magpaapekto sa nakita ko. I am a strong women! yan ang mga katagan na paulit ulit Kong sinasabi sa sarili ko bago ako lumapit sa inyo.
Nilapitan kita pero di ka manlang nagulat, ni walang emosyon na makita sa mga magaganda mong Mata na dati at punong puno ng pagmamahal kapag tumitingin ka sakin pero ngayon iba na.
Ginawa ko Lahat para hindi maiyak sa harap mo at ng babaeng kasama mo . At sinabi ko sayo yung mga katanongan na gumugulo sa aking isipan Simula ng maging malamig ka sakin, sa relasyon natin na ngayon at tingin Kong mawawala na.Tinanong ko sayo kung mahal mo pa ba ko? kahit na kaharap ko pa yung babae mo, kahit na nasa pampubliko tayong lugar tinanong pa din kita.
kase nakakagago na! gusto Kong marinig sa mismong bibig mo na Hindi mo na ko mahal. Na wala nang na talagang pagasa itong relationship natin. kahit ang sakit isiping umaasa parin ako.
Umaasa pa din ako na pwede pa tayo! na kaya pa natin tong ayusin! kahit nasa haraan ko na ang sagot umaasa pa din ako.
Pero nakaka disappoint ka pala talaga. alam mo Kong anong masakit? itinanggi mo na kilala mo ako sa harap ng maraming tao. okay lang naman na sabihin mong na lang na you don't love me anymore, o napagod ka na. Di ko matanggap na deninay mo ako na kilala mo ako. dahil sa narinig ko.
Gusto ko nang mag break down sa harap mo pero di ko ginawa dahil ayaw kong bigyan pa kita ng satisfaction na saktan pa ako. Ngumiti ako sayo naikinagulat mo ng sobrang. sabi ko sayo kuya sorry nagpapraktis kasi ako ng role ko sa play. Mukha namang naniwala yung mga tao sa paligid namin, nagpalak pakan pa nga ang iba. kita ko sa mukha mo ang magkainis dahil di mo nakita naapektohan ako sa ginawa mo pero kung alam mo lang na gusto na kitang saktan at sigawan ng mga murang alam ko.
Nginitian pa kita ulit para mas makita mo na ako lang naman yung taong sinayang mo. pagkatapos kitang ngitian tumalikod ako at nagsimulang maglakad ng nakayuko dahil hindi ko gustong salubungin ng tignan ang mga matang nakamasid sakin.
Nagpatuloy akong maglakad palayo sayo, Palayo sa taong nagdudulot ng sobrang sakit sa puso ko, palayo sa taong inalayan ko ng pagmamahal ko, palayo at patungo sa pagbuo ulit ng sarili ko.
Hindi ko napansin na nakarating ako ng bahay namin. pagpasok ko walang tao, may bago pa ba? wala dahil wala naman dito yung mga taong gusto Kong makasama sa mga panahong wasak ako. Gusto Kong magsumbong sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko pero alam Kong masama pa din ang loob nila sapag pili ko sa kanya kesa sa kanila.
pagpasok ko sa kwarto ko doon palang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, napahagolgol ako at napasigaw. binuhos ko Lahat ng sama ng loob ko.
Hanggang sa naggabi na. Napaos ang boses ko sa walang humpay na pagsigaw at wala nang luhang lumabas sa mga Mata ko.
Napagod na Kong umiyak para sayo.
Naisip ko na Nakakapagod palang maging ako. Nakakapagod nang ipaglaban ka. Nakakapagod ipaglaban ang magmamahal ko sayo. Nakakapagod kang protectionan sa sakit na dulot ng pagmamahal.
Nakakapagod maging mahina. Nakakapagod magpakatanga. Nakakapagod magmahal ng iba.
Kaya Simula ngayon sarili ko naman ang mamahalin ko. Sarili ko naman ang aalagaan ko. Sarili ko naman ang pagpupunan ko ng atensyon. para kapag nagmahal naman ako ulit buong buo na ko.
Simula ngayon magiging malakas na ko hindi para sa iba kundi para sa sarili ko.
END