Chapter 1

29 1 0
                                    

Aom POV

"Marisssss bumaba ka na jan" haysss ayan nanaman tayo sa pabitin.

Ayan nanaman si Inay na walang malay, si Inay na walang alam kundi bitinin ako. Ang mama kong si Melissa

"Waittttttt Ma "malapit na sa patayan , konting bilis pa sa pagbabasa , kaya mo yan Maris konting push pa fighting

"Mariss ano ba",wait nga eee

"Isa nalang kukunin ko nayang cp mo, kakain na tama na yang kaka wattpad kaya lumalabo yang mata mo" onti nalang ee. Mauuna ko tuloy patayin ang cp ko kainis naman.

"Oo na po bababa na ako pabitin ka naman" bungad ko kay mama pag ka baba.

"Haay naku Maris wag mo ako dadaanin sa kakaganyan mo baka di kita matiis at kunin ko na lang yang cp mo" naka pameywang pa siyang sinalubong ako, eto naman di mabiro

"Joke lang naman ma, kahit tawagin mo ako sa kalagitnaan ng pagbabasa ok lang "hehehe ngumiti ako ng kanda lapad lapad para convincing hehehe

"Hay naku Maris di mo na ako madadaan sa ganyanan mo ilang beses na ba kitang tinawag at di ka parin bumababa aber ,kaya kukunin ko na talaga yang cp mo at di ko na ibabalik" habang naka pameywang pa si mama , napatawa na lang ako ng mahina dahil paulit ulit niya nalang iyang sinasabi pero di niya parin nagagawa, ee kahapon ngalang sinabi niya yan.

"Oo na nga po ee eto na nga po kumakain na" habang ngumunguya nguya pa

"Nasaan po si ate at kuya Ma bat ako lang ang tinawag niyo andaya naman " napa pout nalang tuloy ako, ang daya naman kasi di pa nga ako tapos dun ee

"E kasi naman kapag tinawag ko sila baba agad sila, tingnan mo ako" tapos tumayo siya at nakapameywang. Tinitingnan ko lang siya kung bababa sila agad, tingnan natin.(*enter evil smile*)

"A.J pogi at Arianna ganda bumaba na riyan at kakain na tayo" halos mabilaukan ako dun,talagang bababa sila kapag ganun maski nga ako kung ganun e gaganahan ako nun

"Yes mama here na us, your beautiful and handsome anak", ay umi english iba talaga epekto ng papuri no tsk tsk tsk tsl

"O diba Maris bumaba agad isang tawagan lang sabi ko sayo " proud na proud na sabi ni mama

"Naku mama kung ganun din tawag mo sakin wala pang segundo nakapunta na ako dito" tatakbo na ko nun kala niyo ba maganda daw, ako na yun

"Naku Maris mas maganda yung ikaw muna ang unang tinatawag baka kahit sabihan ka pa ni mama ng maraming compliment dika parin bumaba" singit naman ni kuya

"Tama si kuya ,first day na bukas baka nakakalimutan mo kailangan mo nang bawas bawasan ang pagbabasa sa wattpad na yan tularan mo ako eto nagbabasa ng libro" sabay pakita ng librong maliit ee story din yun pinagloloko yata ako ni ate

"Ate libro nga tawag dyan ee puro kwento din yan kaya don't me walang pinagkaiba yun" sabi ko kay ate na naka taas pa ang kilay

"Meron kayang pinag kaiba"

"Wala"

"Meron" ay ayaw mag patalo ako din

"Wa--" naputol yung sasabihin ko dahil biglang sumingit si papa

"Tama na yan, kitang kumakain tayo"

"Opo" sabay naming sagot ni ate

Nung tapos na kami kumain pumunta na ako sa kwarto.

Dapat magbabasa na ako ng wattpad pero dahil mahal ko kayo magpapakilala muna ako ng lubos.

My name is Aom Maris Cortez

15 yrs\old

Feb. 28, 2001

Maris lang dapat ang pangalan ko pero dahil sadyang makulit ang aking tatay na si Manuel nadag dagan ang aking pangalan

*Flashback*

Kabuwanan na ni Melissa. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ng kanyang asawa.Nang biglang nagsalita ang kanyang asawa.

"Mi ano ang gusto mong pangalan sa anak natin, alam naman natin na babae siya?" tanong ni Manuel sa kanyang asawa

"Hmmm gusto ko Maris!!!!para parehas tayong M ang unahan."sagot ni Melissa

"Ee ayoko na niyan Mi nauumay na ako sa M , A nalang unahan"kontra naman ni Manuel

"Nagtatanong ka Di tapos kokontrahin mo, Basta Maris ang pangalan ng anak natin hmmp ,"sabay irap ni Melissa

"Sige sige Maris yung second name pero dapat A ung first letter ng first name ha" pagsuko ni Manuel  dahil alam niya na wala siyang laban sa asawa niya.

tumango-tango na lang si Melissa dahil ok na siya don basta may Mariss

"Ano pala ung first name niya Di?" takhang tanong ni Melissa.

"Magbibigay ako ng number Mi tapos ikaw naman tapos ako tapos ikaw salitan tayo" sagot ni Manuel na may paturo turo pa ng hintuturo

"Ayun na yun? Di"

"Oo Mi sige ako una, 1"

"15"

"13, wait lang tingnan na muna natin kung anong kinalabasan" kumuha ng lapis si Manuel at sinimulang hanapin ang tamang letra.

"Ayan na tapos na Mi, Aom ang kinalabasan" masayang sinabi ni Manuel sa kanyang asawa.

"Ano ba yan Di !!!!!ang chaka niyan, ayoko niyan Maris nalang. Sa ayaw at sa gusto mo Maris period tapos na ang usa-" tuloy tuloy ang protesta ni Melissa hanggang sumakit ang tiyan niya.

"Di!!!! Aaaaaahhh Di manganganak na yata ako huhuhu", natataranta si Melissa dahil masakit na sobra ang tiyan niya.

"Oo na Mi eto na pupunta na tayo, basta Aom Maris ang pangalan ng anak natin" habang binubuhat si Melissa

"Ayoko whu hu hu Di !!!!! Maris lang Ahhh" biglang binitawan ni Manuel si Melissa dahil hindi siya pumayag.

"Whaaa walang hiya ka Manuel bat mo ako binitawan" mangiyak ngiyak na sigaw ni Melissa.

"Ee kasi naman Aom Maris nalang maganda naman ha. Kay A.J at Arianna ikaw naman ang nagdesisyon kaya plsss" parang batang nag mamaka-awa si Manuel sa kanyang asawa

"Oo na kaya plsss. Pumunta na rin tayo sa ospital manganganak na ako"

Pagkatapos manganak niya ay hindi nag pansinan ng halos dalawang linggo dahil hindi parin matanggap ni Melisa ang pangalan ng anak. Napapayag lang siya dahil sa sobrang sakit ng tiyan niya. Madalas din mang-asar si Ricardo sa paraang tinatawag niya si Aom ng paulit-ulit kapag tinatawag ni Melissa si Maris. Kaya mas lalong naiinis si Melisa.

*End of Flashback*

Sa aking physical appearance naman isang word lang ang pwedeng ibigay na adjective na nababagay sa akin. Syempre ako lang nagsabi niyan hihihi. Pero dahil sa biniyayaan nga ako ni lord ng kagandahan bumawi naman siya sa height. Hindi kasi ako biniyayaan ng katangkaran. Ooops .Hanggang dyan muna tayo magbabasa pa ako ng wattpad hehehe ikwento ko na lang sa inyo bukas kung ano ang nabasa ko para hindi kayo magtampo. At papasok pa pala ako ng school bukas. Bago ko makalimutan. Good Night.






My Imaginary Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon