Aom POV
"Aom anak!!!!!! gumising ka na baka malate ka" ay!!! Minulat ko mata ko pagtingin ko sa orasan 5:30 na. Hala!!! 6:30 pasok ko. Kasi yung bago kong binabasa na kakakilig eee. Inabot tuloy ako ng alas 2 nang madaling araw. Alam niyo ba yung My Tag Boyfriend grabe nakakakilig whaaaaha.
Sige mag bibihis muna ako baka lalo akong malate susunduin pa ako ng aking bes.
"Opo eto na po maliligo na"
Pagkatapos kong mag ayos sakto namang dumating ang aking bes na si Nicole Mendoza, Nic for short. Medyo may katangkaran. Maputi, Matalino,at higit sa lahat Kpoper.Nakakaimbyerna yung palaging bukang bibig niya yung mga Kpop. Mas maigi pa siguro kung tungkol sa wattpad ee hindi. Di ko nga alam kung paano kami nagkasundo.
"Uy bes tara na, baka malate pa tayo" time check 6:15 wwhuaaa malalate na nga kami
"Oo nga tara na bes ikaw kasi nagpaganda kapa"
"FYI pulbos at lip balm lang sapat na" sabay taray ko sa kanya. Totoo naman e natural beauty kaya to
"Osya kung dyan ka masaya gora na tayo" mabuti pa nga
Nag Jeep pa kami dahil medyo may kalayuan yung Torres University. May iba't ibang department dito, kahit high school palang pwede no hang I hasa kung ano man talent mo. Malaki yung School kasi mga pang rich kid aang mga nag-aaral dun pero mga walang laman yung utak. Scholar na kami ni bes since last year. Dahil sa kahirapan. May katalinuhan naman kami kaya ganun. Hihihi. Parehas kami ng talent ni bes kaya nagkakasundo kami sa lahat ng bagay maliban na lang talaga sa k pop na yan walang ibang bukam-bibig kundin k pop. Eh kung wattpad yan edi masaya diba!!!
"Huy tama na yan nandito na tayo" nakakagulat naman tong si Nic
"Oo na tara na punta na tayo sa room natin sigurado kaklase na naman natin siya kasi alam niyo na mga magagaling magluto parating magkakasama hahahhaha!!!" Sabay hila ko kay Nic kasi super duper utra mega to the highest level ang exitement ko kaya halos madapa si Nic
Yung tinutukoy ko ay walang iba kundi si Jaycee Torres. Hindi lang magkaparehas ang apelyido nila at pangalan ng school kundi anak siya ng may-ari ng school. O diba rich kid. Nasa kanya na ang lahat , nung nagpa ulan ng kaguwapuhan ang Diyos nasalo niya na lahat wala ngang tinira kay kuya hihihi may itsura naman si kuya kahit papaano. Masyadong sugapa hihih siyempre joke lang. Kaya naman siya biniyayaan ng kaguwapuhan kasi mabait siya as in napaka bait. May attractive eyes, kissable lips, 6 pack abs, pointed nose, at higit sa lahat matangkad siya. Pero kahit ganun wala parin siyang girlfriend hinihintay niya nga lang yata ako hihi. Nag a-assume lang pagbigyan mo na. Pero hindi kami bagay kasi mayaman siya mahirap ako, matangkad siya pandak ako. Kapag nga nagkakatabi kami nag mumukha akong mutchacha sa sobrang liit ko.Kaya minsan nawawalan ako nga pag asa. Pero malakas ang fighting spirit ko kaya go lang ng go.
*Cookery Department*
Nandito kami ngayon sa Cookery Lab. O diba first day ng klase nandito agad kami. Magkakakilala naman na kami lahat simula pa nung last year kaya no need ng introduction. So anyway eto na nga
"Ok class we are having a groupings even though if it is our first day. I will the one who will choose your partner." Sabi ni Miss Cate. Sya yung teacher namin O diba bongga first day may pa presentation na agad
"Miss Cate kami nalang pipili ng makakapartner namin pleaase" sabi ni Margaret kaklase ko with matching paawa effect pa yan.
"Oo nga naman Miss Cate kami nalang" sabay sabi ng haliparot kong kaklase na si Francine Cruz na naka ugly eyes pa. Ee alam naman naming lahat kung sino ang gusto niya maka partner walang iba kundi si Jaycee. As if naman na gugustuhin ni Jaycee na makasama si Francine like DUH. Sa sobrang kapal nga nang make up niya baka malaglag sa lulutuin nila at pumangit ang lasa. Hay naku di naman sila pipiliin ni Jaycee kasi mas gugustuhin niyang magluto mag isa kaysa may ka partner. Kaya himala nalang kung sakali. Pero ako heto ngayon hoping nasa na ako ang makapartner niya hayssss
BINABASA MO ANG
My Imaginary Boyfriend
Novela JuvenilMahirap pakawalan sa isang tao na ating minamahal. Lalo na kung ang siya ang nagpapasaya sa atin. May mga mapiperwisyo na rin kung patuloy parin natin itong ipaglalaban at mamahalin. Basahin ang kwento ni Aom Maris Cortez na isang certified adik sa...