CHAPTER ONE
“una kana pumasok, susunod nalang ako” sabi ni Kenneth nang makarating kami sa school.
“sige una na ko..” sagot ko sa kanya pero bago pa ko makababa ng kotse hinila nya ko at mabilis na hinalikan sa labi.
“Kyla, mahal kita” sabi nya ng nakangiti at diretsong nakatingin sa mga mata ko.
“alam ko Ken, alam ko. Mahal din kita” ngumiti ako sa kanya. bumaba na ko ng kotse, maaga ng 30mins kami pumapasok, palaging ganito.. halos wala pa kasing tao sa campus ng ganitong oras. Hindi ko kasabay pumasok ng campus si Ken mamaya pa sya susunod siguro mga 10mins before class. Nang makarating ako sa classroom may tao na rin pero bilang nasa anim o pito palang kami.
“good morning sister!” masiglang bati ni Jen.. seatmate/closefriend ko.
“good morning din Jen” nakangiting bati ko sa kanya. Maaga din syang pumapasok medyo malayo kasi ang bahay nila at isa pa ayaw nya ng traffic kaya parating maaga. Umupo na ko at nakipagkwentuhan pa kay Jen maya-maya pa kasi ang start ng klase.
Ako nga pala si Kyla.. 18 yrs old at college na ko. Yung kasama ko kanina si Kenneth boyfriend ko………….
Nakilala ko si Kenneth nung high school ako.. were classmates. Hindi ko alam na maiinlove ako sa kanya isa sya mga pinaka hindi ko gusto sa hindi ko gusto. Oo gwapo, mayaman, mabait. Ideal nga kung baga. Pero kilala syang babaero which is yun ang pinaka ayaw ko. Dun kasi nasira ang pamilya namin sa pambabae ng daddy ko.. kitang kita kung pano nasaktan ng husto at naghirap ang mommy ko at ayokong maranasan yun. At ang masaktan ng husto ang pinaka huling bagay na gugustuhin ko. Pero si Kenneth just imagine that were only high school pero sobrang dami na nyang nagging girlfriends at flings.
Nung nag third year kami, Dun sya nag simulang mangulit.. palagi syang nang-aasar at kung ano anong sinasabi nya sakin.. ‘kesyo Man Hater daw ako, try ko daw mainlove kasi masarap’ tinanong ko naman sya kung makakain ko ba yang love na yan? pero tumawa lang sya.
One night nag punta sya sa bahay namin at kinausap ang mommy ko na manliligaw daw sya gusto kong tumawa sa sinabi nya pero pinili ko hindi kasi kitang kita ko sa mga mata nya na seryoso sya. Pero after nun hindi pa rin ako pumayag, pakipot ba? Pero hindi eh nakakatakot kasi baka sinusubukan nya lang ako, baka nachachallege lang sya sakin kaya nya ko liligawan tapos pag napasagot na wala iiwan na. ilang beses ko sinabi sa kanya na tigilan na nya ko, maraning beses na rejection ang natanggap nya sakin pero hindi sya tumigil.
Aaminin ko oo nagugustuhan ko na sya yung mga effort na ginagawa nya na-aapreciate ko yun, umaarte lang ako na binabalewala ko sya.
Until one day…
“Kenneth hindi ka ba talaga titigil?” naiinis kong sabi sa kanya.. but more like naiinis ako sa sarili ko kasi konting-konti nalang di ko kayang pigilan ang sarili ko na mahalin din sya pag di pa sya tumigil.
“No” maikling sagot nya.
“Kenneth naman di mo ba ma-gets hindi nga kita gusto”
“alam kong hindi mo talaga ko gusto” sabi nya na nakangiti pa. ‘Hello insert seryoso mode here, pero ngumingiti pa sya’
“buti alam mo, kaya tumigil kana.” Sabi ko at tinalikuran ko na sya.
“alam kong hindi mo ko gusto……….
Kasi MAHAL mo na ko” napatigil ako sa paglalakad sa sinabi nya. Humarap ako sa kanya at kita kong ngiting ngiti sya sakin.
“Hindi noh!!! (sigaw ko sa kanya) at sino naming mga sabi sayo nyan aber?!” nakapamewang at nakataas na kilay na sabi ko sa kanya.
“Yes! Tama nga ako. Mahal mo ko.” Tuwang-tuwa syang lumapit sakin.
“wala akong sinabi na mahal kita”
“kasasabi mo lang…”
“wala akong sina—asdfghjkasdfgvbnjtrewsxcvgrw” di ko na natuloy yung sinasabi ko kasi tinakpan nya ng kamay nya ang bibig ko.
“ako muna, pwede?. Mahal mo ko nahihirapan ka lang tangggapin sa sarili mo. Nung sinabi ko kanina na hindi mo ko gusto kasi mahal mo ko, naging defensive ka at tinanong mo pa kung sino may sabi sakin… Ang totoo nyan may nagsabi talaga, (kunot noong tumingin ako sa kanya wala naman akong sinasabihan ng mga nararamdaman ko lalo na pag tungkol sa kanya nag-iimbento lang tong si Kenneth sigurado.) Sinasabi lang mga mata mo na mahal mo ko. (napatigil ako dun..) hindi mo kailangan matakot Kyla, oo aminado ako sobrang dami ng babae ang duman sa buhay ko pero di ka nila katulad kasi ikaw mahal kita.. mahal na mahal kita., Di ako mapapangako na hindi kita sasaktan hindi kasi ako perpekto pero ang saktan ka yun ang pinaka huling bagay na gagawin ko” Namalayan ko nalang na tumulo ang luha ko. Seryoso syang nakatingin sakin at maya-maya’y ngumiti at pinunasan nya ang mga luha ko gamit ang kamay nya.
“K-kenneth…” Niyakap nya ko.
“ssshh.. Magtiwala ka lang. Mahal na mahal kita” Tumango-tango lang ako at yumakap din sa kanya. Kaya lalong humigpit ang yakap nya sakin.
“Mahal din kita."
***************
“good morning Ky! good morning Jen!” masiglang bati ni Nikka samin. Magkasabay silang pumasok ni Kenneth na magkahawak kamay.
Oo tama kayo Si Nikka at si Kenneth holding hands. Tama rin yung basa nyo kanina na boyfriend ko si Kenneth.
Mahirap mang intindihin pero boyfriend ni Nikka ang boyfriend ko. Alam ng lahat ng relasyon nila. Mag dadalawang buwan na ata sila. Yung samin ni Kenneth? Ako at ang bestfriend kong si Georgie lang ang nakakaalam.
“good morning Nikka, Kenneth” bati ni Jen.
“hmmp! ang aga-aga magkasama na agad kayong dalawa!” natatawang sabi ng kakapasok lang na si Georgie kay Nikka tska tumingin kay Kenneth.
“ganun talaga Georgie” sagot ni Nikka bago halikan sa pisngi si Kenneth at naupo na.. samantalang si Kenneth ay naupo na rin sa tabi ko, magkalapit kasi kami sa upuan tumingin muna sya sakin na nag-aalangan kaya pasimple kong sinabi sa kanya na "okay lang".
'okay lang yun Kyla'.. sabi ng isip ko.
-------------------------------------
VOTE and COMMENT.
BINABASA MO ANG
Mine or Her BOYFRIEND
De TodoMine is mine,Yours is yours, but what you have is Mine.