• Playground

71K 1.1K 299
                                    

Ako si Ben, ako ay 12-taong gulang na, ako ay isang mag-aaral sa isang eskwelahan sa pampanga. Madalas kong nararamdaman ang batang babaeng sinasabi nilang namatay sa playground ng aming eskwelahan, at ito ang kwento ko...

*****

Pinapanood ko ang mga batang naglalaro sa playground ng aming eskwelahan, habang ako'y kumakain at nakaupo sa isang upuan katabi ng swing.

Halos araw-araw nalang ay nararamdaman ko na may tumatabi sa akin, mararamdaman mo naman talaga kasi kung merong tumatabi sayo.

Dumaan ang 1-buwan at hindi parin tumitigil ang nagpaparamdam sa akin, hindi ko lang alam kung bakit hindi nalang siya magpakita para naman makita ko siya.

Minsan naiisip ko na rin na wag nalang umupo roon sa upuan sa playground, kaso parang ang upuan na mismo ang gumagawa ng paraan upang mapansin at upuan ko ito.

Maya-maya, habang naglalakad ako sa corridor, narinig ko ang isang bata sa tabi ng room namin, naririnig ko na kinakausap niya ang guro niya.

Nakinig ako sa sinasabi ng estudyante dahil ang sinasabi niya ay tungkol sa playground, "Ma'am, kaninang lunch po, habang nakaupo ako sa upuan doon sa playground ay biglang may tumabi sa akin na bata."

"Huwag mo iyong pansinin, baka namamalikmata ka lang, ikaw kasi ang ang kauna-unahang nakaramdam ng ganyan dito sa eskwelahan natin." sagot ng guro nito.

Paglabas ng Bata sa room niya ay tinawag ko siya at kinausap, "Kuya, nakita mo po ba ang tumabi sayo sa playground kanina? Paano niyo po siya nakita?" tanong ko.

"Oo kitang-kita ko sya, nakita ko siya dahil siguro sa sinabi dati sa akin ng mga magulang ko na may third eye raw ako, kaya nakakakita ako ng nilalang na hindi nakikita ng ibang tao." sagot naman niya.

"Ahh sige po, salamat!" mabilis akong umalis dahil nakita ko ang adviser niya na palabas ng room nila.

Pag-uwi ko sa amin ay naisip ko ang sinabi ng guro sa bata kanina. Sinabi kasi nito na siya lang ang nagreklamo ng ganon, ngunit bakit ako ay ganoon din ang nararamdaman?

Sumagi sa isip ko na baka totoo naman ang sinabi ng adviser ng bata, dahil ikaw ba naman ang maging isang guro tapos magsisinungaling ka sa mga estudyante mo, diba? Maya-maya natulog na rin ako, dahil wala naman akong pag-aaralan at gagawin pa.

Kinabukasan, pumasok na ako sa room nang 5:30 AM dahil maaga akong natulog at maaga din akong gumising. Habang naglalakad sa corridor ay nakita ko nanaman ang guro ng bata na may kinukwento sa isa pang guro.

Dahil tsismoso ako, edi nakinig nanaman ako. Pinag-uusapan nila ang batang nagsumbong kahapon, "Hoy! may isa nanamang bata na nagsumbong tungkol doon sa bench natin sa playground, nakita niya daw yung batang namatay dito." pabulong na sabi ng guro.

"Hay naku, parami nang parami ang nagrereklamo tungkol doon sa bench, bakit kasi hindi pa ipatanggal ng principal yung playground, baka kasi malaman pa ng ibang mga estudyante yun at masisira ang reputasyon ng eskwelahan natin."

"Oo nga!" ang sagot ng guro ng bata, ibig sabihin pala ay nagsinungaling lang yung guro ng bata kahapon na siya lang ang nakakita at nakaramdam noon. Kaya pala siya nagsinungaling, dahil ayaw lang nilang masira ang reputasyon ng eskwelahan.

Inalam ko kung paano namatay ang babae sa playground kaya palagi akong nagmamasid sa mga stuff ng eskwelahan, hanggang sa isang araw ay natuklasan ko na rin ang kababalaghan na nangyari sa playground ng eskwelahan namin.

"Mga 6:00 PM na daw ay hindi pa rin nakakauwi ang isang batang nasa playground dahil hinihintay pa nito ang mga magulang niya, hanggang umabot na siya nang ilang oras sa playground ay hindi pa rin ito nakakauwi. Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla nalang daw siyang tinutukan ng baril ng isang security guard sa eskwelahan at pinagsamantalahan daw ito, pagkatapos ay binaril niya ang bata, at yun daw ang kinamatay ng bata sa playground."

Pagkatapos nang ilang buwan, madaming estudyante na ang nagreklamo kaya nagdesisyon na ang may-ari ng eskwelahan na pabasbasan ito. Matagal na panahon na mula ng matahimik ang aming eskwelahan, at ngayon, masasabi ko na sana'y maging mabuti na ang kalagayan ng bata sa langit.

Horror CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon