• Madre

14.1K 181 20
                                    

(A/n: Hindi po ito real story, thank u po!)

Paalis ako ngayun ng bahay para pumasok na sa iskwelahan, ako nga pala si Aya. Kinakabahan ako ngayon dahil papasok nanaman ako sa Haunted School namin, kwento kwento kase sa iskwelahan namin na may gumagalang madre daw at kuma-katok sa bawat pintuan ng mga classroom.

Gumagala daw ito kada 6 o'clock ng gabi, kaya sabi ng mga kaklasi ko nag-iba sila ng schedule. Dahil dati 6 o'clock palang ng gabi nagsisi-uwian ang mga estudyante, ngayon ginawa nilang 5 ng hapon. Hind ko na nga alam kung papaniwalaan ko pa ang mga sinasabi nila, kasi hindi ko pa naman siya nakikita.

Nung makarating nako sa iskwelahan agad akong umakyat sa room ko, pagdating ko nakita ko na ako nanamang mag-isa at ang gulo nanaman ng mga upuan. Hay nako! ang tamad naman kasi ng mga kaklase ko, puro chismis lang ang alam nilang gawin. Imbis na dumada nilinis at inayos ko nlng ang mga upuan.

Saktong pagkatapos kong maglinis doon palang pumasok yung dalawa kong kaklase, umupo na ako sa upuan ko at nagbasa nalang ng libro, ng hindi ko namamalayan dumadami na pala kami sa loob ng classroom. Maya maya'y pumasok na ang Adviser namin. Nag-discuss na siya ng nag-discuss ng bigla niyang naalala na kailangan ng i-pass ang project namin after 2days.

Paglabas ni ma'am agad kong pinuntahan ang mga ka group ko at tinanong tungkol doon sa Project namin, "Guys? naumpisahan na ba yung project natin?" tanong ko "Hindi pa? kung gusto mong umpisahan edi umpisahan mong mag-isa!" galit na sagot niya. Hiyang-hiya naman ako sa kanila kase palagi nalang silang wala naititulong sa bawat Project namin.

Hangang pumasok na ang isa pa naming Subject Teacher at nag discuss na ng nag-discuss at sa wakas natapos na lahat ng Subject at uwian na. Halos lahat ng classmate ko nagsi-uwian na, na para bang atat na atat mag-alaga ng mga anak nila. Hay! palagi nalang ganito ang daloy dito sa room namin, lima nanaman kaming natira dito sa room, sila lang kasi yung matino sa mga kaklase ko..

Ang kasama ko nga pala sa classroom ngayon ay si Angela, Charlotte, Alvin at Ray. Pero kahit matino sila hindi ko sila close eh, naglinis na kaming lima at nag-ayos ng mga upuan. Nag-erase ng Board at nag-sara ng mga bintana, pagkatapos ay nakita ko silang gumagawa ng Project nila, tinanong ko sila kung mag-kakagroup sila sinagot naman nila na hindi daw, ang mag-kagroup lang doon ay si Angela at Ray..

Habang kaming tatlo ay napag-iwanan nanaman at mag-isang pinapagawa ng Projects namin, sana nalang pala kaming lima na lang ang mag-kakagroup edi sana natapos pa namin. Bigla akong kinausap ni Charlotte "Uy kesa sa tumunganga ka diyan, ba't hindi mo nalang gawin yung project niyo? para na rin konti na lang ang gagawin niyo sa susunod.." sabi niya "Sige na nga!" patawang sagot ko.

Habang ginagawa namin yung Project namin hindi namin namalayang nag-gagabi na pala, tinignan namin ang orasan at nakita naming 5:58 PM na. Sa sobrang pag-aalala narin siguro ng magulang ko ay tinext nila ako..

#***************#
"Anak anong oras na bakit hindi ka pa umuuwi?"

"Ma inumpisahan lang po namin yung Project namin, hindi ko muna po alam kung anong oras ako makaka-uwi."

"Sige ingat ka ha?"

"Opo bye.."
#***************#

Pagkatapos kong i-text si Mama nagpatuloy lang ako sa ginagawa namin, hangang nag 6 o'clock na ng gabi. Habang nag-uusap usap kami biglang nanahimik dahil may kumatok bigla sa pinto ng classroom namin. Biglang nagsalita si Angela "Uy guys, wag niyong sabihin na yan ang sinasabi nilang madre dito sa School?" sabi niya. Magsasalita sana si Ray ng biglang lumabas ang ulo ng Security Guard sa harapan ng pintuan.

Horror CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon