Kaway kaway sa mga bts fan jan!!!!!!!!
Vote mo itong chap. Na ito kung fan ka ng BTS , EXO , at ibang pang KPOP bands
^___-
DianeChan18 thank you for the book cover ^__^
———————————————————————
Michael's pov
"P_t@!!!!!" Sigaw naming lahat ng makita namin na ang nasa loob ng kahon ay isang ulo ng matandang lalake
At may paalala itong nakasulat................
" WALANG MAKAKAALAM "
Ng ibig sabihin ng assault shadows???
Ano yung ibig sabihin nitong 'walang makakaalam' na ito
"Mukhang hindi lang tayo ang naka tanggap ng kahon na iyan dahil maaaring makatanggap din ang grupo na pumapangalawa sa atin" parang ang grupo ng babae ang pumapangalawa sa amin ahhh
"Boss mukhang kailangan na natin sila bistahin i mean puntahan para makatiyak na ligtas sila" lintek na john ito
"Hahahahahaha!!!!!!" Malakas na tawa ni james
"Tara na nga" inis kong yaya sa kanila bago pa mag kainitan
Kung ano ano pinag iiisip na kababalaghan ang babastos!
Pagka dating namin sa headquarter ng midnight ay bigla nalamang namatay ang ilaw at may tumutok na kutsilyo sa amin mga leeg na anumang maling galawa namin ang masasaksak at mapupugutan kami ng ulo
"Ang grupong lightning ito!!!!!!!" Sigaw ni alex na mukhang napakinig naman ng mga babae dahil na wala na ang matalim na bagay sa aming leeg at nabuhay lahat ng ilaw na namatay sabay ng pag bukas ng pinto
At lumabas dito ang limang babaeng nag gagandahan ngunit pare parehong mga naka maigsing shorts ang mga ito
Mukhang sumama ang timpla ng aking mga kasamahan kaya hinigit nila ang babae na nasa kanilang harapan
Ang nasa aking harapan at hawak hawak ko ngayon ay si pre---- este si crystal habang hawak ko ang kanyang kamay ay parang nakuryente ang aking kamay sa lakas ng pakiramdam ko ay bigla ako napabitaw
Para kasing na awkward yung atmosphere ehhh
Pagkatapos naming sabihin sa kanila lahat ng dapat nila malaman ay umalis na kami
Nagpaalam na rin naman ako sa tropa dahil may importante pa akong lalakarin
Pagkadating ko ay sumalubong sa akin ang mga bata kasama na rin sina sister ana at sister angel
"Oh iho, hindi mo pa rin ba sya nahahanap?" Tanong sa akin ni sister ana
"Hindi pa rin po ehhh atsaka mukhang hindi na po ata sya mag papakita. Ang tagal na rin naman po nung nangyari" may bahid na lungkot kong sabi
"Iho wag mawalan ng pagasa nandyan ang diyos para tulungan ka" ani sister angel
"Sayang kayo iho kung susuko ka nalamang basta, nasubaybayan ko ang pagmamahalan ninyo kaya wag kang susuko" sabi ni sister ana
"Sige po punta lang po ako sa mga bata" paalam ko at tumango naman sila
Paano ako hindi susuko kung siya na ata mismo ang lumalayo
Sa tagal na ng panahon na ngyari ang pangyayaring yun siguro oras na din para sumuko
"Kuya mich!!!" Masayang bungad ni biboy
![](https://img.wattpad.com/cover/70958811-288-k25537.jpg)