#AS1meettheboys———————————————————————
Crystal's pov
"Ito ang susunod nating misyon" sabi ni kiel sabay abot ng impormasyon
"Ihanda mo na ang mga gamit beatrix ikondisyon mo ang sasakyan na gagamitin natin devine tulungan mo si kiel ella tulungan mo si bea (beatrix) at ako na ang bahala dito"utos ko
Bago ko gawin ang dapat kong asikasuhin ako nga pala si precious crystal fortalejo ang leader ng grupong midnight ako ang pinaka malakas at pinaka matapang sa grupo ang mga kagrupo/kaibigan ko ay sina :
Angelica kiel dimalanta ang maarte sa grupo **roll eyes**
Angie Beatrix madrig ang mang aakit ng lalake ..tss..
Lovely Devine evangelista ang pinaka bata at pinaka isip bata sa grupo *sabay supsop ng lollipop*
Lorraine ella lopez ang pinaka mature sa grupo bukod sakin *taas kilay*
Ngayong tapos na ang papapakilala at pagsasayang ng precious time ko itutuloy ko na ang kailangan kong gawin
Pagkatapos namin gawin lahat pumunta na kami sa parkimg ng maka salubong namin ang isang grupo
"Pwede ba tumabi kayo sa dinadaanan namin"maarteng sabi ni kiel
"Kung makapag patabi ka akala mo kung sino ka..hindi nyo ba kami kilala"sabi nung lalaking kausap ni kiel
"Dapat ba namin kayo makilala" malanding sabi ni bea
"Oo bakit?"sabi naman nung lalaking kausap ni bea na mukhang naakit tss... mga lalake talaga bilis mag paakit haist...
"Sino ba kayo? Ang yayabang nyo ahhh"pag sabat ni ella
"Kami lang naman ang grupo na nangunguna sa inyo" sabat ng lalaking kaharap ni ella
"Tss.. ehh ano ngayon.... wala pa rin naman kaming pake kaya umalis kayo sa daan namin at kailangan nanamin puntahan ang dapat naming puntahan" walang gana kong sabi
"Ehh kung ayaw naming tumabi" panghahamon ng lalake sa harap ko
"Edi ok girls alam nyo na" sabay kindat kong sabi
At boom! Bagsak sa sahig ang mga lalake huh!wala pala sila samin eh! Hahaha! Paano ba naman sinipa namin sa alam nyo na....ang dami kong tawa.... hahaha.....mga tatlo
"Pasensyahan tayo.... yan kasi ang napapala ng nanghahamon samin sa susunod kasi wag kayo makipag away sa di nyo kakilala" sabi ko hayyy....mukhang nagsayang lang ako ng laway
"Edi makiki pagkilala kami sa inyo yun lang pala eh! Adrian john evans ang pinaka gwapo sa gru--aray" di na nya na ituloy ang sasabihin nya dahil siniko na agad sya ng kagrupo nya
"Ako nga pala si angelica kiel dimalanta" sabi ni kiel at nakipag shake hands pa ang loka na mukhang tinamaan kay ady. adre. adrian ahhh yun nga adrian....
"Mikee josh buenafuerte at your service" sabi nya
"Angie beatrix madrig" at nakipag shake hands din huh.. talaga lang ha...
"Dane james fuente" sabay bigaw ng lollipop kay dev.
"Lovely devine evangelista...thank you" sabay tanggap ng lollipop hayy... mga isip bata