When Torpe falls Inlove

606 10 0
                                    

Jeremiah's POV

May kwento ako,
Tungkol sa taong gusto ko,
Sa tuwing siya ay nakikita,
Mundo ko'y sumasaya

Ano bang meron sa babaeng ito?
Bakit puso ko'y nabihag niya ng ganito,
Sa tuwing siya'y papalapit,
Puso ko'y namimilipit
sa kilig at tuwa,
Na aking nadarama.

---------

Andito ako ngayon sa classroom at pinapanood ko ang taong gusto ko habang hinihintay na mag-bell,

"Titig pa more!!!" sigaw ni Cris sa tenga ko dahilan para mahulog ako sa upuan ko

"Inggit ka na niyan?!" Galit na tanong ko sakanya

At siya naman ay tawang tawa na nakahawak pa sa tiyan niya, psh!

"Wag mo kasing titigan. Ligawan mo! Torpe nito!" Sabi niya pa sabay kutos sakin

"Tangna mo!" Sigaw ko sakanya

At tumitig ulit ako kay Liza, ang taong pinakatatagal ko ng ginugusto kaso eto ako, torpe kaya hanggang ngayon, hindi niya pa rin napapansin ang nararamdaman ko,

Si Liza, maganda pero simple lang. Siya yung tipo ng babae na tatawa ng sobrang lakas, kakain na parang walang nakakakita dahil sa sobrang katakawan, hindi nag-me-make up at hindi pa-sosyal kaso... may pagka-ugaling bitch,

Sa sobrang pagtitig ko sakanya, diko namalayan na nakatingin na rin pala siya sakin,

At biglang tumibok ng mabilis ang puso ko nung ngumiti siya!!! Alam kong ang corny dahil ako ang kinikilig at lalaki ako pero yun ang nararamdaman ko ngayon! Shet!

Bigla siyang lumapit sakin at,

"Sige titig pa more sakin! Muntanga ka Miah! Hahahahaha," sabi niya sabay tawa

"S-sorry! Hehe," sabi ko  sabay kamot sa ulo

"Okay lang yun! Basta wag mokong titigan ng matagal ha? Magagandahan ka lang," sabi niya sabay nag flip siya ng buhok niya

"Hehe," pilit na tawa ko

"Sige una na ako ha?" sabi niya sabay alis na dahil uwian na namin

Pagkauwi ko sa bahay, agad kong hinanap ang laptop ko para mag-facebook at para na din ma-stalk ang facebook ni Liza,

"Bakit kasi ang ganda niya?!!!!" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa bagong picture na kaka-post lang ni Liza at may caption na,

"I'm Inlove      #Fierce"

May naramdaman akong kirot sa dibdib ko ng nabasa kong inlove na siya,

Inlove na siya kanino? Shet naman! Bakit kasi ang torpe torpe ko?! Naunahan na tuloy ako!!

Agad kong cli-nick ang picture niya para magbasa ng comments at napukaw nang atensyon ko ang isang comment dun,

Abegail Carano
Inlove din ba siya sayo? Ayiieee!

Reply
Liza Mistique
Yes! Base pa lang sa kung paano siya gumalaw. Wag kang kiligin, lovelife ko 'to, psh!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Torpe falls Inlove (One-Shot)Where stories live. Discover now