Moving On

67 0 0
                                    

Unedited


Malamig ang hangin na dumadampi sa kaniyang balat. Malakas ang hampas nito. Doon niya lang napagtanto na nakasakay siya sa isang motorsiklo. Hindi siya nag-iisa. Nakayakap siya mula sa likod ng isang lalaki. Ramdam niya ang init ng likod nito. Pakiramdam niya ligtas siya habang nakayakap dito. Hindi ito nagsasalita habang nagmamaneho ngunit ramdam niya ang pagtibok ng puso nito. Sino ang lalaking ito?

Saan sila pupunta? Sinubukan siyang tumingala upang kilanin ang lalaki ngunit nakasuot ito ng helmet. Bukod sa nakalongsleeves ito at maong na pantalon ay wala na siyang mapagkakilanlan dito.

Huminto ang sasakyan malapit sa baywalk. Bumaba siya at tinanggal ang sariling helmet. Tumingin siya dito. Tumahip ang kaniyang dibdib sa antisipasyon. Makikita na niya ang mukha ng lalaking ito. Hinawakan nito ang ibabang bahagi ng helmet at akmang tatanggalin. Nahagip niya ang bahagi ng daliri nito na may suot na singsing. Wedding ring! May asawa na ang lalaking kasama niya! Para siyang kakapusin ng hininga sa nakita.

Hindi ito maaari.

Napabalikwas siya ng bangon. Hinagilap niya ang side table at kinuha ang baso ng tubig. Uhaw na uhaw siya. Mabilis parin ang pintig ng kaniyang puso. Hinamig niya nag sarili at sinubukang huminga ng malalim. Panaginip. Sumumpong nanaman ang lalaki sa kaniyang panaginip. Then something flashed.

"Why are we here?" malapit ng lumubog ang araw. May mangilan ngilang kabataan na nakaupo sa batong humaharang sa bay.

"Silly. Today is our monthsary" hinila siya nito paupo.

"Don't I know that? Nagcelebrate na nga tayo kanina diba." tumaas ang kilay niya. Her eyes moved to their linked hands. She saw his ring.

"Masama bang ituloy dito?" nang aarok ang tingin na ibinigay nito sa kaniya.

"Of course not!" nagpatianod siya ng pasandalin siya nito sa dibdib nito. Ipinatong nito ang makahawak nilang kamay sa kaniyang tiyan. She felt the warmth of his embrace.

"Alam mo bang paborito kong panuorin ang paglubog ng araw? My mother told me once na kapag daw dinala mo ang babaeng mahal mo na manuod ng sunset hindi na kayo magkakahiwalay? Lilipas at mawawala ang araw pero ang taong mahal mo mananatiling nandiyan para sayo." his laugh was hollow. Natatawa ito sa sinabi ng ina na para bang kalokohan lang paniniwala nito. Pero nang tingnan niya ito nakatitig din ito sa kaniya. "Ngayon gusto kong maniwala sa sinabi niya. I love you Diolene" punong puno ng pagmamahal ang tono at itsura ng mukha nito. Gusto niyang maiyak sa sinseridad ng sinasabi nito.

"I love you too Kein." Inabot niya ang batok nito at pinaglapit ang kanilang mga labi.

She was Diolene, Ian Diolene Leviste but who is Kein?! The ring! Ito at ang lalaki sa panaginip niya ay iisa! Bakit hindi niya makita ang mukha nito. Nanlulumo siya. Kaya madalas itong magpakita sa kaniyang panaginip. Napakasakit ng natuklasan niya ngayon. Pumatol siya sa may asawa? Kaya ba hindi alam ng mga magulang niya na nagkaroon siya ng boyfriend? Si Amanda? Ano ang alam nito? Alam kaya nito na may karelasyon siya? Kaya ba sinabi ni Vaidan na hindi na mahalaga ang nakaraan? May alam kaya ito na at pinili na hindi sabihin sa kaniya?

Bakit hindi siya pinupuntahan ng lalaki matapos ang aksidente? Hindi ba nito nabalitaan ang nangyari sa kaniya. Iniwan na ba siya nito at bumalik sa asawa?

Sumasakit ang kaniyang ulo at dibdib sa pag iisip. Nag-uunahan naring pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. Nadagdagan pang lalo ang katanungan sa kaniyang isip.

My Little Love StoryWhere stories live. Discover now