FUNNY MOMENTS

262 5 0
                                    

Credits.

**

One time po nagpipicture kami ng mga kaibigan ko, e hindi po kami magkasya sa portrait tapos sabi po ng isang kaibigan ko i-LANDSLIDE daw e landscape yon.

**

One time napag-usapan namin yung mga tigyawat tapos may isa po akong kaibigan, nagkwento tungkol sa BLACK HOLES yung pala black heads yon, amp.

**

Bumili ako ng laruang ipis no'n tapos tinago ko muna sa wallet ko. Tatakutin ko kasi yung girlfriend ko kaya lang nakalimutan ko. Tapos nung gabi na, pumunta ako sa isang restaurant para kumain tapos nung magbabayad na ako, nagulat ako do'n sa ipis. Nagsisisigaw ako. Takte, karma is real.

**

Sa jeep no'n may katabi akong umiinom ng buko juice. Magbabayad sana ako kaya lang imbes na "paabot po" yung sasabihin ko naging "painom po". Tawanan lahat nung pasahero huhu

Quotes ng HokageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon