(A/N: Itong storyang mababasa ninyo ay SOME-WHUT based on a TRUE story, well yung iba lang naman :) -- Jam )
[Achilles' POV]
"Wag na nga lang kasi sya! Mahirap yun, long distance relationship."
Hindi ko sya pinapakinggan, ang pakialamera naman nitong AnnLi na 'to! Ano bang pakelam niya? Mas mahigpit pa siya sa nanay ko ah.
"Hoy Achilles!" Sigaw ni AnnLi sabay tanggal sa earphones ko, binibilisan ko rin kasi ang lakad ko kasi nakakairita na talaga. Paulit ulit sya. Sirang plaka.
"Oo na. Alam ko na, paulit-ulit? Ano bang problema mo hindi naman ikaw girlfriend ko e."
Napatigil sya sa sinabi ko, napahiya ata. Pero totoo naman kasi. Kung makasalita sya parang involved sya ah.
"E worried lang naman ako e. Ikaw lang rin masasaktan sa huli!" biglang sabi ni AnnLi.
"Eh mahal ko nga eh, dapat maging masaya ka kasi BESTFRIEND kita diba?" Inemphasize ko yung word na bestfriend para hindi masyado feeling, napakaClingy.
"Bahala ka na nga jan!" sabay walk out at binato pa ang resibo ng kinain namin.
"TSK!. Pagbibigyan kita ngayon kasi nilibre mo ko." sigaw ko sa kanya at parang ang sakit ha? Resibo lang yung binato niya. Sino bang mamatay sa papel? Weirdo.
Umalis sya at pumunta na ako sa Music Shop para tumingin ng mga gitara, at lawayan ito. HAHA. Hindi naman literally na lawayan, ok.
Pumasok ako sa loob ng Shop at ginreet ko ang dati kong Teacher, nagulat ng may nakita akong Unggoy na may ilong ng Baboy.
Ang pangeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet talaga! Panira ng araw! Shit. Anu kaya ginamit ng loko-lokong ulopong na gayuma kay Neeka at naging syota nya 'to. Juskolord.
"Oh." Nagulat ata 'tong Homo habilis na to. Dahil ba sa kagwapuhan ko? Kunwari hindi ko na lang siya napansin. Sayang naman ang golden laway ko kung kakausapin ko sya.
Alis na nga ako. Naaalibadbaran ako sa chura nya. Hay nako, Juskolord talaga.
Tinawagan ko si Neeka at sinabing nakita ko yung Unggoy nyang Ex.
"Alam mo ba Aneeka nakita ko si Romeo. Pinagpala sa kapangitan."
"HAHA. Wag muna natin pag-usapan." Sabi na lang ni Neeka. Weird, ayaw nya bang nilalait ko Ex nya? Or nagsisisi sya kasi naging sila. Oh well.
Humaba usapan namin, ilang oras na ata pero hindi pa rin kami nagsasawa.
"Kanta ka nga." Sabi ko sa kanya bigla.
Nagpapakipot pa eh, kakanta din naman.
"I love you
You love me
We're a happy family
With a great big hug
And a kiss from me to you
Won't you say you love me too."
Ganda ng boses nya. PangKinder, nagagalit sya tuwing sinasabi ko 'to pero compliment naman yun eh.
Nagbabye na kami kasi hating gabi na. Ganito gabi-gabi kami nag-uusap, hanggang sa makatulog. Salamat sa UnliCall na mga promo.
-- Kinabukasan sabi nya aakyat daw sya dito sa Asdfgh City, meet daw kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/845291-288-k567110.jpg)