Bestfriends

6 1 1
                                    

" Kreng! " - tawag ko sa bestfriend ko. Paano ba naman kasi? May kausap na namang iba -,- Tss. Jealous girlfriend here! Hehe.

Linapitan ko sila para sana yayain na syang umuwi. Dismissal na din kasi.

" Ah, Kai, d'un ka muna. May pag-uusapan lang kami ni Stacey. " - sabi nya. Stacey is my cousin. Nagulat ako pero ginawa ko kung anong sinabi nya. Umalis ako at hinintay sya sa bench.

After 30 minutes, dumaan sina Kreng at Stacey. Tinawag ko sya at tumayo.

" Kaisey, ba't mo pa ko hinintay? May lakad kami ni Stacey e. Sige na. Umuwi ka na. Bye. " - and then she left me dumbfounded. I've waited for her pero may lakad pala sya? Stupid Kaisey. Di mo naman kasi sya tinanong kung sasabay pa sya e. Hays.

So as what she have said, umuwi ako. I walked alone para makauwi. Good thing at malapit lang ang bahay namin dito.

---
Our section is busy para sa contest na lalabanan namin. Ngayon kasi ang laban. Pero lunch time muna bago yun. So, I waited for Kreng again. Lagi kasi kaming sabay kumain.

1 hour lang ang lunch time, and guess what? I consumed 40 minutes just to wait for Kreng... na hindi naman dumating. And since I'm starving like hell, kumain na ko. Hindi ko na siya hinintay pa.

Just by the time na natapos ako, dumating si Kreng... with Stacey again. Lumapit ako sa kanya.

" Kreng, di na kita hinintay. Ang tagal mo eh. " - sabi ko at ngumiti. But my smile turned into frown as I heard what she have said.

" Hindi ako kakain. " - her voice was full of coldness. Ang lamig. Nilalamig ako.

" Kreng... " - mahina kong tawag sa pangalan nya.

" My name is not Kreng so stop calling me Kreng. Alis nga dyan! " - kung kanina, cold sya. Ngayon naman, tinarayan nya ko. She was about to leave pero hinawakan ko ang braso nya at ipinaharap sya. Agad naman niyag tinanggal ang pagkakahawak ko.

" Huwag mo kong hahawakan! " - sigaw nya. Lahat ng classmates namin, nakatingin na sa'min. Bakit hindi? Kami ang pinaka-popular na mag-bestfriends sa buong campus. Since Freshmen, kaibigan ko na sya, at ang dami na naming napagdaanan. Lagi kaming magkasama, sa maraming bagay nagkakasundo kami. We seems to be like sisters na nga eh. Pero nag-aaway kami ngayon.

" Ano bang problema, Kristine? Bakit bigla ka na lang nagka-ganyan? May nagawa ba ko? " - sigaw ko. My voice is breaking, shaking as well as my hands. My tears will fall anytime.

" Problema ko? Nakakasawa ka na, Kaisey. Nakakasawa ng maging plastic! Yes. Narinig mo. PINAPLASTIC LANG KITA! Lahat ng nangyari simula nung freshmen tayo, PAKITANG TAO lang yun! All of that were just part of a dare! " - she said with a smirk. And just by the time that she finished her sentence, tumulo ang luha ko. Ang luhang kanina ko pa pinipigilan. I ran towards my seat and get my bag. Hindi na ko nag-abala pang tumingin kay Kristine. Hindi naman ako kasali sa contest kaya umuwi n  lang ako ng bahay. Pwede naman ng umuwi ang mga estudyante.

Nang makauwi ako, iniyak ko lang ng iniyak ang lahat. Ang sakit. Sobrang sakit.

---
After that day, hindi ako pumasok ng apat na araw. Monday na ngayon, at ngayon lang ako papasok. Hinahanap na din daw kasi ako ng mga teachers ko. Buti pa sila hinahanap ako. Eh si Kreng kaya?

Hays. Wala na nga pala syang pakialam sayo, Kaisey.

Pagkapasok ko sa room, umiiyak ang ilan sa mga classmates ko. Yung iba, pinapatahan sila. Hindi ko alam kung bakit o kung anong nangyari. Hanggang sa lumapit sa'kin si Stacey at may iniabot na scrapbook.

Sa cover pa lang, gusto ko ng umiyak. It's a picture of us. Picture namin ni Kreng. Then may caption na " To my best buddy. Kaisey Alekhine Lewis Lionhart ❤ "

Whenever I turned the pages, tumutulo ang luha ko. Lalo na ng narating ko ang pinakadulong page. Napahagulgol na lang ako at napaupo. Kung masakit yung nangyari last week, mas masakit ngayon.

There's a letter for me, and a stolen picture of mine, smiling.

" Hi Kheng. Ang cute mo dito sa picture na to oh. Ayos no? Ang galing ko kumuha. Pang Professional Photographer, which is my greatest dream. Alam mo naman yun, diba? Kaso mukhang di ko na magagawa pa yun.

Kheng, pumunta kaming hospital. Sobrang sakit na naman kasi ng ulo ko, bes. Haha. Then the doctor said, there's a tumor in my brain, bes. Haha. And guess what, tinaningan na ni Doc ang buhay ko. One month. Ganun na lang ako katagal.

The first two weeks, bes, nagpakasaya tayo diba? Nagpalista ako sayo ng mga lugar na gusto mong puntahan kasama ako at mga bagay na gustong gusto mong gawin. Nagawa't napuntahan naman natin diba? Isa na lang ang hindi pa. At hindi ko na ata magagawa. Hindi ko na ata magagawang maging bridesmaid mo sa kasal mo.

Nanghihina na kasi ako, bes. Pinipilit ko lang na maging maayos sa harap mo. 3rd week, buti na lang umabot ako sa birthday mo. Kaso wala akong gift kaya gumala na lang tayo. Etong scrapbook kasi yung gift ko sayo. Hindi ko sinabi sayo na may sakit ako, kasi ayokong mag-alala ka pa. Pinilit kong maging masaya sa harap mo para hindi ka magduda. Pinilit ko kahit naiiyak na ko kapag naiisip kong iiwanan kita.

Then naisip ko, dapat magalit ka sakin para hindi mo na ko hanapin pa. Dapat kamuhian mo ko. Para maging madali ang pag-alis ko. Kaya ko ginawa yung kanina.

Kheng, gustong-gusto kitang sundan kanina, alam mo ba yun? Pero pinigilan ko ang sarili ko. Umaayon na ang lahat sa plano ko. Galit ka na. Siguro naman, mawawalan ka na ng pakialam sakin. Mapapadali na ang pag-alis ko.

Kheng, sa totoo lang, habang sinusulat ko 'to, umiiyak ako. Nanghihina na rin ako. Nararamdaman ko ng malapit na akong mawala. This is my last week, based sa sinabi ni Doc. Eto ang expected naming huling linggo ko sa lupa.

Kaisey Alekhine Lewis Lionhart, maraming salamat sa'yo. Dahil sa'yo, naging masaya ko. Sorry sa nagawa ko kanina. Sorry din sa lahat ng maling nagawa ko. Mahal kita, bes. Bahala ka na kung kakalimutan mo ako o hindi. Basta ako, mahal na mahal na mahal kita, Kheng. Salamat ulit. Ikaw na ang bahala kina Mama at Papa ah. Pati sa pinsan mong si Stacey, na naging kaibigan ko din. Mahal ko kayo.

- Mula sa Dyosang si Kristine Katdy Lopez."

Halos isigaw ko na ang pangalan ni Kristine.

" Kaisey, apat na araw din syang hindi pumasok simula nung Monday. Sasabihin ko sana sa'yong nasa ospital sya, pero ayaw nyang ipasabi. Ipinabigay nya lang sakin yang scrapbook. Kaisey, wala na sya. Wala na si Kristine. " - Stacey hugged me after that. Ako naman, natulala ako saglit tapos napapikit. Naramdaman ko ulit ang mga luha ko sa aking mga pisngi.

Kreng, kung nasaan ka man ngayon, pinapatawad na kita. Ang daya mo. Iniwan mo kaagad ako. Mahal na mahal kita, Kreng. Mahal na mahal. And I will never forget you.

- The End.
---
Okay. Hindi po ito based sa totoong story.

Credits and Dedications to Kay Ann Demition. Inspired ako sa story nya e. Salamat sa nagbasa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon