S.A.I.N.T.S. - 2: Chaos at the Parking Lot

98.5K 1.9K 44
                                    

S.A.I.N.T.S. - 2: Chaos at the Parking Lot

After two years…

 

 

Kaiser’s P.O.V

Nakatambay kami ni Gio ngayon dito sa parking lot ng campus. Maaga pa naman kasi at first day of school. Marami ring iba pang estudyante ang nakatambay dito. Nag-uusap, nagkukumustahan, nagpapayabangan at kung anu-ano pa.

Second year college na kami ng bestfriend kong si Gio. Giovanni Bennett ang buo niyang pangalan, actually he’s a transferee here he’s from Italy. Sabi niya may mission daw siya kung bakit nandito uli siya sa Pilipinas, but he don’t want to go into details about it.

“Kumusta naman si Tita sa Italy?” I’m talking about his mom.

“She’s fine, she’s doing well, and I hope she will be fully recover anytime soon.”

Nasa ganung kaming pag-uusap ng biglang nakarinig kami ng matinding ingay mula sa dalawang humaharurot na magagarang sasakyan na ginawang race track ang parking lot. Isang puting Porsche at dilaw na Jaguar mga top down na uri ng sasakyan at kasabay nun ay ang hiyawan at tilian ng mga estudyanteng nakikiusyoso.

Ano kayang problema ng mga nakasakay na yun sa Porsche at Jaguar at nakuha nilang magkarera at may kasama pang drifting exhibition sa loob ng university.

Sa totoo lang nakakabilib sila. Astig! Nauuna yung white Porsche pero hindi naman nalalayo yung yellow Jaguar, papunta na sila sa isang curve malapit sa pinagtatambayan namin ni Gio.

Biglang ginihit nung Jaguar ang Porsche kaya naunahan nito ang Porsche sa curve. Mabilis at maayos ang pagdrift nito. Malapit na sila sa amin.

Kung nakakabilib na yung mabilis nilang pagpapatakbo ng sasakyan sa limited space, sobra akong napabilib sa paraan nila ng pagpark nung mga kotse, sa bilis ng kanilang pagpapatakbo sa isang iglap lang nakapark na yung mga kotse sa tapat pa namin ni Gio na parang nilagay lang ng maayos. Ibang klase.

Unti-unting bumababa ang bubong ng dalawang kotse.

Nagulat kami at nagkatinginan ni Gio, bago ibinalik ang mga mata namin sa sakay ng dalawang kotse. Sinong mag-aakala na mga babae ang nagmaneho ng mga sasakyang yun.

Maya maya pa ay dumami na ang nagkumpulang estudyante sa dalawang kotse.

The SAINTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon