S.A.I.N.T.S. - 1: Mission Failed

185K 2.6K 123
                                    

S.A.I.N.T.S. – 1: Mission Failed

Third Person’s P.O.V.

May pumaradang itim na van at dalawang motorsiklo na di kalayuan sa mansion ni Dr. Guillermo Arce De Fure, isang kilalang scientist.

May lumabas na dalawang babae mula sa van at lumapit sa dalawang taong nakasakay sa motor,  hating gabi na at madilim ang paligid, tulog na lahat ng tao sa lugar na yun at tanging liwanag mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw sa lugar.

Tinanggal ng mga nakasakay sa motor ang kanilang helmet. Pawang mga babae din ang nakasakay dito at nagsimula silang maglakad patungo sa mansion ng mabilis at walang ingay.

Unti-unti silang nakalapit sa gate ng mansion at lumihis sila ng direksyon, ang dalawa sa kanila ay nagtungo sa kanan samantalang ang dalawa naman ay sa kaliwa.

Ice’s P.O.V.

“Tammie, naka-set na lahat sana lang walang maging aberya ang misyong ito para matapos natin ng mabilis.”

 

 

“Oo nga! Para maaga rin tayong makapag-beauty rest.”

 

“Kamusta na kaya yung apat? Nakapasok na kaya sila sa loob?”

 

 

“Hay naku! Sana isa nalang ako sa pumasok sa loob para naman makita ko yung laboratory ni Doc. Guiller, isa pa naman siya sa aking iniidolo.”

Itong si Tammie ay frustrate scientist pero magaling yan, pero sorry nalang siya kasi, yung din ang dahilan kung bakit nandito lang kami sa van para i-monitor yung apat. Kung siya gustong makita yung lab ako naman curious sa technology na ginagamit dito. Mahilig kasi ako sa machines at malamang dahil dun tumagal ang misyong ito.

“Huwag mo na ngang dibdibin yun parehas lang tayo. Why don’t we just talk to them?”

“Okay!” Pinindot na ni Tammie yung button para makaconnect at makausap naming yung apat.

Nakakarinding tunog ng feedback ang aking narinig pagka-on ni Tammie.

“Ouch! Tammie ang sakit sa tenga ayusin mo nga!”

[TAMMIIEEE!!!]

The SAINTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon