Chapter 1: First Day First Late

42 3 0
                                    

DEVIL MEET ANGEL 

BY:ILOVEBARNUTS09

"here I come Greenfield Academy" whooo sa wakas nakarating narin ako sa bago kong school ..

Ang sarap ng simoy ng hangin dito sa Greenfield academy Fresh na Fresh ehh kitang-kita mo yung mga puno ang ganda lang tignan nakakwala ng stress ..yung mga puno kasi dito hindi tulad ng iba na kahit saan mo lang makikita.. dito kasi parang organize talaga sya.. at halatang pang mayaman ..

"Hmm.. fresh air.." para na talaga akong baliw dito parang ang ignorante ko tignan ehh kasi with open arms pa yan ahh tapos nakapikit pa ako ..yung feel na feel ko talaga yung moment ..

Magpapakilala muna ako.. 
Ako nga pala si Warnie Kyra angeles 

sabi nila maganda daw ako.. (flattered much) Friendly din ako.. marami nga akong kaibigan dun sa dati kung school ehh .. Maingay din ako kaya nga pag may reporting ako lagi pambato nila kasi di daw ako nahihiya .. in short makapal face ko.. Mabait din.. tsaka palaban ako.. di ako nagpapa-api noh.. tinuruan kaya ako ng kuya kong pogi ng Judo tsaka martial arts.. nagbo-boxing nga din kami ehh hahahah oo ganyan kami ka close ng kuya ko..

May dalawa akong kapatid si kuya Yuri at kuya yuki ... Oo kambal sila.. kung si kuya yuki ay bubbly at maingay tulad ko kabaliktaran naman si kuya yuri.. si kuya yuri kasi ang seryoso nya .laging naka poker face ..pero mahal na mahal ako nyan.. siya din ang lagi kong nasasabihan ng problema.. In short close kami pero di halata.. mas close kasi kami ni kuya yuki .. pero close din kami ni kuya yuri .. basta yun na yun.. 

anyways, dito parin ako sa may gate feel na feel ko pa kasi dito.. 

"aray.. sakit nun ahh?" pano ba naman kasi sinong hindi magugulat kong bigla-bigla nalang may mambabatok diba? tas feel na feel ko pa naman ang moment.. 

"para kang tanga dyan" sabi sakin nung mayabang na lalaki na bigla-bigla nalang nambabatok sabay lakad palayo.. Aba ang yabang ahh? walang modo ..ano bang pake nya? ehh sa ganito talaga ako..

" Hoy Lalaki.. sino ka ahh? anong karapatan mo para batukan ako? ni nanay ko nga di pa ako sinaktan ehh ikaw pa kaya na di ko kilala buti sana kung pogi ehh di naman kapal talaga ng mukha" sinigaw ko talaga yan sa lalaking mayabang na yun .. nakatalikod na kasi sya sakin kasi lumakad nga sya palayo diba? pagkatapos nya sabihin yung mga katagang yun..nakakainis kasi ..bigla-bigla ba namang mambatok argghh..

b-bakit ang daming nakatingin sakin? anong meron? ang sasama ng mga tingin nila sakin..

'sino ba yang babaeng yan ang kapal ng mukha para pagsabihan at sigawan ng ganun-ganun lang ang prince natin?' - bulongan yan ng mga babaeng mukhang espasol sa kapal ng make-up ..tsaka prince? sino yun? yun ata yung lalaking mayabang.. yung sinigawan ko daw ehh

kung tinatanong nyo kung bakit ko iniisip na ako yung pinariringgan nila ..kasi ba naman ang sama nila makatigin..hayyys.. kala ko pa naman magiging masaya ako sa first day ko dito sa Greenfield.

'Flirt'- sabi pa nung isang babae..Flirt? agad-agad teh? sinigawan lang flirt na agad? agad kaya kokote nito? tssk..

'Lagot yan kay prince tyler girl' - girl 1 

Lagot daw? tss.. kala nila papa-api ako?

'yeah right girl lagot talaga yan' -girl 2

Aba sumang-ayon pa yung mukang unggoy niyang kasama tssk..

Nagkibit-balikat nalang ako eh sa wala naman akong pake sa mga pinagsasabi nila ..

teka yung lalaking myabang.. sya yun ahh? yung suot nya kasi yun yung huli kong nakita kanina 

WHEN DEVIL MEETS ANGELWhere stories live. Discover now