Nagising si Anastacia sa ring ng kanyang cellphone. Unknown number kaya agad niyang sinagot.
"Hello ... Who's this ? Oh yes speaking." Inaantok na pakikipag usap niya.
"No I'm not interested, okay your welcome." Putol nya.
Si margareth pala ang tumawag ang assistant ng pinagpasahan niya kanyang resume nung nakaraang buwan. Balak niya kase sanang mag apply sa newspaper company na pinapasukan nito kaso nagbago ang isip niya dahil kailangan siya na ang humawak sa pagmamanage ng Anastacia's Library And Caffe.
Di na sya makatulog kaya nagshower na sya at nagbihis para pumasok sa ALAC.
Pagdating niya ay nandun na si Trisha ang bestfriend niya na assistant/cashier ng ALAC.
"Good morning Tacia." Nakangiting bati sakanya nito.
"Good morning too." Ganti niya dito.
"Ang aga naten a ? Nagbreakfast kana ?".
"Napaaga lang ng konti, hindi pa nga eh ikaw ?."
"Hindi pa .. mauna kana sa office mo at isusunod ko na lang ang sandwich at coffee mo."
"Sige. Thanks".
Pumasok na siya sa office maya maya ay nagring ang cellphone niya.
"Hello .. Yes ma ?" Morning ..."
Ang mama niya pala ang tumawag.
"Hmmmm ... sige po try ko po humabol. Yes po .. Iloveyou too po." Putol niya.
Pumasok naman si Trisha.
"Here's your sandwich and coffee Miss Tacia." Pang aasar ni trisha
"Thanks Trisha." Walang ganang sabe niya.
"Sinu yung tumawag at parang bigla kang nalantang halaman." Nakangusong tanung nito.
"Si mama .. may family gathering mamayang gabi pumunta daw ako."
"O ayun naman pala eh anung problema dun? Edi pumunta ka."
"Yun na nga eh .. ayokong pumunta at baka kung kani kaninu na naman ako ipakilala nun."
"Ayaw mo nun?! Para makatagpo mo na si Mr. Right .. malay mo naman diba." ^^
"Hays wala nga kong panahon para dun diba ?" Nakasimangot na sabe ni Tacia.
"Owkey sabe mo eh ....!"
" Ou nga pala yung book ni Vice Ganda dumating na ba ?"
"On the way na daw .
Sige maiwan na kita, pag isipan mo yung sinasabi ko sayo ah."
Pang iinis ni Trisha.
"Okay." Wala paren niyang ganang sagot.
Pagkatapos niyang kainin ang binigay ni trishang sandwich at kape ay agad siyang lumabas para icheck ang mga bagong deliver na libro.
"Pakisign na lang po dito Ms. A".
"Here."
"Thank you po."
Agad nilang inayos sa mga book shelf ang mga libro.
Nakaugalian na ni Tacia na tumulong sa mga book keeper nila sa pag aayos ng Library. Siya na ang tumatayong Manager at Librarian nila.
Bukod nga sa Library ito ay Cafe rin ito. Nagseserve sila ng mga iba't ibang masasarap na kape at cake.
Nagulat na lang sila ng sandaling iyon ay may sumigaw na lalaki sa isang table doon.
"How dare you to do this to me !." Sigaw nito.
Nagbubulungan na ang ibang customer dahil sa lalaking nakatayo at sumigaw.
Nilapitan na ni Joseph ang lalaki at tinanung ito.
"Sir anu pong problema.?
"Wala ka na dun!". Singhal nito
Galet na galet na itinumba ng lalaki ang table sa kaharap nitong babae.
"What the -!" Sigaw ng babae.
Di na nakatiis si Tacia at nilapitan niya ito.
"Excuse me sir ? Ano po bang problema niyo? Kung pwede po sana wag kayo dito mag away ng kasama niyo kase naiistorbo ang mga customer namen."
"Wala kang paki !" Sigaw nito kay tacia.
Aba't ang walanghiya!
"Miss pasensya kana .. babayaran ko na lang tong mga nasira." Sabe ng babae.
"No, miss hindi ikaw ang magbabayad nyan kundi itong lalaking ito."duro nya sa lalaki.
"Pwede ba ! Wala kang alam dito a ! Kaya wag kang makialam samen!"
"Yes sir wala po kameng pakialam kung anong pinag aawayan nyo pero sa ginawa nyo dito sa cafe namen ay ibang usapan na po yun."
"Tsk! How much this shit garbage." Sipa niya sa nagkalat na basag na tasa at platito na tumapon sa libro.
Di na sana papatulan ni Tacia ang lalaki kaso nakita niyang natapunan ang libro na basa at malagkit na dahil sa kape at cake.
"Napaka walanghiya mo ah!" Sabay suntok niya sa mukha ng lalaki na agad naman nasapo ang mukha dahil sa pagsuntok dito.
"Ouch ! You bitch! Humanda ka saken!" Pasugod na ang lalaki mabuti na lamang ay naawat ni Joseph at ng guard nila.
"Pasalamat kang babae ka !" Sigaw nito habang hawak sa kamay ng guard.
Nakaramdam ng konting takot si Tacia muntik na siya dun! Wews !
Agad dinala ng guard at ni joseph ang lalaking nagwala sa malapit na police station.
"Miss pasensya na po talaga .. babayaran ko na lang po lahat ng nasira niya." Sabe ng babae.
"Trisha ikaw na munang bahala dito." Nagmamadaling utos niya.
"Sige. O miss bale fifteen thousand lahat .. ten thousand for the glass table, five for the tea cup plus the book." Sabe naman ni Trisha sa babae.
"Here." Sabay abot ng babae at umalis agad.SA POLICE STATION:
"Bat niyo ko ikukulong !? Wala kong kasalanan! Let me call my attorney first di niyo ko pwede ikulong agad!" Nanggagalaiting sigaw nito sa mga pulis.
"Manahimik ka muna dyan".
Dumating agad si Tacia.
"Officer nanggulo yan sa Cafe namen." Panimula ni Tacia.
"Sige po miss maupo po kayo."
"Tatawagan ko ang attorney ko akin na muna ang cellphone ko!" Sigaw ng lalaki.
"Sige ibigay nyo muna para di na mag ingay yan."
Agad tinawagan ng lalaki ang attorney niya.
"eh ikaw naman pala ang may kasalanan. Bakit kase nagwala ka sa cafe ni Ms. Montegracia."
"Pakialamera yan e !"
Isang oras ang nakalipas nang may dumating na lalaki ito ata ang attorney nito pero kasunod nito ay isang matangkad,macho at gwapong lalaki.
Agad itong lumapit sa lalaking nakakulong.
"Are you okay? Sinung may gawa sayo nyan?! Eto bang lalaking to !" Duro nito kay Joseph.
"Hi-hindi po ako." Nanginginig na sabe ni Joseph.
"Eh sinu??!."
"Ako ." Matapang na pag amin ni Tacia.
"Ikaw?!"
"Mr. Brook ako na pong bahala dito." Pag awat ng attorney.
Tinignan mula ulo hanggang paa si Tacia ng lalaki. Tinaasan lang niya ng kilay ito.
"Kuya siya yung nanuntok saken. Bayaran mo na yang mga yan para makalabas nako dito." Naiiritang utos ng lalaking nakakulong.
"Ano bang nangyare." Panimula ng attorney.
Ikinuwento nila Tacia ang nangyare at nagkaayos na ang mga ito.
"O Red magsorry kana kay Ms. Montegracia."
"Ayoko nga bat ako magsosorry dyan e bayad na siya." Nkangusong sabe nito.
"Excuse me hindi ako nagpabayad noh!."
"Tama na . Let's go may aattend an pa kong meeting."
"Babye miss sunget." Pang iinis nito kay Tacia.
Napairap na lang si Tacia sa mga ito.
Lunch Break na ng Makabalik sila sa Cafe.
"Anung nangyare Taciang." Tanung ni Trisha.
"Okay na Trish. By the way tara lunch tayo treat ko." Yaya niya kay trisha
"Sige ba .. sabe mo yan a ". Tuwang tuwang sunod nito.
"Minsan lang ito kaya ipupush ko ito".^^Itutuloy ..
YOU ARE READING
The Librarian's Baby
Любовные романыAnong pipiliin ni Anastacia? Ang sariling anak o ang pinakamamahal nyang kompanya?