CHAPTER 1 : The Mystery of The Mysterious One.

36 0 0
  • Dedicated kay Rhiane Sanchez
                                    

Magandang-maganda ang sikat ng araw. Isang bagong yugto na naman ng buhay ang dumating. Abalang-abala si Gng. Analisa sa paghahanda ng almusal para sa kanyang anak na si Daryll. Pagkagising ng binata, agad itong naghilamos at nagsipilyo.

“Nay, handa na po ba ang almusal?” – wika niya.

“oo, halika na dito. Kumain kana’t baka mahuli ka pa sa traning mo.” –sagot ng ina.

Makalipas ang ilang minuto, naligo na si Daryll at nagbihis. Nang aalis na ito, nagpaalam muna ito sa kanyang butihing ina.

“alis na po ako nay.”

“sige anak, mag-iingat ka.”

Tumagal ng mahigit isang oras ang biyahe.

“Sa wakas, nakarating din ako sa Unibersidad ng Arellano. Maghapong training na naman ito.”

Makalipas ang halos walong oras, ng sumapit na ang ika-apat ng hapon, agad umuwi si Daryll upang magcomputer at mag-facebook.

Habang nagbabasa sa News Feed, may isang hindi pamilyar na babae ang nagchat sa kanya.

“Hi kuya ^_^” –bati nito

Nagulat na lamang si Daryll rito. Cristine Vera Sanchez ang ngalan ng babaeng iyon.

“Hello, hu u po?” –reply niya.

“Cristine Vera po J taga-Chiang Kai Shek College din po ako, grade 8 po, pumupunta din po ako sa MTAP kaya kilala ko po kayo, minsan na po kayong nagturo sa amin. J”

“ah, panlaban ka din ba sa math? Ikaw ba ung kasama nila Bhong kapag team oral competition?”

“nope po J kaklase lang po nila ako. Pero kasama din po ako sa enrichment, hindi lang po ako napili nung pumili na ng top 5 na panlaban.”

“ah, nasa top 10 ka ba?”

“yes po J pang 10”

Mahigit tatlong oras silang magkausap sa chat. Simula noong araw na iyon, lagi na silang nag-uusap, hindi lang sa chat, maging sa text message sa cellphone. Tuwing uuwi si Daryll galing sa kanyang training. Dumaan ang ilang linggo, naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Laging nagbibigay ng payo si Cristine kay Daryll tungkol sa pagka-brokenhearted sa ex nitong si Lhea Janine Martinez.

Patuloy ring nahulog ang binata sa kabaitang dulot ng dalaga hanggang sa sumapit ang pagkakataon na inamin na nila ito sa isa’t isa.

Isang gabi, habang magkausap sa phone,

“Cristine, alam mo siguro ito na ang tamang panahon upang aminin ko sa iyo itong nararamdaman ko.”

“sure. Ano ba iyon?”

“promise mo, hindi ka magagalit at hindi ka magbabago ah?”

“oo naman J”

“mahal na kasi ata kita kita, ewan ko pero pakiramdam ko tuwing kausap kita, ang saya-saya ko, ang gaan-gaan ng loob ko sa’yo. Mahal na kita Cristine, mahal na mahal.”

“Ah, ikaw talaga, iyan lamang pala. Huwag kang mag-alala, hindi ka mabibigo sa’kin. J”

“Bakit? Anong ibig mong sabihin?”

“Huwag kang mag-alala dahil mahal din kita. J”

“talaga?”

“Oo. Noong unang kinausap pa lamang kita sa chat, crush na kita.”

Simula noong araw na iyon, lalo pang naging malapit sa isa’t isa ang dalawa.

Sumapit ang buwan ng Hunyo. Balik-eskwela na. Abalang-abala ang bawat estudyante sa pamimili ng mga gamit sa eskwela.

The Diary II (Discover the mystery)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon