CHAPTER 2 : "Its Complicated"

23 0 0
  • Dedicated kay Rose Agapito
                                    

Makalipas ang dalawang lingo mula noong pangyayaring iyon, nagkayayaan sina Daryll at Cristine na gumala ng silang dalawa lang.

“Cristine, pwede ka bang gumawa mamaya?”

“oo bakit? Gala tayo? J

“oo, gusto sana kitang yayain na gumala eh, tayong dalawa lang J

“sure, mga 2pm? Kita tayo sa 7eleven J

“sige, libre mo’ko ah?” –biro ni Daryll

“hala, wala nga akong pera eh. -_-“ –pagtatampo ni Cristine.

“biro lang. ikaw naman J Sino naming tangang lalaki ang magpapalibre sa mahal niyang babae?” –pambawi ni Daryll.

“ikaw!” –nakatawang sagot ni Daryll.

“hahaha, ikaw talaga!”

Sumapit ang ika-12 ng tanghali. Agad ng naligo si Daryll, gumayak at nagbihis. Nagsuot siya ng jeans na pantalon, black rubber shoes at itim na disenteng polo. Nang makarating siya sa lugar ng kanilang tagpuan, nadatnan na niya doon si Cristine.

“Halika na?” –nakangiting sambit ni Cristine.

“Saan naman tayo pupunta?” –dagdag pa niya.

“SM Marilao tayo?” –sagot ni Daryll.

“sure J

Agad silang sumakay sa Jeep. Habang nasa loob, nakikinig sila ng music sa cellphone. Si Cristine ay nakasandal lamang kay Daryll ng magsalita ang binate,

“Kapag bumaba tayo sa jeep mamaya, gusto ko ako ang mauuna.” –wika ni Daryll.

Bahagyang na-turn off si Cristine sa sinabi ni Daryll ngunit naputol ang pagtatampong ito ng muling nagsalita ang binate.

“Huwag ka munang malungkot diyan. Hindi ulit iyon ang aking gagawin, hindi na kita iginagalang. Itanong mo muna sa akin kung bakit.”

“Bakit?”

“Dahil gusto ko, maalalayan ko ang mahal ko pagbaba ko J Kung ikaw kasi ang pauunahin ko, hindi kita maalalayan.” –pagpapaliwanag ni Daryll.

Napalitan ng ngiti ang lungkot sa mukha ni Cristine ng marinig ang mga salitang ito. Na-turn on siya lalo sa “uniqueness”  at “originality”  ni Daryll.

Nang makababa sila sa Jeep, at makapasok sa loob ng SM, ibinigay ni Daryll kay Cristine ang pinaka-iingatan niyang kwintas na bigay sa kanya ng kapatid niyang si Dana. Bilang pagpapatunay raw ito ng pagbibigay tiwala niya kay Cristine at pagpapatunay ng kanyang pag-ibig sa dalaga.

Nagbigay naman ng keychain si Cristine kay Daryll na nagmula pa raw sa Cell Group nila sa kanilang Church noong nakaraang Enero nitong taon lamang.

Inikot nila ang buong mall habang nag-uusap at nagkukwentuhan ng mga bagay bagay ukol sa kanilang dalawa.

Makalipas ang mahigit tatlong oras, lumabas na sila sa SM at nagpasiyang umuwi na.

Tatawid si Cristine sa kalsada ng pigilan ito ni Daryll.

“Teka, may over pass naman hindi ba?” –wika nito kay Cristine.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Diary II (Discover the mystery)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon