Guilty to Death

34 2 0
                                    

C2: Guilty to death

---

"Shane?"

"Shane are you okay?"

Ewan ko ba pero bigla nalang ako natauhan sa pagkakatanga ko ng iwagayway nung lalaki yung kamay niya sa tapat ng mukha ko.

"Oy Rhoy! Ikaw pala hindi kita nakilala ahh!!" ano ba yan nakakahiya napatulala ako buti hindi tumulo laway ko. buti nalang may palusot ako agad -,-

"Grabe ka naman araw araw naman tayong nagkikita ikaw talaga pinagloloko mo ako ah?" sabi niya at ngumi ngiti pa na parang walang nangyare.

"Ah hehe.." hindi ko alam na magiging ganitong kaawkward pa din ako sa kanya?

Kung sa bagay... Nakakahiya naman kasi ginawa ko.

"Bakit ka nandito?" tanong niya at alerto naman akong sumagot.

"Ah bumili kami ni Vina ng mga things para sa prom natin, saka pauwe na din ako. Ikaw bakit ka nandito?"

"Ah sinamahan ko lang kaibigan ko, Eh asan si Vina?"

"Umalis na siya may gagawin pa e"

"Ahh edi mag-isa ka nanaman uuwe?" tanong niya at parang may bumalik nanaman na mga ala-ala sa isip ko.

"Ah... "

"I know it means "oo"' hatid nalang kita sa inyo" hindi ko alam kung tatanggi ba ako baka isipin niya na bitter ako.

Teka baliktad? Diba dapat siya ang bitter?

"Tara?" tanong niya at hinawakan niya yung kamay ko. Agad ko na tinanggal yun at buti nalang hindi niya nahalata. Sumunod lang ako sa kanya dahil alam kong hindi naman na ako makakatanggi at kilala ko siya alam ko ang mga actions niya.

Tumitingin tingin lang ako sa paligid para umiwas ng tingin sa kanya... Ikaw ba naman kasi makasama mo yung taong nanligaw sayo ng kalahating buwan, pagkatapos mo paasahin ay binusted mo din naman pala sa huli. You used him dahil lang sa isang taong hindi naman deserve ang efforts na ginawa mo at nakasakit ka pa ng tao.

"Ahh ..." sisimulan ko sana makipag-usap ng bigla kong nakitang nakatingin siya sa akin.

"Ahh---" iniiwas ko yung tingin ko sa kanya at nice timing ng makakita ako ng cake shop, may biglang nag pop-out sa isipan ko.

"Shane? May gusto ka ba bilhin?" bigla niyang tanong at tumango lang ako.

"Tara doon tayo sa Cappernicus may bibilhin lang ako"

Nang magsimula akong magpunta doon sa loob ng Cappernicus at tumingin ng mga cake doon.

Hmm.. Mukhang masarap itong .....

"Ahh? Shane? Sinong may birthday?" tanong ni Rhoy nasa tabi ko kasi siya at nakita ko yung mukha niya na nakakunot.

Tinawanan ko lang siya at halos takang taka lang siya.

"Pili ka diyan dalii... Anong masarap sa tingin mo?"

At nagisip siya sandali atsaka tinuro yung cake na white chocolate ang flavor. Tama mukhang masarap nga..

"Ano po napili niyo ma'am?"

"Ms. Yung white chocolate po" sabi ko doon sa babaeng naka suot ng uniporme ng Cappernicus.

"999 pesos po ma'am" sabi niya saka ako nagbayad.

"Thanks" sabi ko at tuwang tuwa ako lumabas kasama si Rhoy at eto naman si Rhoy takang taka pa rin.

Bluetooth Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon