Stuck with You

31 2 1
                                    

Hii! Happy April Fools :) (UD: April 1, 2015)

This is for you welmar :)

---

-SHANE-

"Okay mga bata ngayon ang ating pagdedebatehan sa ating asignaturang Filipino ay "Ano ang mas nauna? Manok o Itlog?"" ewan ko ba kung saan ako matatawa kung yung sinabihan kami ni Mrs. Therese ng mga bata o kung ano yung topic namin.

O both.

"Ma'am seryoso kayo?" tanong ni James.

"Oo seryoso! Kaya pagbilang ko ng sampu dapat alam niyo na ang iyong papanigan isa, dalawa, tatlo, apat, lima" nagsimula na kaming maghiwahiwalay.

Ako nagpunta ako sa itlog. Ewan yun yung napagtripan ko e.

"Anim,pito, walo" nakita ko si Jarell na pumanig sa manok tsk mahilig talaga sa manok. So? Magkalaban pala kami?

"Siyam, SAMPU!" pagkabilang ni Mrs Therese ng sampu doon ko lang narealize na sa itlog ay puro babae at sa manok puro lalaki.

Wow ha? Parang magkakaroon ng clash between girls and boys ah?

Exciting tuloy.

"Ibon o tao?" tanong ni Mrs Therese sa Itlog Team. Coin toss, kung kanino daw mukha ang pinakita ng limang piso yun ang mauuna.

"Ibon!" sabi namin. Edi tao yung boys.

Nang ihagis ni Miss Therese yung coin, pinagdasal namin na sana tao yung mukhang lalabas.

Please! please wag kami una!!Please!

At Boom!

"Yehey!!! Kayo ang una!" sigaw ng mga babae kong kaklase. Tao kasi yung lumabas. o diba! Sabi ko sa inyo tao yan e! Galing ko talaga! Hahaha!

"Ang daya!" angal ng ibang boys at natawa nalang kami. Haha bleh! Losers!

"Ngayon, magsimula na kayong ipagtanggol ang iyong panig!"

Walang pumupuntang boys sa harap mga duwag natatakot -.-

Hanggang sa may napagtripan silang itulak sa harap at yun ang pinakamatalino sa amin sa klase.

Si Kuya Franz.

"A...-" yun lang ang nasasabi niya at kami tawa lang ng tawa. miske kami wala maisip e. ay bahala na ang kulet naman kasi ni Mrs. therese e.

Pagdebatehan ba naman origin ng manok o itlog.

Umalis si Franz sa gitna at natawang tumakbo ito pabalik sa kampo ng boys nagulat nalang kami ng may hilahin siya sa gitna.

Si Jarell!

"Hahahaha!!!" tawa ko ng mapunta siya sa gitna lahat nga sila napatingin saakin e paano kasi ako lang yung tumawa.

"Ehem sorry" sabi ko at si Jarell ang sama lang nang tingin sa akin.

Bwahahahaha!!!

He cleared his throat.

"Alam niyo nagsimula sa manok para dumami ang population ng mga manok, kung iisipin mo walang itlog kung wala ang manok dahil paano nalang mabubuo ang itlog kung walang manok. Naniniwala ako na natural made na ginawa ang manok. Isang babae at isang lalaki parang mag mate sila at makabuo nang itlog hanggang sa dumami sila. Parang katulad ng sa noah's ark by pair na animal ang sumakay sa barko ni noah para pag namatay yung ibang klase nila may dalawang matitira na magpapadami ng population nila"

Nanahimik ang lahat sa sinabi ni Jarell. Wow first statement ang haba na. Nganga.

O sige na siya na... Siya na magaling -.-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bluetooth Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon