Kinurapkurap ko ang aking nga mata saka bumangon sa higaan at tumingin sa bintana. Mayroon akong nakitang isang babaeng nakatingin saakin. Nakaputi sya at maikli ang buhok. Kinawayan ko sya at kinawayan nya rin ako. Agad akong lumabas ng kwarto para kumain ng agahan. Umupo ako sa silya at tumingin ulit sa bintana. Nakita ko ulit ang babae. Kinawayan ko ulit sya at kinawayan nya rin ako. Nagtaka ako baka may bago kaming kapitbahay dahil wala kaming kapitbahay. Kaya tinanong ko si Inay. Ang sabi nya wala naman daw. Kaya doon ako natakot. Dali-dali akong pumunta sa sala. Humarap ako sa TV. Hala! Nasa loob sya ng TV! Sa sobrang takot ko, dumiretso ako sa CR at naghilamos. Agad akong tumingin sa salamin at doon ko nalaman ang katotohanan.
BINABASA MO ANG
Dagli
Mystery / ThrillerCompilations of Dagli of Science, Technology & Engineering 9 of Don Felix Serra National High School, Purok 1, San Joaquin, Iloilo