"Anak aalis muna si Papa ha?"
"Huh? Bakit naman po?"
"Magtatrabaho ako sa malayong-malayong lugar. Pag-uwi ko, dadalhan kita ng maraming gifts at maraming chocolates."
"Promise?"
Ngumiti saakin si Papa saka hinalikan ako sa pisngi. Maya-maya at lumabas sya at sumakay sa taxi dala ang isang malaking maleta. Biglaan ang pag-alis neto. Ni hindi ako nakapaghanda sa kanyabg pag-alis. Ilang buwan na ang lumipas, hindi parin umuuwi si Papa. Ni tawag o text wala talaga. Minsan naririnig ko na umiiyak si Mama sa kwarto. Alam kong miss na miss na nya si Papa at ako rin. Isang araw, may kumatok sa aming pintuan mga bandang 10 ng umaga. Dali-dali ko itong binuksan. Nagbabasakaling si Papa iyon pero pagbukas ko, bumungad saakin ang isang babaeng buntis at may dalang malaking bag. Hinahanap nya raw ang taong nagngangalang "Estefan Carpio" at iyon ang tatay ko. Biglang sumulpot si Mama namukhang sobrang gulat na gulat. Pinaakyat ako ni Mama sa kwarto ko at huwag daw lumabas. Bakit ba kailangan kong magtago? Pagkaraan ng ilang minuto, may narinig akong iyak. Malakas na iyak. Gusto ko sanang lumabas pero magagalit si Mama. Pagkaraan ng ilang sandali, mayroong sumigaw ng sobrang malakas. Kaya doon na ako nagtaka kaya lumabas ako at nadatnan ang isang babaeng duguan at nakahilata sa sahig. "Mama, bakit mo to nagawa?"
BINABASA MO ANG
Dagli
Mystery / ThrillerCompilations of Dagli of Science, Technology & Engineering 9 of Don Felix Serra National High School, Purok 1, San Joaquin, Iloilo