Chapter[2] Meeting?

34 1 0
                                    

A/N: Sino ARMY dito? Make some noise naman dyan~

---

JUNGKOOK'S POV

*PHONE BEEPS*

"Ugh! Ang aga-aga pa ehh!"

"JungKook-Ah. May nagtext sa'yo!"

"Alam kooooo~!"

Tss. Makabangon na nga. Ang sama na nga ng araw ko kahapon, masama pa rin ba ngayon?

Padabog kong kinuha yung phone ko sa ibabaw ng side table. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang digits ng nagtext sa'kin.

"Sino ba 'to?" Bulong ko. Di naman kasi siya naka-save sa contacts ko ehh.

From: +639**********

Pumunta ka sa likod ng Zircon University mamayang 3pm ng hapon. 'Di pumunta duwag!

"JC!! pinamigay mo na naman ba yung number ko?!" Sigaw ko sa kapatid kong lalaki. Magkasing-edad lang kami pero di kami kambal, dahil mas cute ako sa kanya.

"Pakshet kuya! Ang tanga ko naman kung number mo pa ang ibibigay ko kung pwede naman yung sa'kin di'ba?" Aba.. Pasalamat siya natameme ako sa sinabi niya.

Tsk!

Binasa ko ulit ang text. Tang*na! Baka si King na naman 'to ehh.

Siya lang naman ang nangga-g*go sa'kin ehh. Porket mas matanda siya sa'kin.. Tsk!

"JungKook-ah! Bumaba ka na daw dito!!" Sigaw na naman ni JC kaya bumaba na 'ko. Wala pa naman ang Appa at Eomma namin dahil nasa states sila..

Aish! Bakit ba kasi ako naiwan dito kasama ang abnormal kong kapatid ehh?!

***

NAMJOON'S POV

Pakshet yung hayop na yun!

Mukhang di pa nakuntento kahapon ehh, nagpadala pa talaga ng message. Tsk!

Sisiguraduhin kong mababangasan ko na yun mamaya.

*smirk*

Kaya maghanda-handa na siya.

Ayoko sa lahat yung gina-g*go ako ehh.

"Hyung?" Napatayo ako sa kama ko ng marinig ko ang boses ng maliit kong kapatid na si Niel.

"Bakit, Maknae namin?" Malambing kong tanong.
[Maknae= Youngest]

Yumakap agad siya sa binti ko at tumingala sa'kin. Naawa naman ako kaya binuhat ko na siya.

"Baba na raw sabi Eomma.." Ang cute talaga ng batang 'to. Tsk!

Tumango lang ako at bumaba na kami. "Hey, brotha'!" Nagulat ako ng may sumigaw sa likod ko.

Nilingon ko siya at ang Noona ko pala.
[Noona= Sister]

"Oh.. Nakauwi kana pala, Noona.." Mapang-asar kong sabi. Magkaaway kasi kami minsan nito ehh.

"Is'nt obvious?" Mataray niyang sabi. Naputol ang pag-uusap namin ng may sumingit na maid.

"Sir, Ma'am.. Hinahanap na po kayo ng Mommy niyo." Inirapan lang ako ni Ella-noona at siya na ang naunang pumunta sa Dining room.

Nagkibit-balikat nalang ako at pumunta na rin kami sa dining room.

***

HO SEOK'S POV

Kamusta naman ang gang, utol?" Panlalaglag sa'kin ng utol ko sa harap ng Eomma ko.

Tinignan ko siya ng masama at nag-ngiting aso lang siya. Tang*na! Bakit ba ang daming surot— este salot sa buhay ko?

"What gang?" Biglang tanong ni Eomma.

"Wala po." Sagot ko nalang sabag nag-walk out.

Babalikan ko pa sana yung pagkain kong naiwan pero masisira lang ang walk-out scene ko ehh.

*GRRRRRRR~*

Oh.. Ayan na nagugutom na tuloy yung mga baby ko.

Tsk!

Babangasan ko talaga yung King na yun.

Unfortunately, kapatid ko si King. Oo, yung pukol na nakalaban namin kahapon.

Anak lang naman yan sa labas ehh. Nambabae kasi yung Appa ko.

Pero akala mo siya yung tunay na anak kung umasta ehh. Tsk! Ehh nakikitira lang naman yan sa'min!

Makapasok na nga lang..

***

TAEHYUNG'S POV

Nandito na ko sa school kanina pa. Excited kasi akong mabangasan yung King na yun dahil may nagtext sa'kin kahapon at alam kong siya yun.

"AHHHHHH!! Tama na kasi!!" Napalingon ako ng makarinig ako ng tili ng babae.

Nakita kong pinagti-tripan siya nung lalaki. Teka lang.. Eto ata yung ex nung Jin ehh.

Sikat kasi silang loveteam ng University dati, kaya kilala ko sila.

"Hoy bitawan mo siya." Sigaw ko ng makalapit ako sa kanilang dalawa. Ewan ko kung anong nagtulak sakin na ipagtanggol 'tong bitch na 'to.

Basta ayoko lang na may naaapi, oh di'ba pwede na ba kong mangumpanya?

"Bakit sino ka ba?" Maangas na tanong nung mukhang palaka.

"Hindi ako sinuka, iniri ako. Ehh ikaw mukha ka ngang niluwa ehh." Asar ko sa kanya at napakunot naman ang noo nilang dalawa nung ex ni Jin.

Mabilis kong hinila yung braso nung palaka at malakas ko siyang sinuntok sa sikmura niya. Agad naman niyang hinawakan yung sikmura niya.

"Umalis kana dito!" Sigaw ko dun sa babae.

"Sige salamat." Mabilis niyang sabi at tumakbo na nga palayo.

"G*go ka ha?!" Susuntukin na sana ako nung palaka pero mabilis akong nakailag.

"Ahhhh du—" hindi ko na natuloy ang sasabihin mo ng may nagsalita sa likod ko. Napatigil tuloy ako sa pag-ilag kaya nasuntok ako nung palaka.

"Pakshet naman oh! Sino ka ba?!" Inis kong tanong sa lalaking epal. Teka nga.. Parang kilala ko 'to ah? Ah! Si Jin!

"Pumunta ka sa likod ng Z.U(Zircon University)."
Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya sumunod nalang ako sa kanya.

Akala ko ba si King yung nagtext?

***

JIN'S POV

Hay.. Salamat, natipon ko na rin sila sa likod ng Z.U.

Buti nalang napakagaling kong hacker kaya nalaman ko ang mga number nila. At sana lang ay mapapayag ko sila sa plano ko.

"Bakit mo kami pinatawag?" -Jimin

"Akala ko si King na ehh." -NamJoon

"Bilisan mo lang dahil may gagawin pa ko.." -Jungkook

"Tumahimik nga muna kayo,pwede ba?" Sabat ko sa kanila.

"Okay, kamusta naman ang mga gang nyo?" Tanong ko. Hindi sila umimik.

"Nag-quit na lahat ng gangmates ko." Seryosong sabi ni Taehyung. Kilala ko silang lahat dito..

***

Mahabang usapan ang naganap dahil kailangan ko pang makuha ang loob nila para makausap ko sila ng matino.

"ANO?!" React nilang anim ng itanong ko sa kanila kung payag ba silang magsama-sama kaming pito sa iisang grupo.

"Nasisiraan kana ba ng ulo?!" -Huseok

"G*go ka ba?!" -NamJoon

Tumayo na ako dahil maggagabi na rin. Di lang ito basta-basta matatapos sa iisang araw lang.


























"PAG-ISIPAN NYO YAN.. KUNG GUSTO NIYONG MAKAGANTI KAY KING.."












Blood Burn[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon