Chapter[8] One for all,All for One

6 0 0
                                    

SOMEONE'S POV

"Boss eto na huling kuha nila sa Boracay." Balita ng gangmate niya sa kanya.

"*smirk* Hmp.. Mag-pakasaya sila habang hindi pa ko gumagawa ng ikasisira nila."

"Anong gagawin mo,Boss?"

"Wag kang chismoso!!" Sigaw niya. Napaatras nalang ang lalaki.

"Tawagin ang lahat!!" Sigaw niya at nagmadali namang tinawag ng lalaki ang mga kasamahan nila.

***

JIN'S POV

"Hyung, libre mo naman ako. Birthday ko naman nung nakaraang buwan ehh." Pangungulit sa'kin ni Ho seok, unfortunately kaklase ko siya..

Hindi lang siya pati sila NamJoon at Yoongi pa.

Parang gusto ko na nga magpapalit na rin ng schedule ehh.

Lagi nalang kasi kaming napapasabak dahil kay Ho Seok at.. Nam Joon.

"Hoy pre!" Rinig kong sigaw ni Nam Joon. Hindi ko nalang sila nilingon at nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa ng libro namin.

Wala na kasi silang inatupag kundi ang kalokohan, ni hindi ko nga nakitaan na may hawak na mga libro yan ehh.

Si Yoongi naman mukhang nagsasarili na naman, one time kasi ay nakita ko siyang nagsusulat ng kanta sa mga notebook niya.

"Uyy! Joke lang naman 'yon ehh, eto kasi si Nam Joon masyadong mapag-biro ehh." Rinig ko namang sabi ni Ho seok kaya nilingon ko na sila.

At halos mapamura ako ng makita kong may apat na lalaki ang nakapalibot sa kanila, malalaki sila kaysa sa'min.

Umentra na ako bago pa mapuruhan sila Ho seok. "Dre.. Pagpasensyahan mo na 'tong dalawang 'to." Sabi ko at tinapik ko yung leader nila sa balikat, siguro yun ang leader nila.. Yun ang pinakamalaki ehh.

"Tang*na ano 'to gag*han?! Puruhan niyo yang mga yan!!" Pagkasigaw niya nun ay tumakbo na kaming tatlo. "Mga siraulo kasi kayo ehh!!" Sigaw ko kila Nam Joon habang tumatakbo kami palayo sa mga mukhang goons na 'yun.

"Ehh si Nam Joon kasi ehh yayabang-yabang yan tuloy nadamay pa tayo,Eomma!!" Sigaw din sa'kin ni Ho Seok, lumingon ako at medyo malapit na sila sa'mim kaya pumunta kami sa mataong lugar.

Napadpad kami sa room namin kaya nagtago ako sa cabinet, sila Nam Joon at Ho Seok naman ay sa likod ng drawer. "Tang*na! Ang babagal nyo kasi ehh! Natakasan tuloy tayo!" Rinig kong sigaw nung leader nila.

"Tara, baka di pa yun nakakalayo!" Sigaw nung isa at narinig ko na ang mga yabag nila palabas.

Sinilip ko muna bago ako lumabas. At nang masigurado ko na ang pinalabas ko na rin sila Nam Joon at sila naman ang hinabol ko, mga bwisit sila muntik pa kong madamay sa katarant*duhan nila ehh!

***

JUNGKOOK'S POV

"Bakit ka napatawag,Hyung?" Tanong ko kay Yoongi-hyung. Minsan lang kasi siya tumawag kaya nagtataka ako.

Sabado naman ngayon kaya wala ako masyadong ginagawa, pero mamayang hapon magkikita-kita kami nila Jimin-hyung at Taehyung.

[Birthday ko ngayon,Jungkook-ah. Punta ka dito sa bahay bilis. Ikaw lang ha? 'Wag kana magsama ng iba dahil inaya ko na sila pero busy sila.] Sabi ni Hyung. Magsasalita pa sana ako kaso nplang naputol na ang linya.

Takte! Birthday pala ni Yoongi-hyung ngayon. Bakit ba kasi nawala sa isip ko ehh!

Atsaka busy? Sila hyung? Imposible yun noh!

Isa-isa ko silang tinawagan at nagulat din sila sa sinabi ko. Kaya naman pala sinabi nilang busy sila ay akala nila nag-aaya lang makipag-inuman si Yoongi-hyung.

Kaya ako na mismo ang gumawa ng plano.

"Oh, mag-ambag kayo para mabilan natin ng handa si Yoongi-hyung." Sabi ni Jimin-hyung. Pinapunta ko sila sa bahay para pagplanuhan 'to.

"Handa? Sino may birthday?" Biglang singit ni JC sa usapan. Epal talaga, tsk!

"Wala!!!" Sigaw ko, sumimangot naman siya. Tang*na bakla ata talaga 'to ehh!

"Bahala na nga lang kayo dyan. Hmp!" Dabog niya at umalis na, pero wala namang may pake sa kanya.

Nagbigay na kami ng tig-200 kay Jimin-hyung dahil siya na ang bahalang bumili ng mga ilulutong pagkain ng Eomma niya.

"Ako naman igagala ko muna si Yoongi-hyung pagkapunta ko sa condo niya. Tapos kayo, tatawagan ko nalang kayo para daanan na rin yung bunsong kapatid at Eomma ni Yoongi-hyung. Gandahan nyo ha?" Sabi ko.

Parang ako na tuloy yung leader hehe..

Nag-hiwa-hiwalay na kami para makapag-handa na rin.

"Oh, buti dumating ka. Tara pasok." Aya ni Hyung pagkadating ko ng condo niya. Pero umiling lang ako.

"Mag-asikaso ka na,hyung. Maggagala muna tayo." Sabi ko, kinunutan niya muna ako ng noo tsaka nagasikaso na siya agad.

Nilibot ko ang tingin ko sa condo ni Hyung. Pakshet! Niiinggit ako ehh..

"Tara na." Rinig kong sabi ni Hyung kaya lumabas na kami.

Dinala ko lang siya sa isang amusement park at imbis na ako ang manlibre sa kanya ay siya pa ang nanlibre sa'kin. Kakaiba talaga 'to si Hyung..

"'Di man lang naalala nila Yassy at Eomma yung birthday ko, Tsk! Siguro busy lang sila." Emote ni Hyung.

Saktong nag-vibrate ang phone ko, tinignan ko ito at si Taehyung pala ang nag-text. Kasama na daw nila yung kapatid at Eomma ni Hyung.

***

NAM JOON'S POV

Sumama na lang ako kay Jimin-ah na bumili ng mga kailangang bilhin.

Siya na ang pumasok sa supermarket. At ako naman ay nahihintay lang dito sa labas. Ayoko kasi dun sa loob ehh.

Nang maramdaman kong may nakatayo sa harapan ko ay nag-angat ako ng ulo at nasalubong ko agad ang kamao ng hayop na sumuntok sakin.

"Tang*na! Sino ba kayo?!" Sigaw ko ng makatayo ako. Pero imbis na sagutin nila ako ay sinuntok nanaman niya ko sa sikmura.

Napahawak tuloy ako dun.

"Pag 'di mo pa binuwag ang walang kwenta mong gang. Sasabog ang ulo ng pamilya niyo." Sabi nung isa bago sila umalis. Kinabahan tuloy ako sa sinabi niya kaya kahit may pasa at may dugo ang mukha ko ang pumunta agad ako sa bahay.

At nang masigurado kong okay lang sila Eomma ay bumalik na agad ako kila Jimin-ah. Kailangan ko din silang masabihan tungkol dito.

***

TAEHYUNG'S POV

"HAPPY BIRTHDAY!!!!!" Sigaw naming lahat ng makarating sila Jungkook at Yoongi-hyung dito sa condo ni hyung.

"Salamat.." Sabi ni Hyung at agad namang yumakap sa kanya si Yassy at ang Eomma niya.

Nagkainan na kami, nagkakwentuhan pa nga dahil ang daldal ng kapatid ni Yoongi-hyung ehh. Tsk!

Napansin kong ang tahimik ata ni Nam Joon-hyung kaya tinabihan ko siya.

NAM JOON'S POV

"One for all, all for one tayo palagi ha?" Yun nalang ang narinig kong sinabi ni Jimin-ah.

Tinignan ko silang anim at ang sasaya nilang tignan.

Parang di ko kayang sabihin sa kanila yung dapat kong sabihin..





















Mga pasaway pa naman 'to, Tsk!

Siguro ito na ang huling pagsasama-sama namin..





























Kailangan ko na talagang buwagin ang gang namin at ang koneksyon ko sa kanila..

Blood Burn[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon