One

4.4K 114 19
                                    

1

"Alam mo, hinihiling ko nalang sana. Na sana hindi nalang ako nagising na sana tuluyan nalang ako bumitaw! Alam mo kung bakit? Kasi hirap na hirap na akong pakisamahan ka!"

.....



.....


.....



.....





....

"Psst! Lalim nang iniisip natin ah?! Hulaan ko yan. Tao ba ito?" kunot noo ng tanong niya sa akin habang nakahawak naman ito sa baba niya na para bang nagiisip talaga.

Nagsmirk lang ako sa kanya bilang sagot.

"Hello! Rina! Galing?! Parang di kita kinakausap ah?!"

"Pwede ba macy? Ang ingay mo din noh?!"

Minsan talaga itong babae nato may konti. Alam mo na...

Parang may naalala ako sa kanya pero hindi ko lang matandaan kung sino siya o? Baka nagha- hallucinate lang ako.

"Tsk! Sungit nito! Alam mo napaka grumpy mo, nakakainis ka!"

"Ang kulit mo kasi."

Macy Samonte. Siya ang nurse ko and at the same time best friend. Hindi ko nga aklain na magkakasundo kaming dalawa dahil hindi ko porte ang maiingay na tao, pero ito na nga naging magkaibigan na din kami.

"Ano naman ba kasi problema mo? Ms. Dela vega."pangungulit niya sa akin habang taas baba ang kilay nito.

Sumandal ako sa bench na kinauupuan namin dalawa.

"Oo nga pala. Tapos na yung therapy mo diba? Bakit hindi ka pa magpasundo?" sabi nito sabay sip sa tetra juice na hawak niya.

"Hindi ko kailangan."mabilis na sagot ko.

"Ayan! Ayan! Umandar naman yang paka tantrum mo?! Bakit ba kasi pilit ka umiiwas sa kanya?"

Tignin ko ito ng masama.

"Oh! Chillax. Nagtatanong lang." sabay taas ng kamay niya.

"Alam mo bumalik kana nga doon sa loob, maraming pasyente ngayon mahabag ka naman." pagtataboy ko sa kanya.

"Oy! Oy! Ms. Seferina dela vega, hindi porque pasenyente kita slash best friend eh. Itataboy mo nalang ako basta basta."

"Macy naman kasi! Ang kulit mo din." sabay pout ko.

"Sige na. Sige na. Handa ako makinig. Umpisahan mo."

Tumingin ako sa kanya ng diretso pero kalaunan binawe ko din at mas tinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga lagam.

Paano ko ba sisimulan?

May nabasa kasi ako, once na may masira kanang tao hindi mo na daw ito magagawang mabuo pa ulit. Parang sa salamin pagnabagsak mo ito maaring mabasag o makalamat diba? Pero parehas mo na sila hindi maayos dahil yung isa wasak na at isa naman kahit ano gawin mo di muna matatanggal ang lamat.

"Macy tingin mo paghumingi ako nangtawad, papatawarin niya ba ako?" tanong ko sa kanya pero ang atensyon ko nakatuon pa din sa mga lagam.

"Oo naman, mahala ka niya eh. Pero siguraduhin mo na hindi ganun kadali." kunot noong napaharap ako sa sinagot niya.

Can We Start Again.. [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon