Messenger

18 0 1
                                    

  Mag-isa lang ako ngayon sa akin kwarto. 11:00 na ng gabi at gising pa rin ako. Hindi ko alam pero hindi ako makatulog eh. Kaya ito ako ngayon, nakababad sa aking FB. Scroll down and hit like lang naman ang ginagawa ko.

   Katamad na sa aking newsfeed kaya.....

(Typing)  creepypastas

   Nakahiligan ko na kasing magbasa dito. Wala lang, interesting kasi. Hahaha.

  Habang nagbabasa ako ng kababalaghan. Yung mga nakakatakot ah, hindi yung iniisip ng ilan dyan. Hahaha.

Eh bigla nalang may lumitaw na ulo at may pulang #1 pa.

    Nakalagay, hi poTsk. Tinanggal ko nalang yung ulong yun sa screen. Hindi ako nage-entertain ng mga ganun eh. Parang tanga.

  Maya-maya, binabalak ko na sanang matulog ng nag-vibrate yung phone ko. Aish!  Pag yun na namang kanina yun, sasapakin ko na yun. As if namang magagawa ko, right?

    Binuksan ko ang phone ko.

Imbes na yung ulo kanina yung lumabas sa screen.  Panibagong chathead naman ang lumabas. At isang pamilyar na pamilyar na mukha ang nakita ko.

   Bumilis ang tibok ng puso ko, kinabahan ako and at the same time di ko alam ang gagawin. Okay, alam ko naman talaga. Pero di ako magaling sa mga ganitong bagay. As if namang magagawa ko 'to sa personal?

  Hi

Yung lang naman ang nakalagay pero apektado na ako. Syempre, si Crush eh.

                              Uhm, hello?

Ita-type ko sana 'bakit' pero parang ang rude. Chance ko na ring makausap si Crush, kahit sa Messenger lang sapat na.

Tanong ko lang
sana kung may
assign?

Futa. Nawala ang ngiti ko at feeling ko gumuho na mundo ko. Gusto ko ng sampalin ang sarili ko dahil sa pagiging assuming. Ayan ang napapala ko eh.

                      Ah, yung sa AP
                   lang, pp 184.

Ah geh. Salamat.

   At dun nagtatapos ang lahat. Wow ha! Ngayon hindi na naman ako makatulog dahil naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko. Kung sakali pang may nakakita sa akin, mapapahiya at magmumukhang tanga. Atleast, dito lang ako sa kwarto ko.

Panibagong mukha na naman ang lumitaw sa aking screen. Bakit ang dami atang gustong makipag-chat sa akin? Dati nga ni-isa wala. Pero ayos lang naman sa akin yun, di ako mahilig makipag-chat. Boring kasi akong kausap eh. Tapos ngayon, sunod-sunod?
   

Hey, gising ka pa
rin? Pangit ka na
nga, nagpupuyat
ka pa, lalo kang
papangit. Haha :D

Bwisit 'tong lalaking 'to. Lagi na nga akong inaasar at binibwisit sa school. Pati pa naman sa messenger?

                          Oh eh bakit ikaw gising ka pa? Ikaw lang ba may karapatan na gising ng ganitong oras?
Ps. Mas pangit ka sa akin.

Messenger [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon