Chapter 1

4 0 0
                                    


Sa set. Thursday. 4pm. Batangas.

"Okay guys! Pack up na! Let's call it a day!" Sigaw ni Perry sa kanyang staff. Managing director ito ng kanyang sariling business, ang Perry's Precious Moments, isang event organizing and photography studio. That was one of the biggest project she had a deal with at natapos nang maayos and ahead of deadline ang shooting. Busy na ang lahat sa pagliligpit ng gamit nang nagsalita si Divine, ang Secretary at PA ni Perry.

"Miss Perry, I received a call from Mr. Ignacio. Resched daw ang event natin sa kanya, supposed to be on Saturday and will be moved on Wednesday na lang daw. Bad news or good news?" Ani Divine na nakatingin sa kanyang journal.

"Great news! Call Mr. Ignacio and tell him we'll do the event on Wednesday." Ngumiti si Perry, saka nagsalita muli sa kanyang mga tauhan. "Guys, event on Saturday was rescheduled on Wednesday. Work resumes on Tuesday. Long weekend for all of us!" Nagsigawan sa tuwa ang mga staff. At last, they will get a decent sleep and sound rest. Dalawang linggo rin nilang pinaghandaan ang event na iyon sa Batangas, aside from the other projects they are also working on. And the announcement of a long weekend is one of the greatest things they long to hear. Nagpasalamat naman nang taos- puso ang staff.

"So Ma'am, walang pasok bukas? Friday?" tanong ni Mang Andres, isa sa kanilang driver.

"Opo Mang Andres. Pahinga po tayong lahat at panahon po para sa pamilya."

"Naku salamat po Ma'am. Birthday nga ng bunso ko bukas, eh, gusto niya ay makasama ako. Salamat po."

"Naku, mabuti na lang Mang Andres. Salamat din po sa inyo. Talaga naman pong saludo ako sa sipag at tiyaga niyo sa amin, kahit saan at kahit hanggang anong oras eh hinihintay niyo kaming matapos. Salamat po talaga."

"Ma'am naman.. Trabaho ko po iyon bilang driver ninyo."

"Sige po. Heto po, happy birthday na lang po sa bunso ninyo." Inabutan ni Perry si Mang Andres ng isang maliit na sobre at isang regalo. Alam kasi ni Perry ang kaarawan ng mga empleyado niya at ng pamilya ng mga ito kaya lagi siyang may dalang mga panregalo kahit saan.

"Naku, salamat po Ma'am. Ang bait niyo talaga. Matutuwa ho ang anak ko dito. God bless po ng marami." Natuwa at halos maluha ang matanda sa ibinigay ni Perri.

Ngumiti na lamang si Perry sa matanda. Malapit talaga ang loob ni Perry kay Mang Andres. Parang ama na ang turing nito sa matanda. Halos lahat ng staff ay anak ang turing niya sa mga ito kaya't inaalagan din siya ng mga ito. Siya namang pagdating ni Divine, sumesenyas sa handphone na hawak nito. Mommy niyo po. Sabay abot sa kanya ng phone.

"Hello, Nay." Bungad ni Perry sa ina.

"Anak, Perregrine. Bakit naman di mo sinasagot ang telepono mo, anak? Kanina pa ako tumatawag sa iyo. Busy ka ba masyado ha,anak?" Mabilis na sagot ng ina nito. Parang armalite ang bibig ng ginang na siya namang likas sa kanya.

"Nay,oho, busy lang ho. Malaking project po kasi itong tinapos namin. Bakit nga po pala kayo napatawag?" tanong nito.

"Anak, nakauwi na ang Ninang Tessa mo galing London noong isang linggo. Ikakasal ang anak niya, si Charity. Kinuha ka bilang maid of honor sa kasal. Dito sa Laguna gaganapin, sa townhouse nila." Tuwang- tuwang balita nito sa kanya.

"Ha? Ano po? Maid of honor?Ako? Bakit po ako? Nay, bakit naman umo- o kayo nang di man lang ako tinatanong?"

"Eh anak, ang Ninang Tessa mo naman ang pumili sa iyo. At saka di ba, magkaibigan naman kayo ni Charity? Kaklase mo nga siya since elementary hanggang high school. Ano ba namang masama na mag- abay ka sa kasal niya? Wala namang iba. Kinakapatid mo kaya un."

Behind Those Lens (Tentative Title)Where stories live. Discover now