Chapter 1

17 4 4
                                    

Ayesha's POV

"Ang gwapo gwapo talaga ni Louis" sabi ko Loraine ng nakatingin lang ako kay Louis.


"Tsss. Suplado naman kala mo kung sino di naman ganon kagwapo matalino lang" inis na sabi naman  ni Loraine.


"Hoyyyy ang gwapo kaya ni fafa louis" singit naman ni Inna.


"Anong fafa fafa akin lang si louis noh" sabi ko naman pano kasi bat kelangan pa niya sabihin yung fafa na yun eh AKIN lang yun. Hehe.


"Pwede ba tigilan niyo na yang pagtatalo na yan ng dahil lang diyan sa louis ek ek na yan. Tssss." Masungit na sabi naman  ni Janna. Hay naku ayan ang pinaka masungit saming magkakaibigan.


"Tsss ingit lang kayo kasi ako may crush kayo wala" pang aasar ko sakanila at di ko inaasahang nakatanggap ako ng batok nila. Grabe ha NILA ibig sabihin LIMA silang nangbatok sakin.


"Aray ha! Makabatok naman kayo... pwede namang yung isa nalang bakit kayong lima pa
Huhuhu. Paano nalang yung head ko kapag nagkabukol baka di na ko pansinis ni Louis ko" sabi ko sakanila.



Nagtaka naman ako sakanila ng tingnan nila ako or? Tinititigan? Eh?.


"Oh bakit ganyan kayo makatingin?" Takhang tanong ko sakanilang lima. weird nila ha.


"Correction lang Ayesha ha. Ikaw? Baka hindi ka na pansinin ng ultimate crush mo since highschool pa? Haha. Sino niloko mo aber? Wag kami" sabi sakin ni Janna. Sakit talaga magsalita nito huhuhu.


"Oo nga girl wag kami, ikaw pinansin ka na ba ni Louis ha? Makapagsalita ka dyan akala mo pinapansin ka talaga hahaha! Peace sis labyu!" Huhuhu. Isa pa tong si Loraine eh.


"Grabe naman kayo! Imbis na bigyan nyo nalang ako ng mga advices or what eh nilalait nyo pako! At kailangan ba talagang ipamuka saakin yun?" Mangiyak ngiyak kong sabi sakanila. Oo nga pala kung iniisip nyo magaaway na kami or may inis sakin yung mga kabigan ko, wala ganyan lang lambingan namin at sanay na kami sa isa't isa no. Eh sa iisang bahay ba naman kami nakatira.


"Hay nako Ayesha. Ito lang ang maipapayo ko sayo. Hindi sa lahat ng oras ay nasa kanya lang ang lahat ng atensyon mo at lalo na kung ayaw sayo nito ay wag mo ng ipagsiksikan pa ang sarili mo sa isang tao na pinagkakatulakan ka na nga sige ka parin ng sige at higit sa lahat, TANDAAN MO IKAW MISMO ANG NANANAKIT DYAN SA PUSO MO" seryosong sabi sakin ni Inna at actually nakatulala lang kaming lima sa sinabi nya sakin dahil sapul na sapul ako dun eh.


"Ikaw ba talaga yan Inna?" Walang emosyong tanong ni Loraine kay Inna.


"Haha. Oo naman no at bakit ba ganyan mga itsura nyo ha? Tama naman yung pinayo ko kay Ayesha eh at nagseryoso na nga ako eh kasi puro mga non sense mga sinasabi nyo" sabi naman ni  Inna sa apat hehe bait talaga ni Inna.


"Eh? Grabe ka naman maka non sense samin. huhuhu eh pinapatawa lang naman namin si Ayesha eh" aniya ni Loraine haha.


"Oo nga eh para sumaya man lang sya" singit ni Janna. nga pala ang pinaka seryoso sa lahat ng bagay ay si Inna.


"Ang tanong... natawa ba sya? Eh diba kayo lang tumawa?" Boom! Hahaha galing talaga ni Inna haha mga nagpout lang sila. Ok. Hindi po kami nagaaway ha. ganito lang talaga kami.


"Haha! Ok tama na yan. kanina pa uwian oh tara na napagod din ako sa dami ng gimawa natin hayyy" singit ko. At ayun nga sabay sabay kaming tumayo at nagpunta sa parking lot at nagsisakayan sa mga kanya kanyang kotse ng makita ko ang familliar na likod at pagharap nya biglang nagtama ang mga mata namin at syempre itong puso ko as in super bilis ng tibok ng puso ko pero sandali lang iyon dahil may hinihintay pala sya at ang masakit pa duon babae at bigla silang naghalikan at pinagbuksan pa nya ng pinto yung babae at ang saya saya nila dahil ngayon ko lang nakita sya ngumiti ng ganun.


Masaya ako dahil nakita ko syang ganun ngumiti pero mas nangingibabaw yung inggit,sakit,selos dahil iba ang dahilan kung bakit sya ngumiti ng ganun.


"Ayesha, ok ka lang ba? napuwing ka ata oh" sabi sakin ni Inna na kaming dalawa nalang pala ang nandito at baka nauuna yung apat. At shete! Di ko namalayang tumulo na yung mga luha ko.


"A-ahhh hehehe oo n-napuwing nga ako. T-tara na wala na sila oh" pagiiba ko ng topic pero alam kong sinabi lang nya yun na napuwing ako pero alam nya naman talaga ang dahilan.


Sumakay na ko sa kotse ni Inna at nagsimula na itong umandar.


Minsan nga iniisip ko na mapapansin pa kaya ako ni Louis? May pag asa pa bamg maging kami kahit na parang imposible? Pero malay natin diba dahil sabi nga ni Ezekiel Rosewell ay " THEN MAKE IT POSIBLE".

----------------

Possible KissWhere stories live. Discover now