Chapter 3

483 17 2
                                        

                                              WEIRD SILA :D

Tiffany

TAMA BA TONG NANGYAYARING TO? HINALIKAN BA AKO NI LUHAN? TOTOO BA TO. JUSMEYO!

Tinulak ko si Luhan. Nagulat ako kasi hinalikan niya ako. Alam kong galit siya sakin. Pero hindi naman niya gagawin to eh. Alam kong hindi niya kaya. Pero bakit ganito? Bigla nalang niya ako hahalikan. Bakla ka. :( First kiss ko yun. 

Hindi ko kayang saktan si Luhan. Kaya hindi ko siya sinampal. Hindi ko siya kayang saktan. Tumulo na pala ang luha ko ng hindi ko namamalayan.

"Ti-tiffany.. I'm so sorry. Hindi ko sinasadya."

Hindi ako sumagot. Umalis na ako sa office niya. Tumakbo ako ng mabilis para hindi niya ako sundan. Ang big deal nito sakin. T.T Bakla si Luhan. Pero dapat diba wala lang to sakin? Bukod don bestfriend ko naman siya. Hindi ko lang inexpect na mangyayari.

Hindi muna ako uuwi sa condo namin ni Luhan. Kila Taeyeon muna ako. Hindi ko siya kayang harapin dahil sa lintik na halik na yun. -____-

= =

Luhan

Ang gaga mo talaga Hannie. Bakit hinalikan mo si Tiffany. -____- Alam kong galit ako sa kanya. Hindi ko alam. Bigla ko nalang siya hinalikan. Dapat si Hunnie bebe ang hinalikan mo. Hindi kapwa babae mo. Nagkakasala ako sa Dyosa ng kabaklaan. Oh my. Pero hindi ko alam tong pakiramdam na to. Nung hinalikan ko siya, para bang ang sweet hmm. Lalo when she kisses me back. YAH Baklita! Anong bang iniisip mo. /Sinabunutan ang sarili/ Remember girl ka. GULL KA. 

Nag sorry ako kay Tiff pero hindi niya ako pinansin. At umalis na siya. Nagalit siya sa ginawa ko. Panigurado hindi uuwi yun samin. Ganon naman yun pag nag aaway kami.

Uuwi na ako ng condo ko. Pero sisilay muna ako kay Hunnie baby ko. Sakto Pauwi na din siya. Hihih. Konting shembot muna Luhannie. Kunwari wala nalang nangyari sa inyo ni Tiffany. T.T

"Hi Hunnie. Pauwi kana? Sabay tayo." Sabi ko tapos humawak na ako sa braso niya.

"Sige po. Asan pala si Tiffany ma'am? Hindi ata kayo mag kasabay." TAPOS ITO! TIFFANY NANAMAN! Jusko isa pa. Hahalikan din kita bebe. Pinagseselos mo nanaman ako eh.

"Nauna na siya eh. Tara na nga bebe." Hinila ko ang kamay niya. At umuwi na kami.

Nandito na ako sa condo. Tama nga. Wala si Tiffany. T>T Ako lang mag isa. Aaminin ko. Takot ako mag isa. Kaya nga kasama ko siya. Pumasok na ako ng kwarto ko. Tinatamad ako mag wash up. Kaya nag palit nalang ako ng damit at humiga. 

Tiffany.. I'm sorry. Namimiss agad kita sister. T__T

Papasok kaya siya bukas? Hmm.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako ng 5AM. Nagtungo ako sa kusina para mag umagahan. Pupunta dapat ako sa kwarto ni Tiffany. Kaso naalala ko. Wala nga pala siya. :( Pumasok pa din ako nagulat ako nakita ko siya. Natutulog yakap yakap ang higanting teddy bear na binigay ko sa kanya noong birthday niya.

Nilapitan ko siya at pinagmasdan ko habang malalim na natutulog siya.

*DUGDUGDUGDUGDUGDGU*

Ito nanaman ang pakiramdam na to. Hinakawan ko ang dibdib ko. Mamatay na ba ako lord? T.T Bakit ganito nanaman ang nararamdaman ko. Hinawakan ko ang muka niya at hinaplos ang buhok niyang napaka haba. 

*DUGDUGDUGDUGDUGDUG*

Ito nanaman! T.T

Ayoko na nga. Lumabas na ako sa kwarto niya at nagtungo na sa Ketchain. 

Kumuha ako ng cereal at gatas. 

Umupo ako sa sofa at binuksan ko ang TV. Nakatitig lang ako sa screen. Biglang nag flash sakin ang muka ni Tiffany.

*DUGDUGDUGDUGDUGDUG*

T_____T Lord bakit niyo po ba ginagawa sa akin ito? Kung nag babalak po kayong kunin ako wag po muna. T.T Huhubellz. 

"LUHAN DIBA BABAE KA? Honey is you name. You're pretty and gorgeous." Sabi ko sa sarili ko. Hindi ko naisip na sinabi ko bigla yun. Jusmeyo. Ano bang nangyayari sakin. Naguguluhan na ako.

= =

Nauna na ako sa restaurant. Hinihiling ko na sana kausapin ako ni Tiffany. Alam kong galit padin sa akin yun. Pero bakit ganito? Hindi ko pinagsisisihan na hinalikan ko siya. Ito nanaman ang tomboy ng peg ko. Eww.

Nag tungo na ako sa office room ko. Biglang pumasok si Tiffany at inabot sakin yung maliit na Lunch box.

"Oh. Kainin mo yan." Pag ka abot niya sabay labas na siya sa office ko. 

O____________________O

Hindi siya galit? Yeheeeey. Yuck Hannie. Ang tomboy mo. -_- 

Binuksan ko yung Lunch box. OMG MY FAVORITEEEEE!

Pansit na puti tapos madaming egg sa ibabaw. <33

Kinain ko na ito na para bang walang bukas. Alam na alam talaga ni Tiffany ang taste ko sa pagkain. Hihihi. We're sisters right. XD

Kaso nag tataka ako. Kasi parang hindi siya galit sakin. Tapos ito binigyan niya pa ako ng favorite kong pagkain. 

o_________O

= =

Tiffany

Pag kagising ko agad. Ipinagluto ko si Luhan ng favorite niya. Hindi ko alam kung anong ispirito tong sumapi sakin at ginawa ko to.

Kagabi nung nakila Taeyeon ako. Na-realize ko na hindi ko kayang iwanan ang bestfriend ko don. Mamaya niyan marape pa yun. Kunsensya ko pa. Tsaka yung kiss na yun. -________- Ayoko ng isipin litsi. Inasar pa tuloy ako ni Taeyeon nung kinuwento ko yun. Nakakainis.

Hindi ko kayang magalit kay Luhan ng matagal. Siguro yung away namin dati hindi umabot ng isang araw. Kinagabihan lang ayos na agad kami. Dahil matataas ang pride ng bakla. Ako unang nagsosorry.

Yung ginawa kong pag kain. Peace offering yun. :D 

Weird noh? Hindi ko din alam kung bakit ko ginawa yun eh. >__<

Pag kaabot ko nung lunch box. Umuwi na ulit ako sa condo namin. Hindi ko alam pero masama ang pakiramdam ko. Medyo may sinat ako. Kaya nag pasya akong umuwi nalang at mag pahinga. Kesa mag kalat ako ng virus dito.

Andito na ako sa condo. At humilata na sa kama ko. Ay oo. Mag papaalam pala ako kay Luhan. Duh. Siya lang kasi ang boss ko. Kinuha ko ang cellphone ko at Tinext ko siya.

TO:Luhan

Hannie, hindi muna ako papasok ha? Masama kasi ang pakiramdam ko.

Nag reply naman siya. At gaya nga ng ineexpect ko. 

From; Luhan

SISSY OMG! AYOS KA LANG BA? ANONG NARARAMDAMAN MO? UWI AKO DIYAN. GUSTO MO DALHIN KITA SA DOCTOR?!

ANG OA Talaga niya. -_____-

TO: Luhan

Hoy! Wag kang oa ha. Okay lang ako. Itutulog ko lang to. Wait ha. Matutulog na talaga ako. 

At ayun nakatulog na nga ako. ; - ;

= = = = = 

To be continue. 

(A/N)

HELLO READERS. ; ; PASENSYA NA HINDI MASYADO NAKAKAPAG UPDATE. AYAW MAG FUNCTION NG UTAK KO. JUSKO. 

SO ANO NA TONG KAGULUHAN NA TO HAHAHAHA. NAG UUMPISA NA ANG ANO. :D ALAM NIYO NA YUN. HAHAHAHA.

LABYUUUUUU. XX

A gay turns to manlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon