Miles Away

116 7 1
                                    

Malayo man tayo sa isa't isa,
Hindi naman kita ibabalewala.
Malayo man tayong dalawa,
Puso ko naman ay iyong-iyo na.

Kahit matagal kitang hihintayin,
Isa lang naman ang aking hihilingin.
Ang magtagpo ang mga landas natin,
At masabi sa iyong nais kitang maging akin.

Sa panaginip ko ay naroon ka.
Sa isip ko'y nakikita kita.
Bawat kilos at galaw ko'y mukha mo ang nakikita.
Gustong-gustong halikan ang labi mong nag-iisa.

Malayo man tayo ngayon,
Magbibilang man ako ng maraming buwan,
O maghintay ng maraming taon,
Ikaw at ikaw pa rin sa takdang panahon.

Dedicated To YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon