Chapter 4.2
Noone’s POV
Nandun si Gian at Gino sa sala. Nagbabasa si Gino at si Gian naman nakatingin lang sa labas.
“Asan na kaya si Tintin? Di ba naligaw yun? Ginabi na siya ah!” Tita Chinz
Nakita ni Tita Chinz si Gian.
“Gian! Hindi mo ba siya hinintay? Baka mapano na yun!” Tita Chinz
“Malaki na yun, kaya niya na mag-isa.” Gian
Tumingin na lang ulit siya sa labas.
Tintin’s POV
Naglakad na lang ako pauwi.
Tapos may nakasalubong akong manong.
Pumunta ako sa kanan, pumunta rin siya sa kanan.
Kapag sa kaliwa, pumunta rin siya sa kaliwa.
PUTEK NA YAN!
“Kuya, nakikipaglaro ka ba sakin ng patintero?” Tin
Tapos umabante ako tapos napa atras ulit. Ang bilis niya eh.
Natanggal yung sapatos ko.
Kinuha niya yung isang sapatos ko. WAAAAAAAAH!
Tapos tumakbo siya.
Tokwa! Anong klaseng takbo yan?
Mukha kaming nuno na tumatakbo eh.
Hanggang sa nalibot na namin yung street…
“Ahjussi, suko na ko. Ano ba gusto mong gawin ko?” Tin
“Tumingin ka lang sakin at bubuksan ko to.” Kuyang Weird na Pervert
OMO?! ANO DAW?! Naka shades kasi siya tapos naka coat….
DEADS!
“Ehh….O sige sige!” Tin
Para sa sapatos na kakabigay lang sakin ni Tita Chinz, lahat gagawin ko!
“1…2…” Kuya
“Teka teka teka! Maghahanda muna ako!” Tin
“Sige sige, alam ko namang kelangan mo munang maghanda eh” Kuyang Weird at Perv
OMO! Kapag binuksan niya yung coat niya, edi kita yung ano niya….
O_____________________O
Inhale. Exhale.
“Sige!” Tin
“walang pikitan ah!” Kuyang weird
“Oo na! Oo na!” Tin
“1..” Kuya
Gulp
“2...” Kuya
Lunok laway
“3!” Kuya
At biglang may nagtakip ng mga mata ko at napaturn around na lang ako.
Si Gian, ang nagtakip ng mga mata ko? EHH?!
(A/N: So ang nangyari is nakabukas na yung coat ni Kuyang weird edi syempre kita yung ano niya, tapos sa chest niya may nakadrawing na red heart, si Gian ang nakakita sa kanya, tapos unti unti niyang sinara ang coat at tumakbo.)
Tapos bigla na lang siyang tumakbo…si Gian…
No one’s POV
Hinabol ni Gian si Kuyang weird.
Si Kuyang weird naman na tatanga tanga kaya natapilok siya.
Tapos nasa harapan niya si Gian.
“Sorry Teacher! Di na talaga mauulit!” Kuya
“Dapat lang! Kung hindi ipapapulis kita!” Gian
“Wag po! May pamilya ako, maawa naman po kayo sakin.” Kuya
“Sige na, umuwi ka na!” Gian
At tumayo ang lalaki at nagbow. 90 degrees! Chuchal si kuya! Straight!
“Yes! Teacher!” Kuya
At tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.
Biglang kinuha ni Gian yung kwelyo niya kaya napaupo siya sa sahig at inayos yung coat niya, baka may makakita ng ano niya eh.
Kinuha ni Gian yung damit niya at tinayo siya.
Tapos kinapkapan at nakita niya yung isang sapatos ni Tin.
“Hindi mo naman siguro to kailangan diba?” Gian
Sabay pakita kay Kuya yung sapatos.
“No teacher” Kuya
“Sige, umuwi ka na! Sa bahay niyo ah!” Gian
“Yes teacher!” Kuya
Nag bow ulit siya tapos umalis na.
Si Gian naman bumalik dun at nakita si Tintin na nakasandal sa pader.
Tintin’s POV
OMO!
Paparating na siya!
Mukha naman akong engot nito.
Nakapatong lang yung isa kong paa sa isa kong paa.
Pero sabagay, engot naman talaga ako.
MUAHAHAHAHAHA!
Tapos nilagay niya yung sapatos ko sa tabi ng sapatos
Amp! Parang hinagis lang! Walang effort ah!
Tapos sinuot ko na.
“Gian, sinundo mo ba ko kasi nag aalala ka sakin?” Tin
Oo na! Feelingera na kung feelingera!
“Hindi noh. Feeling mo! Bumili ako nito noh” Gian
Sabay pakita ng plastic bag.
Naglakad kami.
“Oy! Mukang masarap yan ah! Penge naman!” Tin
Napatigil siya at tiningnan ako, napatigil rin ako syempre, napatahimik tuloy ako.
“Aish! Ang taba taba mo na nga eh! Kumuha ka na lang!” Gian
Tapos kumuha ako.
Yay! Pagkain galing sa kanya, OMO!
“Aww!” Tin
Anu ba yan, sa sobrang titig ko sa pagkain nabunggo ako sa nakapark na sasakyan.
“Wag ka kasing tatanga tanga! Tumingin ka sa dinadaanan mo!” Gian
“Sorry naman Almighty the Perfect Gian Lazaro ha?! Ang tanga ko kasi eh, SORRY PO!” Tin
“Sorry. Tch. Hindi nakakagaling yan ng katangahan.” Gian