Chapter 10
Morning.
Tulog na tulog si Tintin na hawak hawak si Tamtam. Yung stuffed toy niya.
Tulo laway pa oh. Jusmiyo!
Pumasok si Tita Chinz sa kwarto niya habang dala dala niya ang mga damit ni Tintin.
Nilagay niya muna yung mga damit ni Tintin sa desk.
Inayos niya na yung kurtina para lumiwanag sa kwarto.
Pagkatapos may kinuha siya.
Yung picture nila Tin at Gian nung nakatulog sa table nung nagrereview siya!
Inisip muna ni Tita Chinz kung gigisingin niya si Tin.
Nakita niya ang himbing ng tulog at tulo laway pa. Natawa nalang siya.
Buti hindi siya naiirita kay Tintin?
Nakita niya yung books ni Tintin kaya pumunta siya dun at inipit niya yung picture dun sa book.
Pagkatapos nun pumunta siya sa bedside at nagising si Tin
Tin’s POV
Nagising na lang ako ng nakatingin sakin si Tita Chinz.
OH GAHD!
OUCH! Sakit ng ulo ko. T_T
Tumayo kagad ako at inayos ayos ko yung buhok ko habang nagsasalita at nagbobow.
“Sorry Tita Chinz napasobra po ata yung pagtulog ko. Sorry po talaga!” Tin
Tapos ngumiti siya sakin
“Ano ka ba, ok lang no! At may corn soup para sa hangover mo” Tita Chinz
Kahit kelan ang bait talaga niya sakin pati si Tito Drew.
San kaya nagmana sila Gian at Gino?
MUAHAHAHA!
I iz evil. I iz knowing it! >:D<
“Eto na nga pala yung mga damit mo ah. Bumaba ka na para mag breakfast. Baba na ko ah? May aasikasuhin pa ko eh” Tita Chinz
“Ah sige po, salamat po talaga!” Tin
Sabay alis na siya.
Wew! Ikaw talagang Tintin ka! Tulog mantika! =_____=
Pumunta na ko sa harap ng salamin, dun sa parang dresser?
Basta table siya na pwede mong lagyan ng mga make up, brush at kung anu ano pa.
Nagsuklay ako tapos naalala ko yung sinabi ni Gian.
“Tingin ko hindi mo mapapalaki ng maayos yung anak mo sa future” Gian
WAAAAAAAAAAAAAAAAAH!
ASDFGHJKL!
Yung lalaking yuuuuun! Grrrr…
Hindi naman kasi ganong ano eh…ung flat…uhh…
OO NA! AKO NA FLATSCREEN! AMP!
Napatingin ako sa mga damit na nilagay dito ni Tita Chinz…yung medyas! HAHAHAHAHA.
Great Idea Tintin! Bravo!
MUAHAHAHA. d(^o^)b
Naka tshirt ako na plain white sa loob sa labas naman naka spaghetti strap na checkered na red.
O’Ryt!
Ngayon….hindi na siya FLAT! MUAHAHAHAHAHA! >:)))
***
Pumunta na ko sa garden, nandun sila Tita Chinz at ang Lazaro Bros.
“Oh! Tintin! Upo ka dito oh” Tita Chinz
“Ah, sige po” Tin sabay upo.
Si Gian nagbabasa ng newspaper habang kumakain ng toasted bread
Si Gino naman nag Ju-jumping rope.
Pansin ko nahihirapan siya.
Eto talagang batang to! Hindi marunong! Tsk tsk!
“Gino-ya, Hindi ka ba marunong maglaro niyan?” Tin
Tumingin siya sakin tapos iniwas niya kagad yung tingin niya.
Sus! Alam ko namang hindi siya marunong eh!
Tumayo ako tapos pumunta sa kanya.
“Pwedeng pahiram?” Tin
Hindi niya ko tinitingnan pero binigay niya sakin yung jumping rope at umupo.
“Ganito lang yan.” Tin
At in-start ko ng mag jump jump jump.
“Ohh…Tingnan mo Gian si Tintin oh! Ang galing niya sa jumping rope!” Tita Chinz
Sabay tumingin sakin si Gian, pinagmamasdan na nila kong 3.
*talon talon*
Tapos nagcross pa ko, o ha?!
Pagkatapos nun, tinapos ko na.
“Grabe Tin! Ang galing mo talaga!” Tita Chinz
“Hindi naman po, hehehe” Tin
Tapos nagtawanan na kami.
“Teka,” Gian
Napatingin naman kaming 3 kay Gian
“San nanggaling yung medyas na yun?” Gian
Sabay turo niya sa…medyas sa sahig.
O.
M.
G.
Napahawak ako sa left chest ko.
Jusmiyo Marimar!
Kukunin na niya sana ng….
“WAAAAAAAAAAAAAAAGGGGG!” Tin
At nagdive ako sa sahig para kunin yung medyas.
ANG EPIC FAIL KO TALAGAAAAAAAAAA! (_ _”) TT____TT