Lucas' First Love

4.1K 144 15
                                    

Lucas' POV

Nahanap ko na nga si Leiza.

Oo, nahanap ko na ang babaeng dapat kong makasama habambuhay.

Tama siya, bakit pa kasi naging pa vampire ako.? Ganito na ako simula noong pinanganak ako eh. Vampires rin ang mga magulang ko.

Halatang halata ang bakas sa kanyang mukha ang pagkatakot sa aking itsura...Iniisip niya siguro na anumang oras ay pwede kong kunin ang buhay niya.

Napayuko na lamang ako sa kanyang sinabi na iyon.

Nawala ang masigla kong Aura at mga ngiti sa aking labi.

"L-Lucas, b-bakit ka umiiyak...?" tanong ni Leiza sa akin...

Agad ko namang inangat ang aking mukha at tiningnan siya muli sa kanyang kumikislap na mga mata... Napakaganda talaga niya. Isa siyang Dyosa para sa akin. Di hamak maraming mga lalake ang magkakandarapa sa kanyang angking kagandahan.

May alindog siya sa bawat kilos niya. Hayyy... Leiza, bakit ayaw mo sa akin..? :'(

"Leiza,.....simula nang araw na nasilayan ko ang iyong maganda at napakaamong mukha, sinabi ko sa sarili ko na hindi ka dapat sinayang ni Boris..Simula din sa araw na iyon mismo, umalis ako agad sa bahay ng manghuhula para simulan kang hanapin... Kahit tirik na tirik ang araw sa City, hinahanap kita. Palipat lipat ako ng tirahan mahanap ka lang. Etong sing-sing na toh, malaki ang tulong neto saken sa paghahanap ko sayo. Pinoproteksyunan ako neto laban sa sikat ng araw na siyang pumapatay at sumusunog sa akin..At ngayong gabi, hindi ako nagkamaling naririto ko nga. Nararamdaman ko kasing malungkot ka na naman. Alam mo ba, kung malungkot ka, NALULUNGKOT RIN AKO..?" sabi ko sa kanya...

May namumuo namang butil ng mga luha sa kanyang mga mata... bago pa man ito tumulo, agad ko itong pinunasan..

"At alam mo bang nasasaktan ako pag nakikita kitang umiiyak...?" sa sinabe kong ito, lalo na lamang napahagulhol sa pag-iyak si Leiza.

Hindi ko alam anong gagawin ko. Ayaw kong sumuko sa nararamdaman ko para sa kanya ngayon.  Ngayon pa'y nakita ko na talaga siya, bakit susuko nalang ako diba..? Hindi ako papayag na mapunta ulit siya sa gagong si Boris.!!!

Mr. Vampire meets Ms. Lonely(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon