KAMUSTA CRUSH MO?

110 2 0
                                    

I

Malapit na ang pasukan. Magkakaroon na naman ako ng baon. Nakakapagod talaga ang magbakasyon ng halos tatlong buwan na nasa bahay lang. Wala rin naman akong magagawa dahil isa lang akong PAL-PALAMUNIN nang parents ko. Kaya buong bakasyon ay nasa bahay lang ako nakatunganga sa TV or sa computer, kung hindi naman tinititigan ko lang cellphone ko sa pagbabakasakaling maging iPhone 5S bigla buhat sa kakatitig ko. Pero, nada! Wala eh.  Nakakaumay lang ang ganitong bakasyon! Hindi sa sinasabing wala akong ginagawa sa bahay, naglilinis din naman ako, namamalantsa, nanglalaba, nagluluto at naghuhugas ng plato. Pero, saglit lang naman yan lahat kung gagawin mo ng maayos.

Haaaayyy! Gusto ko ng mag-aral! Gusto ko ng gumala at makipagchikahan sa mga close friends ko.

 Tatlong araw nalang at pasukan na. Nakahiga ako sa sofa namin sa sala, since ako lang naman ang nasa bahay pag weekdays. Both parents ko kasi nagtatrabaho, kuya ko naman busy-busyhan din sa basketball niya. At dahil ako ang bunso at nag-iisang babae sa pamilya, dapat na dapat lang daw na nasa bahay lang ako. Kaya heto, nakatulala sa bahay. Nasa gitna ako ng aking "pagmumuni-muni" ng biglang tunog cellphone ko.

Beep.

1 new message

Open Message.

From:

Athena Quizon

(0922*********)

Bakla! Mag-OL ka pls. Sa Fb ha? May chika ako sayu. :)

Okay, first, di ako bakla. Ganyan lang talaga ang tawag ni Athena sa akin. We've been close friends since highschool and surprisingly--- we ended up wuth the same university in college! WHAAATTT? Hindi, pinag-usapan talaga namin kung anong university kami mag-aaral pati course na kukunin namin. Kaya di lang parehas ang school namin, pati ang course at schedule parehas kami. Kamusta naman ang pagiging inseparable namin? Wagas lang di ba?

To: Athena Quizon

(0922*********)

For what? Text nalang kasi. Nakakatamad bumangon! :p

From:

Athena Quizon

(0922*********)

NAKAKATAMAD BUMANGON? HOOOYYY, MARIA KRISTINA ORTEGA! ANONG KLASENG KATAMARAN NA NAMAN YANG DUMAPO SAYO?! PATI BA NAMAN ANG MAG-OL AY NAKAKAPAGOD NA? NAHIYA NAMAN AKO!  #CapslockParaIntense! :3

To: Athena Quizon

(0922*********)

Nasira na naman ba ang cellphone mo at puro capital letters ang naiitatype mo? xP

Atheenaaa, lubayan mo muna nako at akoy nagpapakasasa sa aking bakasyon.

From:

Athena Quizon

(0922*********)

So, ganun? Ikaw lang pala ang nagbabakasyon ngayon? Pwede ba Maria! Bumangon ka na dyan!!!! >.<

To: Athena Quizon

(0922*********)

Eto na. Chill my friend. Baka nausok na ilong mo ngayon, kasalanan ko pa. :)

From:

Athena Quizon

(0922*********)

Okioki.:D FB ka na!

Ganun lang naman ako kadaling kausapin. Hindi ko ba alam kung bakit pinagmamadali ako ni Athena na mag-online. Palagi naman kaming magkachat or magkatext. Di ko alam kung anong importante ang nasa Facebook ngayon. Dapat ko nang matuklasan ang misteryong ito nang matapos na!

KAMUSTA CRUSH MO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon