Chapter 9 part 1

30 3 4
                                    

IX

Parang hangin na dumaan ang first 5 months ng pasukan.

Di na namin namalayan na natapos na namin ng maayos ang midterms. Di ko nga lang alam kong pasado ako sa lahat ng subjects ko.

At ngayon malapit ng magfinals.

Kinakabahan pa rin ako kahit na alam ko na nag-aral naman akong maagi.

Magkaklase pa rin kami ni Jairus pero di kami nag-uusap ng matagalan. Small talks pa rin. Walang pinagbago.

Habang tumatagal ay nakakaya ko nang sumagot kay Jairus ng hindi nahihiya.

Nagha-hi siya sa akin everytime na papasok siya sa klase namin. Close pa rin sila nila Athena.

Di naman ako nakikialam sa usapan nila at nakikinig kaya iniisip ko nalang na I'm doing great in trying to forget him.

Nag-unlike na din ako sa USJ Freedom Page para iwas-iwas din sa temptasyon na malaman ang updates ng buhay ni Jairus. Hindi na rin ako nagiistalk sa Twitter account niya at ipinofocus ko nalang ang lahat ng oras ko sa pag-aaral at panunuod ng Tv sa bahay.

Yes, drastic progress nga. Kung dati-rati ay halos ikamatay ko ang hindi malaman ang mga bagong nangyayari sa buhay niya, pwes, ngayon ay kaya ko nang idedma ang lahat!

Bwa-ha-ha-ha!

Magkatext pa rin kami ni Gab. Halos araw-araw na kaming magkatext. Naging sobrang close na kami simula nung araw na magkatext kami.

Feeling ko nga ay mas lalong naging mas masaya ang circle of friends ko na andyan na ngayon si Gab. Hindi sa sinasabi kong hindi ako kuntento sa mga girl-friends ko, iba lang talaga na andyan si Gab ngayon.

Siguro dahil mmasigla siyang kausap o dahil kwela lang talaga siyang kasama.

Itinitukso pa rin kaming dalawa ni Gab nila Athena, Pau-pau at Bea. Ewan ko ba kung bakit ipinagpipilitan nila kaming maging "loveteam". Eh, wala naman kaming kachemistry-chemistry.

Baka nafifeel sorry lang ang mga kaibigan ko sa akin dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend.

Si Pauleen kasi ay in a relationship na sa basketball varsity player ng campus namin na si Adam George Fajardo. Si Bea naman ay boyfriend na niya ang isa sa mga campus hearthrobs na kaibigan ni Gab na si Sebastian Holzer. Si Athena naman ay jowa na si Jeremy Ramirez na pinsan ni Christian Vincent Ramirez. Model si Jeremy at hindi nag-aaral sa school namin. Nagkakilala lang ang dalawa sa isa sa mga fashion gatherings na nagkataon na andun naman si Christian na kakilala ni Athena. At doon na, nagsimula ang kwento nilang dalawa.

Masaya ako sa mga kaibigan na nakahanap na ng ibang kaligayahan maliban sa friendship namin. Kaya feeling ko naman minamadali nila ako na magkaboyfriend kay tinutukso pa rin kami ni Gab.

Pero, di na ako naaasar o napipikon man lang kasi go with the flow lang naman si Gab kaya nakikisali na rin ako sa kanya.

Minsan nga sinasadya pa naming magpick-up lines ni Gab sa harap nila Athena para lang mabigyan sila ng gusto nilang "entertainment".

Napapa-ayeee at napapatili namin ni Gab ang tatlo kong lukaret na mga kaibigan.

Pag natapos na namin ang pagpapakilig kina Bea ay mag-aapir kaming dalawa sabay ngiti.

See? Ganyan na kami kaclose ni Gab.

He's like the perfect guy friend!

No exaggeration needed.

**********************************************************************************************************

Nasa may study lounge kami ng school ngayon. Nagkakatuwaan na naman kami. As usual, tinutukso na namin kami ni Gab. Sinasabayan naman namin ni Gab ang mga panunukso nila.

KAMUSTA CRUSH MO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon