XI

17 0 0
                                    

Nawindang ang mundo ko ng bonggang-bongga sa follower request ni Jairus sa Twitter account ko. Hindi pa ko pa rin lubos maisip bakit niya ako ifafollow sa twitter kung wala namang interesting things na nangyayari sa buhay ko.

Kanina pa ako balikwas ng balikwas sa higaan ko sa pag aakalang makakatulugan ko ang pag-iisip sa problema ko.

Pero, heto... Mag aalas dos na ng madaling-araw at gising na gising pa rin ang diwa ko.

May pasok pa naman bukas. Baka aabsent nalang ako. Nahihiya na akong magpakita pa kay Jairus. 

Feeling ko kasi inaakala niya na may relasyon kami ni Gab. 

Lahat nalang kasi yun ang akala. 

Masyado na akong feeler, pati ba naman ang tsismis sa amin ni Gab ay iniintindi ko na. 

Kailangan ko nang matulog.

Ipipikit ko nalang ang mga mata ko.

---------------------------------------------------------------------

"San ka ba galing, Maria? Wala ka sa Lit natin kanina ah. Milagro!"  

Nag-uusisa na si Pau sa pag-absent ko sa Lit namin. Sinadya ko talagang hindi muna pumasok sa Literature subject namin kasi hindi naman ako nakatulog ng maayos nun nagdaang gabi.

" Bakit? Namiss mo na ako agad, Pau? Isang subject lang naman ako wala ah. Uyy..."

Pinindot ko pa amg gilid ni Pau habang nakangisi. Wala pa akong plano na sabihin sa kanya na sobrang gulung-gulo ang isip ko kagabi.

"Gaga! Umasa ka pa. Hahaha. Hindi... Kasi, may  inanounce si Miss kanina para sa finals exam natin..."

"Oh? Ano naman?"

" Pipili ka ng partner or group. Pero maximum of three members lang. Tapos, mag-aact tayo ng excerpts from any Philippine Literature stories. Basta mga ganun. Ngayon... hindi ka kasama sa grupo namin sa Lit kasi nga absent ka..."

Nagulat ako sa sinabi ni Pau. 

Hindi man lang ako pinili para maging partner! :(

"Bakit? Hindi ba pwedeng isali ang mga absent kanina?"

"Yun din ang itinanong ko kay Miss. Kaso, nag-inarte ang bakla at sinabing hindi daw pwede para daw magtanda ang mga umaabsent! Yan kasi... Sa lahat pa ng araw na pwede umabsent, ngayon pa..."

" Nako... Parang ang laki naman nang kasalanan ko. Kung tutuusin ay ngayon pa lang naman ako umabsent sa subject na yun! Nakakainis naman."

Napakamot ako ng ulo at napanguso. Hindi ko naman alam na ganyan agad ang aabutin kong sanctions dahil lang umabsent ako ng isang araw. 

Nagkibit-balikat nalang si Pau at napailing ang ulo.

Wala si Athena kasi may date ito kay Jeremy at si Bea naman ay seryoso pa rin sa Debate Team niya. 

Kaya kami ni Pau nalang ang naghihintay sa next subject namin. Di na kami aasa na papasok pa ang dalawa.

" Maria...ano na ba ang estado ninyo ni Marlon?"

At kumislap pa talaga ang mga mata ni Pau! 

Heto na naman po kami.

" Estado? Estado-s Unidos?"

Napahalakhak ako ng bahagya. 

Alam ko... KORNI.

" Tatawa na ba ako? Kailan ka pa naging korny? Ganyan na ba ang epekto ni Marlon sayo? Ayeeee.... Iba na talaga yan."

KAMUSTA CRUSH MO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon