2nd

13 0 0
                                    

Pumasok ako sa kwarto at doon na ako humagulgol ng iyak. Bakit ganun? Sa three years pala na pinagsamahan namin na akala ko tapat siya, hindi pala. Kasi all this time, niloloko lang pala niya ako. Niyakap ko yung unan habang patuloy parin sa paglabas ng mga luha sa mga mata ko. I heard my phone ringing, so many times. Pero hinayaan ko lang ito. Iyak lang ako ng iyak habang yakap yakap ko yung unan ko. Matagal akong nasa ganung posisyon. Humahapdi na yung mata ko pero ayaw parin tumigil sa kakaiyak. Ang bigat bigat ng dibdib ko.
Maya-maya pa ay narinig ko ang mahihinang katok mula sa pintuan ng room ko. "Anak... "si mama pala. Narinig kong bumukas yung pinto. Pumasok si mama at humakbang palapit sa akin. "Anak.. " alalang sambit niya at hinawi ang mga buhok kong nakaharang sa mukha kong nabasa na rin ng luha. Yumakap ako kay mama at naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap niya sakin pabalik. Humagulgol ako ng iyak habang yakap-yakap ni mama. "Mas nasasaktan akong nakikita kang nasasaktan and I can't do anything to help you. It hurts me more seeing you cry in pain. Kung pwede lang sanang saluhin ko na lang yung nararamdaman mo para hindi ka na umiyak. I just want you to know na parte yan lahat ng buhay. And it's up to you on how you handle things. Everything will be fine, Anak. " Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi ni mama. Buti na lang nandito siya, sila ni papa. Ang suwerte ko parin.

"Ma, tabi po tayo matulog please. "garalgal ang boses na pakiusap ko kay mama. Tumango-tango naman siya at hinagkan ako sa noo.

Sana bukas wala na yung sakit. Sana bukas hindi ko na siya mahal para hindi na ako masaktan. Sana bukas hindi ko na maalala yung mga pinagsamahan namin. Sana bukas okay na ako. SANA...

The Pain of Yesterday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon