Story # 1: Love is in the storm

117 4 1
                                    

First day of school at as always, civilian ang peg namin. I spent my elementary and junior high in this school kaya ngayong grade 11 ko, I am pretty confident.

With my white crop top shirt, high waist white pants at white tennis, napaka linis kong tignan. Pagpasok ko pa lng sa entrance, napapa headturn ang nga nakakakita sakin. Sinong Hindi? All white sa first day of school not to mention na ang LAKAS ng ulan?!

Well, to think na mabuti na lang black ang shoulder bag ko. (Lol, anong connect?)

"Mira! Mira, ikaw nga! I miss you!" Sigaw ng bestfriend ko sa hallway pagkakita sakin. "Miss you too Rose, muwah!" Sabi ko sabay hug at cheek to cheek sa kaniya.

"Eh, namatayan ka teh?" Tanong niya habang naglalakad kami at napatawa naman ako.  "Ano ka ba Rose, it's called fashion sense." Taas kilay kong sagot habang papasok kami ng classroom.

"Fashion meron, pero sense wala! Di mo ba na sense na may bagyo ngayon?!" Napaisip ako sa sinabi niya, may bagyo nga ba? Di ko nga ma sense. Mukhang normal rain lang naman ang meron. Kibit balikat lang ako at sa pag start ng klase, maraming nag mention sa suot ko ngayon which ss overwhelming dahil nanonotice nila ako pero may kasamang lait?!

Natapos ang first day dahil half day lang naman at tama nga si Rose! May bagyo nga dahil parang di na tumigil ang ulan na may kasama pang malakas na ihip ng hangin. Nasa harap kami ng gate ni Rose, naghihintay sa waiting shed ng jeep. "Mira, ipahiram mo na lang sakin yang jacket mong kulay blue." Favor ko sakanya at binigay niya naman ito agad. "Susuot ng puti sa wala sa oras. Ikaw talaga Mira, tanga minsan." Napangiti na lang ako Kay Rose, palagi niya na kasi akong sinasabihan na tanga eh, so keribels lang.

"Oh, ayan na pala yung sasakyan kong jeep. Bye Mir! Ingat ka ah?" "Sige Rose, ikaw rin. Thanks sa jacket, isasauli ko ito bukas." Sabi ko habang naka akyat na siya at nag nod.

Sa mga ilang minuto, ang sasakyan kong jeep naman ang dumaan. Pagkaway ko ay dali dali itong napatigil pero sa kinamalas malasan, Natalsikan ako ng tubig kanal sa paghinto nito. "Manong! Di ka ba marunong bumagal?" Reklamo ko pero tumango lang siya at pinasakay ako sa passenger seat sa tabi ng matabang lalaki. Hinubad ko ang jacket na hiniram ko kay Rose para makasya ako.

Umandar ang jeep at magbabayad na sana ako kundi dahil sa pagtapik sakin ng katabi ko. "Miss, wag kang sumandal" napahinto ako sa sinabi niya. "Ah,bakit?" Tanong ko at tinuro niya ang likod ko. Pagtingin ko, shit! "Bakit may bubble gum dito sa sandalan?!" Inis kong sigaw at napaubo ang driver. "Sa bata yan kanina iha, di bale uuwi ka na lang naman. Madali lang kunin ang bubble gum sa damit."  Sagot ng driver nang Hindi inaalis ang tingin sa daan.

Napapikit ako ng mariin. Controlling myself to burst, nag bayad na ako at tahimik na inis sa biyahe. Pagbaba ko sa jeep ay di parin tumitigil ang ulan kung kaya't sinubol ko na lang. Patakbo akong tumawid dahil sa kabila ang subd. Namin. Ginamit ko ang jacket ni Rose pero basang basa ako pagkarating sa guardhouse ng subd. Sa lakas ng ulan ay naisipan kong magpahatid ky dad. Kinuha ko ang cp ko sa bag pero bakit di umaandar?

Doon ko napagtanto na nakalimutan ko pa lang magcharge kagabi! Aarrgghh, kainis! Bakit ang malas malas ko ngayon ng araw?! " iha, may problema ba?" Napalingon ako sa nagsalita. Ang guard pala dito sa subd. "Oho.. Umm pede bang makitawag?"

"Sorry the number you have dialed is busy at the moment. Please try-"  binaba ko na ang telepono dahil wala rin palang silbi. Napabuntong hininga ako at nagisip kung okay ba kung hihintayin ko na lang na tumigil ang ulan or... Maligo na lang sa ulan? Lalakarin ko na lang siguro papunta samin. "Ah, guard sala-" *beeeeeepppp beeeeeppp*

May bumusinang kotse sa likod ko. Pagbukas ng pintuan, may bumaba na lalaking naka shades at denim jacket with checkerd shorts. Naka tsinelas lang siya at di ko malaman kung mag bebeach ba ang isang to.  "Hi guard! Kukunin ko sana ang pinapakuha ni mom." Sabi niya sabay tanggal ng shades, okay naman may itsura. Kumpleto naman pala ang mukha ng isang ito. "Ikaw ba si Andrew? Anak ni Mrs. Cruz?" Tanong ni guard at tumango naman ang lalaking to na nagngangalang Andrew daw?

"Sige sandali lang." Pagkaalis ng guard para pumasok sa loob, napatitig sakin si Andrew. Pinagtaasan ko siya ng kilay na para bang nagtatanong na 'may problema ka?'. Napaiwas na lang siya ng tingin at did I just saw him smirk? Wag na wag niyang dagdagan ang init ng ulo ko jusko!!

"Ito na iho!" Pagbalik ni guard ay may dala na siyang susi at paperbag. Don't care what's that. "Salamat guard, Sige mauna na-" "teka muna iho," napahinto naman si Andrew at nabaling ang atensyon sakin ni guard. "ikaw si Mira Sanchez?" Out of the blue niyang tanong "o-opo." "Kakatawag lang ng dad mo at alam niya raw na magpapahatid ka dahil sa ulan. Busy siya sa work kaya ang suggest niya, magpahatid ka raw sa anak ni Mrs. Cruz na...timing dahil andito siya!" Manghuhula ba si dad? At paano niya nakilala si Mrs. Cruz which is di ko rin naman kilala.

Wala akong nagawa kundi sumakay sa magarang na kotse ni Andrew at habang nasa biyahe, "giniginaw ka ba sa aircon? Patayin ko?" Tanong niya pero mukhang kaya ko pa naman kaya sinabi kong okay lang.

"Ah, ayan na yung bahay namin. Pakitabi na lang." Sabi ko at pagkahinto niya ng sasakyan, lalabas na sana ako pero hinawakan niya bigla ang wrist ko. "Your name's Mira right?" Sa pagkabigla, napatango lang ako ng oo. "I am Andrew at actually, magkapitbahay tayo. Last month lang kami nag move dito so I hope, you can tour me in this place some other time?" Ngiti niyang tanong na ikinilig ko naman dahil something na ito! "Sure!" Sagot ko at pagbaba ko ay dali dali akong nagpasilong sa porch namin.

Paglingon ko ay di pa umaalis ang kotse ni Andrew kaya bigla siyang nagbaba ng window. "By the way Mira! I love your outfit today!" Pagkatapos niyang sabihin yun ay nagpaandar na siya ng kotse at umalis which is pumasok lang naman sa garage nila sa tabi ng bahay nga namin. Oh my ghaaad..

This day was a lucky one for me after all!

_fin














(A/N: so lame, hope you have reactions guyssss..)

Poems And Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon